2
-Alessandra's POV-
Nag aayos ako ng papeles at biglang tinawag ako ng boss ko. "Alessandra!!" Patay, mukhang umiimit ulo ni Miss Elizabeth.
Binilisan ko pumunta sa opisina niya. Nakita ko siyang may kinakausap-sinisigawan sa telepono at binagsak ito. Lumunok ako at huminga ng malalim bago kumatok. Binuksan ko ang pinto ng dahan dahan. "May kailangan po ba kayo, Ma'am?"
"Maupo ka." Sabi niya saakin. Tumayo siya sa kinauupuan niya at tumingin sa glass window niya. May malalim na iniisip yata 'to. "Alessandra."
"Ma'am?" Maalisto kong sinabi.
Lumingon siya sakin, "okay lang sa'kin ang Elizabeth... for now."
Tumungo nalang ako ng ulo. "Uh, um, Elizabeth may problema po ba?"
Tinitigan niya ako ng saglit, huminga ng malalim and sighed. "Gertude won't be signing."
"Huh? Eh, malaking client yun, Ma'am! Ba't niyo pinakawalan?" Gulat kong sinabi.
Si Gertude ay isa sa mga rising stars dito sa London. Nadiscover siya sa youtube at nag propose kami ng kontrata sakanya. Nagustuhan niya naman ang proposal namin, ano nangyari?
"Purmirma siya sa iba. Sa kalaban natin na Mackinson Music."
"Maganda naman ang na ipresent natin na offer, ha?"
"According sa nanay niya, may mas maganda ang binigay na offer ni Mackinson." Bumuntong- hininga si Elizabeth. "Hayaan mo na, marami pang ibang magagaling diyan."
Nakatingin lang ako sakanya, wala akong masabi at tumahimik lang ako. Dito sa record label na ito, in charge ako sa lahat ng department. Mukha na nga akong Executive Vice President ng Elevation Records, e. Pero hindi. Assistant lang ako. Nagtataka nga ako kung bakit wala silang VP dito, samantalang iba, mayroon.
"Ahem." Elizabeth cleared her throat. "Pwede ka nang umalis, I have a 11 o'clock. Make sure na nandito ka para sa 2 o'clock natin."
"Yes, ma'am." Paalam ko at lumabas na sa office niya.
Dumiretso ako ng office para mag asikaso ng mga papeles na pinapaayos sakin ni Ms. Elizabeth. Lumipas ang isang oras. 12 o'clock na pala, lunch break na namin. Umalis ako sa opisina ko na nakasalubong ko si Anwen na parte ng Business Affairs.
"Alessandra! Want to have lunch with us?" Tanong niya. "They're waiting on the 6th floor." Her british accent rang through my ears.
Dinecline ko nalang siya. Wala ako sa mood na kumain dito sa building. "No, thank you."
"Okay, then. See you!" Sabi ni Anwen at bumaba na.
Bago ako umalis, kinatok ko muna si Ms. Elizabeth. "Ma'am, kain na po." Niyaya ko. May kausap pala siya sa telepono. Sumenyas siya ng hindi at tumalikod. Si Elizabeth talaga, puro trabaho nasa isip.
At dahil gutom na ako, umalis na ako ng building at nag hanap ng simpleng makakainan sa labas. Well, wala naman talagang simpleng makakainan dito. Hindi katulad sa Pinas, may mga canrinderia.
This is london after all.
Naisipan kong pumunta sa isang paborito kong kinakainan. Not that far, and not to close but I still chose to ride a taxi.
Habang papunta ako sa kakainan ko, nilabas ko muna ang cellphone ko at tinawagan ang kapatid ko sa viber.
"Hello, Ate?" Bati niya saakin.
"O, Janel, kamusta ka na kayo diyan?" Tanong ko sakanya. Ang tagal na rin bago kami nag kausap. Busy kasi ako palagi at kulang sa oras. Minsan, isang beses sa isang linggo ko na lang nakakausap ang mga kaibigan ko at pamilya ko dahil sa trabaho ko. Kahit saturday and sunday, nasa opisina ako.
BINABASA MO ANG
Ang Partner kong Masungit
RomanceBOOK TWO OF THE MASUNGIT SERIES #APKM2 #MasungitSeries Kung ang tayo ay ipaghahambing sa kantang may linyang "nakilala kita sa di ko inaasahang pagkakataon," siguro ang pinagkaiba lang ay nakilala kita sa inaasahan kong pagkakataon. Hindi siya bigl...