I

3 0 0
                                    

"Aray!"

Lecheng buhay naman to oh! Binangga ba naman ako, ba't ba parati akong sinasaktan.

"Iha?"

Hala teacher pala yung nabangga ko, ang tanga ko lang. Humingi na rin ako ng pasensya nakakahiya naman first day ko pa lang may nagawa na agad akong kasablayan.

Hiiii ako nga pala si Shane Batumbakal HAHAHA JK Shane Tumbalata po HAHAHA choks lang, Shane Edulan po talaga. At excited na akong makilala ang mga bago kong kaklase. Sabi ng kaklase ko noon Section Newton daw ako.

Sana may makita akong kaklase ko noon dito kahit banggain niya na ako, okay lang, sanay na naman ako masaktan.

"In another life, I would be your boy"~ 🎶

Uhhh ang ganda ng boses, lilingon sana ako ng..

"SHANE!!!!!!"

Pizza naman oh! Ang lakas ng boses ughhh

"Ano ba Rea! Talo mo pa lahat ng mga speaker na naka max volume sa mundo!"
Nag peace sign nalang ang bruha.

Siya naman si Rea Tiu, kaklase ko noon. Hayyy salamat hindi ako magiging loner.

"Tara hatid na kita sa room niyo baka may gwapo dun"

Napatawa nalang ako dahil hindi pa rin siya nagbabago, adik pa rin sa mga gwapo. Ayun sumunod na ako at ang sabi niya pa tawagin ko lang daw siya sa itaas dahil doon ang room niya if ever my gwapo nga hahahaha

Ang awkward naman neto parang kilala na nila lahat except sa akin.

First day ko pa kasi tapos done na yung first week nila, kagagaling ko pa kasi ng hospital.

Palinga linga lang ako sa room at may lumapit sa akin na babae, maganda siya, morena at may dimple.

"Excuse me naliligaw ka ba?"

Nagtawanan naman ang kasama niya. Batukan ko kaya sila isa isa. Ngumiti nalang ako at niyugyog ng konti ang ulo ko na nangangahulugang hindi.

"Ms. Edulan? Okay ka na ba dear? Mabuti naman at nakapasok ka na."

Tinignan ko yung parang name tag niya haha adviser pala to namin, Mrs. Eve Guzman, ang bait niya at para siyang si Baymax cutieee. Ngumiti nalang ako dahil sa nakakahiya nemern hehe

"Class upo na kayo. This is Ms.Edulan siya yung kaklase niyo na galing hospital" Parang ang gandang lugar naman ng hospital, bulong ko sa sarili.

"Hi I'm Shane Chrome Edulan."

"May vacant chair dito oh! Dito ka na umupo." Nakangiting sabi nung babaeng kulot ang buhok tsaka maputi, pamilyar ang mukha niya, di ko lang talaga matandaan bakit. Nagpasalamat na ako sa kanya at umupo.

"Tumayo ang bawat leader ng 3 groups. Dahil mayroon na kayong grupo lahat sa asignaturang Mapeh maliban kay Shane, sino ang magvovolunteer na grupo para isali siya?"

Lahat nga leader ay nagtaas ng kamay. Auuuhh *flips hair* ang ganda ko lang Hahahahaha
Pero sa huli ay napunta ako sa Group1.

"Gusto kong ang bawat grupo ay magperform ng own Zumba routine nila para before ito sa ating physical activities. Ang grupong may magandang performance ay magpeperform ngayong Friday para sa overall physical activity natin kasama ang dalawang seksyon sa itaas. Okay?"

Bakit kaya dalawang section sa itaas tapos isa lang dito sa baba? May katabi kaming room pero SPJ (Special Program for Journalism) daw yun tapos SSC naman kami.

My High School Puppy LuvsWhere stories live. Discover now