Chapter 2: 5 Days of GMSummer

52 2 0
                                    

Day 6

Dear GM Diary,

Naandito nanaman ako, summer na at magpapakasarap na lang. "Sige pa! Malapit na!" Ang sigaw ng ate ko. Nakita ko na nanonood pala siya ng karera ng mga kabayo, "sugal iyan ate" sabi ko. "Cartoons na karera, sugal?" Sabi niya. Habang kami'y nakain, "kailan ba sasarap ang mahaba't matabang tinapay na ito. Pati na rin itong malaki at kulay kayumangging brownies?" Ang tanong ko. "Pag pumuti na ang uwak" ang biro ni ate. "E di wow" ang sagot ko. "Wait puntahan ko lang si Yugo, maglalaro kami ng video game niya" ang sabi ko. Habang naglalaro kami ni Yugo. Sige ipasok mo pa, ang sarap. Gosh lalabas na" ang sabi ni Yugo. "Ano ba iyan?" Ang tanong ko. "Ah, kasi itong project kong bulkan, ipinapasok ko yung tubig sa loob para lumabas na ang kunwariang lava" ang sagot niya. Bago ako umuwi, binigyan ako ni Mishta at Mrs. Mashtaro ng isang keychain. Ang nakadrawing ay GM. Pero ang ibig sabihin ay Goat Mask. Pagkatapos noon ay umuwi na ako.

Day 7

Dear GM Diaries,

Ilinagay ko ang keychain sa aking ID. Naalala kong wala naman pa lang pasok, linagay ko ito sa babang part ng kasuotan, ang bulsa. Nakita ito ni Jessa, "yuck! Sira na buhay mo Marcos" ang sabi niya. "Linalagay ko lang ang krychain na ito sa bulsa" ang paliwanag ko. Umalis na lang siya at hindi ako pinansin. Habang nageempake ako dahil pupunta kami sa beach, nakita ko si Jake. "Marcos, magpakasaya at pakasarap ka kasama ng iyong ate. Pati rin ng iyong magulang" sabi niya. "Salamat, sige paalam na" ang paalam ko. Habang nasa biyahe. "Ang ganda ng tanawin, gusto kong lasapin, parang isang panaginip na hindi nakakainip" ang sabi ni ate. "Kainin mo ito! Isubo mo, bilis! Ngayon dilaan mo! Ganyan!" Ang sigaw ng lalaki sa beach. Nakita ko na ice-cream pala iyon. Naiinis na nga ako dahil ice-cream na lang ang nakikita at nakakain ko. Sawa na ako.

Day 8

Dear GM Diary,

Habang kami'y nasa kuwarto ng hotel sa beach na pinuntahan namin. Nakita ko si Elice na pumasok sa katabi naming kuwarto. Sumandal ako sa pader at pinakinggan ang nangyayari sa kabila. "Wait time out muna, masakit na, sobrang sakit na, lumabas na nga kaya wait lang" ang sabi ni Elice. "Sorry hindi kasi ako bihasa sa pagcucutics" sabi ng babaeng kasama niya. Nakatulog ako sa inip ko sa pagtingin kung ano ang kanilang pinag-uusapan.

Day 9

Dear GM Diary,

Nakita ko si Elice sa dagat. Lumalangoy na parang sirena. Hibdi ko pinahalata na nasa beach kami ng biglang. "Anak ayun pala si Elice, wait lang tawagin ko" ang sabi ni nanay. "Naandito pala kayo, naandito kasi kami para magbakasyon sa mainit at preskong beach na ito" ang nabiglang sabi ni Elice. "Oo nga, kasing-init mo kasi ang araw ngayon at kasing lamig naman ng hangin ang pagmamahal mo sa aki" ang bulong ko. "Ah, ano iyon?" Tanong niya. "Ah wala, sabi ko oo nga kaya rin kami naandito" ang palusot ko. "Sige paalam na sinusundo na ko ni mama" sabi niya. "Marcos, gusto mo ice-cream" ang alok ni ate. "Ayaw ko na ng ice-cream!" Ang sigaw ko naman.

Day 10

Dear GM Diary,

Huling araw na ng summer, "bye Marcos! Ang sarap dito no" ang sabi ni Elice. "Oo nga, kasing sarap mong halikan" ang bulong ko. "Ano ulit?" Tanong niya. "Sabi ko, oo nga, paalam na kita na lang tayo sa school" sagog ko naman. Umalis na kami at sila Elice. Pagkauwi ko. "Handa niyo na mga gamit niyo sa school" sabi ni nanay.

Greenminded DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon