1st Chapter

48 5 0
                                    


_ Yunie's POV _

"Yunie, bilisan mo na! Malapit ng magstart yung flag ceremony!"

"Oo saglit lang. Susunod na ako."

Binaba ko ang bag ko sa pinakamalapit na upuan na makikita ko and I immediately went outside the room. Next time talaga matutulog na ako ng maaga. Palagi nalang akong late! Tae naman.

"Uy beh! Andito ka na huhu grabe namiss kita. Kumusta ka na? Ang taba mo na lalo oh, look!"

Uh oh. Yeah, there she go again. Mushing my chubby cheeks and telling me that I'm getting fat for the millionth time. She's Fiona Ysabelle Alejandrino. You won't believe me but she's my childhood *kikay* bestfriend. Hindi lang halata pero mahal na mahal ko yan! Medyo immature lang minsan pero mabait yan, wag kayong mag-alala di sya monster.

"Uh, yeah. Ikaw din kaya! Mas.. gumanda ka ngayon! Haha anong bang nilagay mo sa pagmumuka mo?"

"Eneber ikaw nem--

Ayan sa sobrang kadaldalan ng chaka eh magsisimula na pala ang ceremony. Hay naku, bespren ko talaga oh.

XxXxX

Andito na kami sa room ngayon. First day of school kasi kaya walang masyadong ginagawa. Busy pa ang mga teachers sa pag-aayos ng schedules ng classes namin.

Hindi naman nakakapanibago ang bagong school year. Karamihan naman ng mga kaklase ko dati eh kaklase ko pa din naman ngayon, at sa Phenellope Integrated School parin naman ako nagaaral kaya sanay na sanay na ako sa mga bagay dito.

"Tara beh, labas tayo! Tomguts na ako, eh!" Bumalik naman ang utak ko sa real world nung biglang may nagsalita. Si Ysabelle pala.

"Ah sige, ikaw nalang. Di pa ako gutom." Sabi ko habang kumukuha ng papel.

"Ah, okay. Sige! Magiingat ka sa mga idiots jan ah!" Sabi ni Ysabelle sabay takbo papalabas. Naku, kung ano-ano na naman lumalabas sa bunganga ng lokong to.

Kinuha ko yung drawing kit ko at nagdrawing ako sa papel na kinuha ko kanina. Yes, my hobby is drawing. Kapag nabobore ako, I just draw some chibis or some cartoons then sinasabit ko sya sa board ko sa kwarto. Yung iba naman, hinihingi ni Ysabelle.

I drew a cute cat chibi. Actually ulo lang sya nung cat. I folded it in a triangular shape para ulo lang talaga ang makita at maging parang bookmark.

"Ang cute naman ng drawing. Akin nalang ha."

H-huh? Wait. Bakit kinuha nito ang drawing ko? Tsaka, di ko pa nakita tong taong 'to. Well, who is he? I mean, how dare he?

"Akin na po yung drawing ko." Sabi ko sa kanya ng kalmado sabay tayo at nag cross-arms ako.

"Ako? Ako ba?!" Aba eh wala palang utak to eh!

"Ay hindi. Sya oh." Sabi ko sabay turo ko sa likuran nya.

"Ah. Sya naman pala. Akala ko ako eh." Sagot nya sabay upo. Aaaaargh! Gosh, sasabog na ako ah!

"Excuse me, but can you return my drawing?" I said politely at inilahad ko ang kamay ko.

"Eh pano kung ayaw ko?" He replied sarcastically.

Aba. Hindi talaga ibabalik sakin ng isang to ah.

"Urgh! How dare you! Akin na yang drawing ko!" I said impatiently and reached for my chibi drawing but he raised his arms, making me harder to reach for it.

"Abutin mo muna. Bleeeh!" Aba bumelat pa ang mokong! Ako bang hinahamon nya ah!

"Tss. Hindi mo alam kung sinong kinalaban mo." I said while giving him a deadly stare.

Sa mga ganitong sitwasyon, mabilis talaga akong maubusan ng pasensya. Lalo na kapag yung mga drawings ko ang pinaguusapan. Iniingatan ko kasi sila. Tss. Akala nya lang ah. Mali talaga sya ng kinalaban.

Tumungtong ako sa upuan para maabot yun pero tumakbo sya. Inalis ko yung doll shoes ko at hinabol ko sya. Ilang beses kaming nagpaikot ikot sa room hanggang sa yung mga kaklase na namin ang nagsasaway sa pag-aaway naming dalawa. Gosh, inaatake na ata ako ng asthma.

Umupo muna ako sa isang upuan at huminga ng malalim. Hindi ako makahinga ng maayos. Nakita ko yung kumuha ng chibi drawing ko na itinataas nya yun pero I can't see him well. Tumayo ako para kunin yung inhaler ko.

"Oh ano, talunan ka pala eh!" Sabi nya sabay taas ulit nung chibi drawing ko.

Aba, ako pa talaga pinikon nito eh!

Nakuha ko na yung inhaler ko and I breathed hard. Haay, bwisit talaga yung lalaking yun!

First day of school, may namemeste na agad! Buti nalang talaga nakuha ko na tong inhaler ko. Binulsa ko yun at hinabol ko sya ulit.

"Akin na kasi yang drawing koooooo!"

"Eh pano kung ayaw ko!?"

Hinabol ko na naman sya ng hinabol. Paulit ulit kaming nagpaikot ikot sa buong room hanggang sa hinihingal na ulit ako. Aba, kanina pa ako pagod pero sya hindi pa!?

"Napapagod ka na ba, Miss?" Sabi nya at nagsmirk. Nakakapagod na ah!

"Ibi..gay..mo..na.. kasi!" Sabi ko ng hingal na hingal.

Tatakbo na sana ako kaso biglang bumukas yung pinto..

"Wayne? Wayne!"

Si Ysabelle! And she is talking to.. the one who stole my oh-so-precious-drawing!? Kilala nya yung mokong na yun? Wayne daw pangalan?

Tinignan ako ni Ysabelle at she gave me a worried look.

"Ysabelle! Ki..nuha..nya..yung..drawing.ko!" I said while catching my breath. Medyo nagiging blurry na din yung paningin ko and I think this isn't good.

"Wayne naman! What do you think you're doing? Ano na namang kapestehan to!?"

"Why? Masama ba?"

Hindi ko na sila makitang mabuti at hindi na talaga ako makahinga ng maayos. Kukunin ko na sana yung inhaler ko kaso nahulog na yun sa bulsa ko.

"Naman Wayne oh! Yunie is asthmatic!"

"Huh?"

"Yunieeee!"

I lost my balance and everything went black.

Love Moves In Mysterious WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon