Chapter 3

95 5 5
                                    

3

-Alessandra's POV-

Tahimik lang ako dito sa puwesto ko. Gusto ko nang magsalita pero sa tuwing binubuksan ko yung mga labi ko, walang lumalabas na salita. Paano ba naman  kasi? Gulat na gulat kaya ako dito kay Sir Philip. Ano kaya naisip niya at biglang naki-table sa akin?

Kumain lang ako nang tahimik. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Siya rin naman, kumakain lang din pero hindi siya makatingin sa akin. He'll just glance at the window.

Nang matapos kaming kumain, ipapakuha ko na sana yung bill kaso nauhan niya ko. "Excuse me, check please." Sabi niya. Kukuha na ko ng pera sa wallet ko pero pinigilan niya ko. "Sagot ko na 'to. My treat. You don't need to pay me back." He said without even looking at me.

Bumalik yung waitress at binayaran na ni Sir Philip yung mga kinain namin. Sabay kami tumayo ni Sir Philip at lumabas ng restaurant. Papara na sana ako ng taxi nang bigla niya ulit akong pinigilan sa pangalawang pagkakataon. Ano nanaman 'to?

"Sumabay ka na sa akin. Parehas lang naman tayo ng pupuntahan." Sabi niya pero kahit isang beses hindi niya ko tinignan. Ano kaya problema niya? Siguro dahil assistant lang ako ni Ms. Elizabeth at investor siya galing sa isang malaking kompanya mula sa America. Ganun ba kababa tingin niya sa'kin?

"Hindi, Sir. Okay lang ako. Kaya ko na po pumunta sa office mag isa." Sinabi ko. He turned to me. Tinignan niya ko for the first time. Nakatitig lang siya saakin. Para bang may hinahanap siya?

"Okay then," He said. Medyo malamig ang tono ng boses niya.

"Huh?" I replied with a confused look.

"Sige. If you want to take a taxi then go," may nag pulled up na car sa harapan namin. "My car is here, I need to go." Sabi ni Sir Philip, his eyes never leaving my sight at umalis na.

Bigla kong pinagsisihan ang pag reject ko sa offer niyang makisabay sakanya papuntang office dahil lahat ng taxi may mga sakay na sila at wala akong mahanap na bakanteng taxi. Male-late ako sa meeting namin at magiinit nanaman ulo ni Ms. Elizabeth saakin. Di pwede mangyari 'yon. Not now.

Nakakainis kasi si Sir Philip, e. Iniwanan ba naman ako. Di ko naman siya pwedeng sisihin kase ako naman yung tumanggi. Nahiya lang naman ako dahil hindi naman kami close and we barely knew each other. Still, kung gusto niya talaga akong makasabay, sana he insisted on taking me to the office.

Nakahanap ako ng masasakyan na taxi. Pagdating ko sa office, nagmadali ako bumaba dahil  1:53p.m. na at may meeting kami na 2 o'clock. Patay, mapapagalitan nanaman ako. Narinig ko na tumunog yung cellphone ko at si Ms. Elizabeth yung tumatawag. Never pa akong tinawagan ni Ms. Elizabeth dahil never naman akong na-late sa meeting. Usually, she just sends me emails. Sinagot ko yung tawag.

"Where are you?!" Sigaw niya.

"Sorry po, Ma'am! Nasa elevator na po ako ng building." Sinabi ko. Bigla nalang niya biniba yung tawag. Sakto dahil nakarating na ko dun sa floor kung saan mag-mee-meeting.

Nakita ko na si Ms. Elizabeth at nakasalubong ko si Sir Philip. As usual, hindi siya tumitingin sa akin. Bakit ganon? Para bang gusto ko siyang tumingin sa akin at lumingon sa akin, bakit kaya?

My thoughts are interrupted when Ms. Elizabeth called out my name. "Alessandra, where's the file I sent you last night? For printing?"

"Here they are Ma'am." Nilabas ko sa bag ko yung mga files. Siguro it's for the meeting. Nung pinakita ko kay Ms. Elizabeth yung files, tumango nalang siya at pumasok na dun sa meeting room. I distributed the files for the meeting and had one myself. Nung binasa ko yung document, I like the idea.

It was interesting.

-Philip's POV-

Natapos na ang meeting at dumiretso ako sa opisina ni Elizabeth para kausapin siya tungkol dun sa presentation niya during the meeting.

Kumatok ako sa pintuan niya at pumasok. Nagbabasa lang siya ng mga documents at iniintindi ito ng mabuti. Talagang sanay na siya magtrabaho ngayon dahil siya na nga may ari ng Elevation Records.

Matagal na akong may gusto kay Elizabeth. Mga bata palang kami, sobrang malapit na kami sa isa't isa. Kaming tatlo ni Ernell at Elizabeth ang magkakaibigan talaga. Hindi niya nga lang kami maalala ng mabuti dahil simula nung na-aksidente silang dalawa ng tatay niya, iba na nag alaga sakanya.

She forgot those precious memories with her father and friends which only made her remember the sad and painful ones.

"Yes, Philip, what do you need?" Tanong sakin ni Elizabeth.

"About your presentation, I want to know more. I cant take the risk, Elizabeth."

Binaba niya ang mga hawak niyang papel at huminga ng malalalim, "yung unang beses na nakatapak ka sa building na ito, you came here barging into my office. Natandaan ko yung mga sinabi mo na gusto mo magtagumpay ang kompanya na ito. That's why you're here, right?" I didn't say anything, knowing she was right. "I have allowed you to hold this company. Now is not the time to drop it, Philip."

"Sige. Sabihin natin na matutuloy ang planong yan. Who will be in charge? You? Di mo sinabi sa meeting kung sino ang bahala. You're here in London. You can't be in two places at once." I responded.

"Alam mo, masyado mong pinoproblema ang mga di naman dapat problemahin. Of course napagisipan ko na ang magta-take over sa project na yan. Speaking of the one in-charge, she's coming in right now."

May kumatok sa pintuan at lumingon ako para makita kung sino 'yon. Pagka-kita ko, yung assistant ni Elizabeth na si Alessandra. What? Nagbibiro ba siya? This did not go as planned.

"You called for me, Ma'am?" Sabi ni Alessandra at sinarado ang pintuan sa likod niya.

"Alessandra, come here." Sumenyas si Elizabeth na lumapit si Alessandra saaming dalawa. "Sana nakikinig dun sa discussion kanina sa meeting. I suppose you have a clue kung bakit kayo nandito."

"May gusto po ba kayong revision or anything...?" Alessandra trailed off.

"No, no, no." Elizabeth shooked her head then she turned to me. "Philip, Alessandra, I am looking at the two people who will be incharge of the project that I proposed. Elevation Records will be universal. I just need an approval from the board and once na makuha ko ang go-signal, then you are off to go."

Nakita kong gulat si Alessandra sa mga narinig niya. Ako rin, di makapaniwala sa mga sinabi ni Elizabeth. "A-ano?" Alessandra stuttered.

"You heard me. I think we're done here. Both of you can get out of my office. I'm sure we have other important things to do."

It took awhile bago makagalaw si Alessandra pero nakaalis na rin siya. Samantalang ako, nandito pa rin. Waiting for an explanation kung bakit ito nangyayari. I came here to be in Elevation Records and to be with Elizabeth. Not to go in some place with someone that I barely know.

"Yes, Philip, nandito ka pa?" Elizabeth said, her eyebrows furrowed.

"What just happened?" I managed to get those words out of my system.

"Why, did you not find the idea interesting?"

No. It's not interesting at all.

-//-//-//-//-

Hi pls dont kill me for not updating for years! School is a pain in the ass. I posted the story APKM when I was in 6th grade not knowing it would get the attention it has now. 2nd year college na po ako ngayon hahaha

This chapter was an unpublished draft lang din from a few years ago but I decided to continue their story now. I can't promise that I'll update this fast, but I what I can promise is that I will give you guys a conclusion on this story. Hold on lang kayo.

vote, comment, fan.

And thank you for supporting my work.

Always be weird and awesome.

-Yen

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Partner kong Masungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon