II

2 0 0
                                    

Boozz Boozzz //poor sound effect
It's time to go to school naaaa!

"Ma una na po ako."

Habang papasok ako ng school..

"In another life, I would make you stay"~ 🎶

Paglingon ko sa likod ang rami ng nagsidatingang mga estudyante, tumakbo na ako baka madaganan pa nila ako. Bakit ba wrong timing ako parati when it comes to finding out kung sino yung may magandang boses na guy like whyyy ugh

Pumasok ako ng room na naiinis kaya umaga pa lang tinutukso na ako ni Kean dahil parang pasan ko raw ang mundo. Kung pwede ko lang ihampas tong bag ko sa kanya para manahimik na siya. Buti andoon siya sa likod nakaupo, at nandito ako sa harapan kundi matagal ng may pasa yan sa katawan.

"Shhh Good morning Class!"

"Good morning Maam"

"May pupuntahan lang ako today, magpraktis kayo ng Zumba niyo, okay? Sge be good ah. Si Kean yung in charge dito. Go to your respective group. Bye class"

Bakit si Kean pa? Straw ba yun sa teachers? Hahaha makapunta na nga kela Tricia

Habang nagzuzumba kami lahat, si Kean naman pa ikot ikot na nag oobserve sa mga nagprapraktis at wow, magaling siyang mag critique, may tinatagong galing rin tong lalaking ito pala.

Nang mapunta na siya sa amin...
"Shane? Ano ba yan! Zumba to hindi robotics!"

Ughhh leche kang lalaki ka, wala ako sa mood kumilos eh. Tskk

"Ang galing galing ng leader niyo oh tapos ikaw diyan para statwa?!"

Hindi na ako sumagot at nagroll eyes sa kanya. Umalis na siya. Thank You Lord! Mahal kita talaga.

Natapos na rin ang aming praktis. Nakakapagod naman.

"Tubig oh" Offer ni Kean na nakangiti sa akin.

"Gagawin ko?" Tinignan ko siya na may halong pagtataka.

"Kainin mo kasi iniinom yan. Saya diba?" Bullfries!

"From boy in charge to water boy real quick?" Sabi ko sa kanya at nagdulot sa kanya ng kakatawa. Uuuh gwapo ayy joke erase erase. What a good joke!

Kinuha ko na ang water dahil nauuhaw na rin ako at pinapasok na kami ni Kean lahat sa classroom.

During recess..

"Shane ditooo!" At nakita ko na naman si Rea na sumisigaw. Kumakaway siya kasama sila Khask, Ella at Kyla.

Sumabay na ako sa kanilang mag recess. Pero kailangan ko pang pumila para kumuha ng food.

Nagdadalawang isip pa rin ako kung pipila ba ako or not. Hmm

"Shane?" Paglingon ko OMZ Si Raaaad like OMZZZZ

"Hey Shane!" Bati niya ulit dahil hindi ko siya sinagot. Looord busog na po ako, Thank You po sa blessing.

"Uhh Shane are you okay? Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Jusko pwede bang ganito nalang kami parati? Gano kaclose? 💕

"Aray!" Natauhan nalang ako ng may bumato sa akin ng plastic bottle. Pagtingin ko, kumaway si Rea at tinawanan niya ako. Bweset talaga.

"Shane? Are you hurt?" Hala andito pa pala si Rad sa harapan ko. Ang bad ko, kanina ko pa siya hindi sinasagot T.T

My High School Puppy LuvsKde žijí příběhy. Začni objevovat