Chapter 1

1.1K 27 9
                                    

1
-Alessandra's POV-

Isang magandang umaga, London. Tumingin ako sa orasan ko, 6:30 na. Bwisit, may pasok pa ako sa opisina. Lagot ako sa boss ko.

Agad-agad akong bumangon sa higaan ko at nagmadaling maligo. Pag bukas ko nang shower, nagulat ako sa lamig. I groaned. Binilisan ko maligo at nagbihis. Nagsapatos na ako at dali-daling lumabas ng bahay. Pagkatingin ko sa orasan ko, 6:45 na. Kailangan makarating ako sa opisina bago dumating boss ko.

Naghihintay ako ng taxi nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Bakit ngayon pa? Hinalungkat bag ko para kunin ang cellphone ko at sinagot 'to. "Hello po, Ma'am?"

"Nasaan ka na, Alessandra?" Tanong niya. Biglang may tumigil na taxi sa harap ko at pumasok ako. Sinabi ko sa taxi driver yung location ng kompanya kung saan ako pumapasok. "Hello? Andiyan ka pa ba?"

"Ah, eh, opo. Malapit na po ako." Sagot ko. Buti nalang Pilipino 'tong boss ko.

"Well, you better be. There are investors arriving from the states. You better not be late or else." Threat ni Ma'am saakin. Hindi niya na ako binigyan ng chance na mag reply pa. Binaba niya na ang telepono. Jusko patay.

Naka ilang liko yung driver. Nakakahilo. Ang layo kasi ng apartment ko sa kompanyang pinagtratrabahuhan ko. Mas mura kasi dun kung saan ako tumutuloy at mabait pa ang may ari.

After how many turns, nakarating na ako dito. Dumaan muna ako sa food court para bumili ng hot chocate para sa boss ko kase mahilig siya dun.

Sumakay ako sa elevetor para makarating sa 12th floor, ang top floor. Kung saan ang office ng boss ko dito. Dito rin ang room ko dahil assistant ako niya. Tumingin ako sa orasan ko. 7:10 na. Late ako.

Pumasok ako sa opisina ng boss ko. Yes, wala pa siya. Hmph. Nilapag ko ang mga files na pinagawa niya saakin at inayos ang mesa niya. Nilapag ko ang hot chocolate drink niya sa gitna ng mesa at narinig ko na tumunog ang elevator. Nandito na siya.

"Good Morning, Miss Morris." Bati ko. Tumingin lang siya saakin at wala nang sinabi. Dirediretso siya ng lakad at sinundan ko nalang siya. "Um, ma'am, the files you asked me to fix is on your table.

Umupo siya sa upuan niya. "I see that." Her british accent rang through my ears.

Tumahimik nalang ako at di na umimik. Lumabas na ako ng office ni Miss Morris. Baka bad mood, mapagalitan pa ako. Inasikaso ko nalang ang nga natitirang papeles.

Ito ang Elevation Records. Isa sa pinaka sikat na Recording Company sa buong mundo. Si Miss Elizabeth M. De Leon ang may ari nito. Tawag ko sakanya ay Miss Morris dahil yun yung middle initial niya at foreign. Isa rin to sa pinaka malaking business nila ng pamilya niya bukod pa sa Elevation Corporation. Ang lolo naman niya ang may ari nun. Pero that's besides the point.

Masaya ako dahil ako ang napiling assistant ni Ms. Elizabeth. Sa lahat ba naman ng tao na foreigner, mas professional, at mayaman na nag apply, akong pinoy na may kaya ang tinaggap niya.

Sa sobrang busy ko sa pag iisip, di ko namalayan na tumutunog ang telepono ko. Agad ko itong kinuha at sinagot. "Miss Morris' office?"

"The investors have arrived." Sabi ng babae sa front desk.

"Alright, send them up." Sinabi at binaba ang telepono. Tumayo ako para sa pumunta kay Miss Elizabeth at sabihin sakanya na ang mga bisita ay nasa baba na.

Lalabas na sana ako nang pintuan kaso narinig ko siya. "Alessandra, you are so slow. The visitors are here!" Shocks, naunahan ako. Dali dali akong pumwesto sa elevator para salubungin yung mga investors kaso sa sobrang bilis ko, hindi ako napahinto at nakabangga ako.

"Aray ko naman!" Sabi ko pero mahina lang. Tumingin ako sa taong nabangga ko. Sila yung pamilyang galing states. Hala na. "Hala eh, sorry, sir. Sorry, sir." Paulit ulit kong sinabi.

Hindi siya nagsalita at nakatingin lang saakin ng seryoso. Bumibilis ang tibok ng puso ko. If stares could kill, patay na sana ako ngayon. Naku naman, someone help me.

"Mr. and Mrs. Garcia! Pleasure to see you!" Narinig ko si Miss Elizabeth. Grabe, heaven-sent. Lumingon ako sa boss ko and she gave me a glare but her smile continous. "And you must be Mr. Rodriguez."

"Eli, wag ka ngang magkunwari diyan. Ako 'to, si Philip!" Sabi nung guy na nabangga ko.

Nakatitig ako kay Miss Elizabeth. Close silang dalawa ng lalaking 'to?

"Di mo ba ako kilala? Ako si Philip, kababata mo! Hindi mo ba natatatandaan kaming dalawa ni Ernell?" Kinunot ni Sir Philip ang noo niya. Ano kayang pinaguusapan nila?

Nakatayo lang si Miss Elizabeth at naka tulala. Blast from the past ba? Hmm, ano kaya iyon.

Para maiwasan ang awkward-ness na ito, I cleared my throat. Napalingon saakin si Miss Elizabeth ng saglit at nag full attention ulit sa mga bisita. "Shall we go to the office?"

Nagtaka namam itong si Sir Philip pero hindi niya na pinagtuunan pa ng pansin. "Sige ba." Simple niyang sagot. Nauna silang naglakad habang bumuntot ako sa likod nila.

Pag dating sa office ni Miss Elizabeth ay di na ako pumasok pa at bumalik na sa kuwarto ko. Bahala na sila diyan.

-Philip's POV-

Pumasok ako sa opisina ni Elizabeth. Grabe, big time na siya. Dati naalala ko noong maliit palang kami. Lagi lagi kaming naglalaro kasama si Ernell. Kahit na magkasing edad kami at mas matanda si Ernell ng ilang taon, sila ang pinaka close.

Pero parang nakalimutan niya na yata ang mga pangyayari dati.

"Welcome to Elevation Records." Ngumiti siya.

Siyempre kailangan ko paring umakto ng pormal dahil business meeting 'to. Importante ito sa kompanya ng Rodriguez at ng nga Garcia.

"Elizabeth, as you know, Mr. Marco Rodriguez, the father of Philip Rodriguez is willing to make a commitment between you and his company." Sabi ni Tita Elena kay Elizabeth habang pabalik balik ang tingin niya saming dalawa.

"I want to make sure that my money is safe-" Di ko tinuloy na matapos si Elizabeth at nagsalita ako.

"I am handling this. So basically, you don't have to worry. Money is not an issue." Tinaas ko ang parehas kong kilay habang seryosong nakatingin sakanya.

"There's more to the deal than just the money. As you all know, pera ko rin ang mapupunta sainyo. You should promise me millions!" Aba, magaling pala si Elizabeth dito. "And how could I guarantee that my company will make profit in your hands?" Na- amaze ako sa tanong niya. Ang galing niya mang twist ng mind.

"I want your company to succeed. More recording studios, all around the world! Find new and exotic singers na hindi lang foreigners kundi ang mga kababayan natin na Pilipino. We will not just have millions, kundi billions din." Sinabi ko at na impress siya dahil tumungo nalang siya.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at binuksan ang pintuan. Napangiti ako sa ginawa niya. "Thank you for your time. I will be seeing you tomorrow." Sabi niya ng seryoso. Finally, na convince ko rin siya.

Lumanas ako ng kuwarto niya at naglakad kami papunta sa elevator. Tumingin-tingin ako sa paligid. Ang ganda pala dito.

Pagka-dating ko sa elevator, may nakabangga ulit ako. Siya na nanaman?!

"Ano ba yan!" Hindi ko mapigilang sumigaw. Kanina pa kasi niya ako nabubunggo at naapakan pa niya ang paa ko. "Sa susunod, tignan mo ang dinadaan mo, ha!" Suway ko sakanya at di na siya umimik pa.

Dire-diretso na kaming pumasok sa loob ng elevator at lumabas ng building.

Isang magandang umaga, London.

-//-//-//-//-

Hi. Nagbabalik po ako! Enjoyyyy!

vote, comment, fan.

Always be weird and awesome

-Yen

Ang Partner kong Masungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon