III

1 0 0
                                    

Sinundo naman ako ni Rea sa bahay kasi daw sabay na kaming papasok at para mahatid niya ako sa school.

Ang sabihin niya gusto niya lang makita si Kean, nagkahawaan na ba sila ni Kyla? Hahahaha labyu mga bes

"So I dont have to say you were the one that got away"~ 🎶

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses, yun ba yun si

"SHANE!!"

"Rea ano ba! Bat ka ba sumisigaw?"

"Eh bat di ka nakikinig?"

"Eh kasi tss nevermind"

Nagkwekwento pala siya tungkol sa zumba practice nila at kung gaano siya ka excited na makita akong magsayaw this Friday. Zumba lang yun, di sayaw tsss

Hinatid niya talaga ako sa room at sakto namang nasa pinto si asungot este si Kean, hinanap naman ng paningin ko si Rea.

Pinitik ko ang noo nito kasi umurong na naman pantog niya nung nakita niya si Kean.

"Ouch! Harsh mo naman bes"

"Che! Alis na. Malapit ng magbell"

"Omg"

At ayun tumakbo na siya agad. Bastos ng babaeng yun hindi man lang nagpaalam, hindi tuloy ako nakapagpasalamat.

Pumasok na ako at umupo na agad sa upuan, hindi pa rin umaalis si Kean sa pinto at parang bweset na bweset? Ang seryoso amp di bagay

"Shane.."

Lumingon naman ako sa katabi ko na kanina pa payuko yuko, ano bang problema ng mga tao rito. Tumingin ako sa buong klase at parang problemado ang lahat. Ano bang nangyayari?

"Dane? Anong nangyaya-"

"Wala kang pakialam"
Si Pia naman ang sumagot, hindi naman ikaw ang tinatanong ko ah. Tsss

Hanggang sa nagsimula na ang klase, ang tahimik, hindi ako sanay na ganito sila. Kahit pangatlong araw ko pa ngayon alam ko namang hindi sila pinanganak na tahimik kaya ang weird lang.

"Ms. Edulan? Why aren't you opening your book? Hindi mo ba nakikita tong nakasulat sa board?"

Bangag ba to si Maam? Wala naman ah? Binuklat ko nalang ang libro ko sa Math pakunwari para hindi siya mapahiya at nagsorry na ako sa kanya.

Tumawa naman bigla yung katabi ko.

"Tinatawa mo Dane?"

"Wala rin kasi akong makita eh"

Sabay kaming nagtawanan ng mahina at nag apir

"Ako rin"

Sabi naman ni Rithneall na katabi ni Dane. Patuloy kaming nagtawanan hanggang sa natapos ang klase.

Hindi namin maaninag ang nakasulat sa pisara dahil nga masyadong maliwanag, nagloading pa pala common sense ko kanina.

Patuloy pa rin ang klase hanggang sa lunch na, medyo gulat ako dahil matapos ang recess naging tahimik na rin sila Dane at Rithneall.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My High School Puppy LuvsWhere stories live. Discover now