Chapter 3: 5 Days of Sadness

27 1 0
                                    

Day 11

Dear GM Diary,

Nalungkot ako, mayroon na pa lang iba si Elice, hindi ko pa inaasahan na si Jerome pala iyon, alam ko masmakisig siya kaysa sa akin. Naging stalker ako ni Elice. "Sige pa Jerome, lalabas na, malapit na, hindi ko na kaya" ang sabi ni Elice. Sa narinig ko, pumasol ako sa loob. "Anong nangyayari dito?!" Ang tanong ko na pasigaw. "Uh, Marcos! Anong ginagawa mo dito. Dahil naandito ka na rin naman, makisalo ka na lang sa laro ko dito sa cellphone, nakakatuwa" ang sabi ni Elice. Ang linalaro pala nila ay ang Racing sa cellphone. Ditap pala kaya binibilisan. Umuwi akong luhaan sa bahay ng gabing iyon.

Day 12

Dear GM Diary,

Iyak lang ako ng iyak na halos ikapula na ng aking mata. Hindi ko talaga maintindihan, bakit si Jerome ang napili niya. Pumunta ako sa bahay ng tita ko, sa US. Pagkadating ko doon mula sa eroplano nakita ko kaagad siya. Sabi niya sa akin, "darling! And my grandson" ang bati ni tita Michelle. "Hello, were here to forgot the things that makes me sad" ang bulong ko sa sarili ko. "What is it?" Tanong ni tita. "Oh sorry, I said, were here for a vacation" ang sabi ko. Nagtagal kami doon hanggang lumipas ang isang buwan.

Day 13

Dear GM Diary,

Ng sumunod na taon bumalik na kami sa Pilipinas. "Elice!" Ang bati ko sa kaniya. Yinakap niya ako ng mahigpit. "Marcos! Namiss kita, sabihin ko sana sa iyo na wala na kami ni Jerome" ang sabi niya sa akin. Hindi pa rin ako masaya dahil sa sumunod na sinabi niya. "Tsaka nga pala, wala na si Yugo at ang pamilya niya papunta sa Singapore, duon na sila titira" ang sabi niya pa. Umuwi na kami sa bahay namin habang ako'y umiiyak. Mukhang nawalan na ako ng isang kaibigan. Nagkulong ako sa kuwarto ko ng ilang araw.

Day 14

Dear GM Diary,

Bumili si mama ng aso, isang labrador. Pinangalan siyang GM, dahil daw ang magiging amo nito ay ako. Inalagaan ko siya kaso, akala ko siya na ang magtatanggal ng lungkot ko. "Mommy wait ang sikip, tanggalin mo muna ito sa katawan ko!" Ang sigaw ni Jessa. "Mukhang hindi kasya ang nabili kong damit" ang sabi ni nanay. "Ma, bili ka nga ng para sa akin" ang sabat ko. "Pero nak, o sige na nga" ang nagdadalawang desisyon ni mama. Binilan niya ako at ito'y nagkasya sa akin. "Salamat nay!" Ang pasasalamat ko. "Walang anuman anak, basta pra sa inyo ng ate mo, gagawin o bibilin ko" ang sabi ni mama. Biglang may kumatok sa pinto. "Si Marcos po?" Tanong ni Ars. "Puntahan mo na lang sa kuwarto niya" ang sabi ni mama. "Ok pa salamat" tugon ni Ars. "Marcos, hindi ko na kayang pigilan pa ito! Lalabas na! Ituro mo nalang!" Ang sigaw ni Ars. "Duon yung banyo sa dulo" ang sabi ko. "Salamat at nakaihi na ako" ang sabi ni Ars. "Bye, 10:00 na pala, bak hinahanap na ako ni nanay" ang sabi niya at umalis siya.

Day 15

Dear GM Diary,

Mas nalungkot ako ng malaman ko na grade 9 na pala ako sa susunod na pasukan. Napaisip ako, wala pa pala akong girlfriend. May nag-enroll at naging kaklase ko, siya si Karna. Naging magkaibigan kami, pero gusto ko maging magka ibigan kami. Kasi sa ganda niya na kapantay ni Elice. Ay parang siya na rin iyon. Pero hindi ko alam, may boyfriend na pala si Karna, at siya si Chaves. Valentines na, sana magkaroon naman ako ng kapartner kahit minsan. Mukhang ipuputol ko muna ang pagsulat ng diary sa susunod na ulit.

Greenminded DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon