Allison I

38 4 2
                                    

Tahimik na minamanmanan ni Allison ang paradahan ng sasakyan mula sa itaas ng maintenance shed gamit ang kanyang binoculars, mula sa kanyang vantage point ay makikita ang halos dalawang daang zombie na palakad-lakad lamang sa paradahan, walang pakialam sa kahit anong nangyayari sa mundo
Liban na lamang kung may lumabas na pagkain.

"Robert, si Ally 'to" ika niya sa walkie-talkie,"Na-scout ko na ang parking lot", sumilip siya muli sa parking lot,

Ingat na hindi makagawa ng ingay, "Maraming zombies dito, tantsa ko mga dalawang daan"

"Ok, Gagawin natin ang Plan A, Ally, itumba ang lahat ng mga zombie na kaya mo kapag nandyan na kami tapos isignal mo ang clear kila William at John kapag clear na" sabi nito.

"Copy" sagot ni Allison.

Agad niyang inilapag ang binoculars at kinuha ang sniper rifle na nakasukbit sa kanyang likod at sumilip sa telescope nito at tinarget ang isang zombie. Kinalabit niya ang gantilyo at pumutok ang nabubulok na utak nito ng tamaan ng bala, nakasilence naman ang kanyang baril kaya walang maririnig na tunog, kahit na ganoon ay nagambala ang mga zombie ng marinig ang pagbagsak ng katawan, kaagad silang paikad na pinuntahan ito, ignorante sa kanyang patibong, isa isa niyang pinagbabaril ang mga zombie bawat bala ay headshot, lahat ng mga ito ay hindi nalalaman ang kanyang posisyon at patuloy na lumalapit sa mga bumabagsak na katawan. Panandalian siyang tumigil upang ireload ang rifle.

Sa puntong iyon ay pumasok na mula sa kaliwang driveway ang isangmpamilyar na pulang pick-up truck. Nasa flatbed nito ang isang pamilyar na babae, meron siyang dalang aasault rifle sa kanyang mga kamay at hindi katulad ng kay Allison ay wala itong silencer kaya malakas ang tunog nito at naatract ang lahat ng mga zombie mula sa parking lot pati na narin mula sa loob ng supermarket. Sumabay din si Allison at pinabagsak ang ilang zombie, bawta tira ay puro headshot, marahang umabante ang pulang pick-up at parang prosisyon na sumunod ang mga naglalakad na mga bangkay,ang mga pinakamalapit sa likuran ng pick-up ay kaagad na bumabagsak at tadtad ng bala ang ulo.
Ilang minuto ang hinintay ni Allison sa itaas ng maintenance shed, pinapatay ang mga zombie na nahuli sa pain nila Robert at Denise.

"Scavenge 1, si Allison ito, pumunta na kayo sa parking lot pero wag muna kayong bumaba, repeat, wag muna kayong bumaba. Over?" Ika niya sa radyo tapos ay bumalik sa pagpatay ng mga zombie habang hinihintay ang sagot.

"Copy, papunta na kami dyan, standby" sagot ng isang pamilyar na boses mula sa kabilang linya. Ibinaling niya ang tingin sa kanang driveway, mula rito ay pumasok ang isang armored truck na katulad ng mga ginagamit sa mga bangko noong maayos pa ang mundo at dalawang military truck ang pumarada sa pintuan. Nagsimulang lumapit ang mga zombie sa mga sasakyan pero bumukas ang isang hatch sa bubong ng armored truck at lumabas ang isang lalaki. Ginamit niya ang machine gun na nakakabit sa bubong ng truck at pinagbabaril ang mga lumalapit hanggang maubos ang mga ito.

"Will, baba na ako dyan mula sa maintenace shed, wag niyo akong barilin!" sabi niya sa radyo.

"Copy, wag ka mag-alaala, bibigyan namin ng cover, Over"

"Sige, salamat" muli niyang inilagay ang sniper rifle sa likod at kinuha ang handgun at kutsilyo. Tapos ay bumaba siya sa bakal na hagdan, nakatuon ang kanyang atensyon sa likod kung sakaling may zombie man na sumulpot.

Ng masigurong wala na, mabilis siyang lumakad habang handa ang baril at patalim sa panganib. Malapit na sana siya ng may biglang humawak sa kanyang binti. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang halos buto na lamang na braso ng zombie sa kanyang bukong-bukong. Hindi siya nagpatumpik-tumpik at binaril ang bangkay sa halos litaw na nitong bungo, agad na nahati sa gitna ang ulo nito at kumalat ang naagnas nitong utak sa semento. Hindi pa siya nakakabawi ng marinig ang isang ungol sa kanyang likuran, ng lumingon siya ay nakita ang isa pang zombie na malapit sa kanyang mukha, binitiwan niya ang baril sa kaniyang kanang kamay at sinakal ang leeg ng bangkay upang mailayo ito sa kanya at sinaksak ito sa ulo gamit ang kutsilyo niyang hawak sa kaliwa. Hinugot niya ito at bumagsak sa lupa, lumingon-lingon muna sa kung meron pang supresa, ng wala ay pinulot niya ang baril at tumakbo sa mga sasakyan.

Dead SlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon