"A-Ano bang nangyari dito? Tanong ni Makoy sabay balik sa hawak nitong pige ng baboy kung saan ito nakadisplay.
"Iyan, iyang kasama mo ang tanungin mo!" Sabay turo sa akin ng babae. Tiningnan ako ni Makoy. Hindi ako sumagot. Bumaling din naman siya agad sa babae na noo'y nagtatalak na naman at hindi alintana ang mga taong nakatingin na sa amin. Napakapalingkera talaga ng bunganga. Sarap pasakan ng laman loob ng baboy.
"Sinabihan ko lang naman 'yan e, kung bakit hindi niya natapos ang mga pinagawa ko aba'y nagalit na at pinintasan ako!" Bulalas ng babae. "Nabili ko na lahat ng pinamili ko hanggang bumalik na lang ako dito aba'y hindi parin niya natapos. Ang bagal kumilos!"
"Na busy nga ako dahil sa pagdagsa ng ibang mamimili kanina, bingi lang?" Bulyaw ko dito kaya biglang napalingon sa akin si Makoy at pinandilatan ako. Ipinapahiwatig nitong tumahimik na lang ako para hindi na lumaki pa ang gulo.
"Ganon ho ba? Ano pa bang pinakiusap niyong gawin?" Ang mahinanong wika ni Makoy. Nakuha pa nitong ngumiti sa bruhang babae.
"Dalawang kilo ng laman tapos, pinahiwa ko ng pang-adobo. At nagdagdag ako ng tatlong kilo pang barbecue; iyong manipis ang pagkakahiwa. Tsaka tatlong kilo ng pork belly!" Sagot naman ng babae.
"Sige ho saglit lang to. Pagpasensyahan na ninyo itong kasama ko, bago pa lang kasi siya dito e, kaya hindi pa siya ganoon kabilis at kakabisado sa mga gawain dito. Maupo na muna kayo!" Inabutan ni Makoy ng upuang plastic ang babae. Pagkaupo nito, pinukulan niya ako ng isang tingin, iyong tinging nagmamayabang. Sinimangutan ko lang siya.
"Ayusin mo yan ha! Tsaka pakibilisan, darating na kasi iyong kapatid kong babae kasama ang asawa niyang Amerikano. Dapat mailito ko na yan lahat bago sila dumating!"
"Shiitt! Yabang! Kung makaasta parang siya na iyong asawa nung Kano!" Sa isip ko habang nagrerefill ng mga panindang karne.
Patuloy lang sa pakikipagkwentuhan si Makoy sa babae para siguro hindi ito mainip dahil baka magtatalak na naman. Medyo natawa pa ako dahil ang iba doon obvious ng pambobola na. Nakinig lang ako sa takbo ng kanilang usapan.
"Nakakatanda ho ba ninyong kapatid iyon o mas nakakabata pa sa inyo?" Si Makoy, tinutukoy nito ang kapatid ng babae na nakapag-asawa ng Kano.
"Bunso namin iyon. Maganda at sexy iyon kaya patay na patay sa kanya iyong Amerikano!" Pagmamayabang naman nitong sagot.
"Halata naman kasi maganda si Ate kaya ganoon din si Bunso!"
"Ui grabe ka kuya ah, hindi naman masyado!" Sabi ng babae na kinikilig. Nakuha pa nitong dukutin sa bag ang maliit na salamin at inaaninag niya doon ang sarili. Iwinasiwas pa nito ang buhok na para bang model ng shampoo.
"Eww! Hindi kahabaan ang hair mo bruha ka kaya huwag mo masyadong i-feel!" Sigaw ng aking utak. Ganoon ang takbo ng kanilang usapan ng umalis ako para kumain ng pananghalian doon sa malapit na karenderya. Hindi ko na kasi kinaya ang pagmamaganda nung babae sa walang habas na pambobola ni Makoy. Infairness din naman kay Makoy, magaling siyang maghandle ng kustomer. Alam na alam niya kung paano hulihin ang kiliti nito. Nagagawan niya ng paraan kung paano pahupain ang napakatensiyonadong sitwasyon gaya na lamang nung kanina.
Habang kumakain ako, hindi ko namalayan ang paglapit ni Kristine, iyong bakla na tindero rin na nasa tapat naming pwesto ni Makoy. Dala niya ang kanyang inorder na pagkain at nakishare ng mesa sa akin. .
"Ui pogi, bilib talaga ako sa'yo!" Sabi niya
"Bilib saan?" Tanong ko naman.
BINABASA MO ANG
Wala Man Sa'yo Ang Lahat
RomanceIsa akong mapiling alanagnin. Meroon akong sinet na mga standards para sa taong mahalin. Gusto ko iyong gwapo at may kaya din na tulad ko. Matalino at may mataas na pangarap. Ngunit paano kung darating ang panahon na ang taong ititibok ng puso ko a...