Joeshua's Point of View
Chammile Reyes, Chammile pala ang name ng baliw na babaeng iyon.
"Bakit hindi siya popular sa school? And konti lang ang nakakakita ng presensya niya?"
"Maybe because hindi siya mayaman tulad ng iba" sabi ni Kuya Antoney at inayos ang gamit niya
"Oh really? Kung hindi siya mayaman tulad ng iba, paano siya nakapasok sa school natin?"
"I don't know, yun lang ang alam ko tungkol sakanya eh. Remember, hindi kami close, at walang may pakialam sakanya, even me" napatango nalang ako, nagpaalam naman na si kuya tapos umalis na at naiwan ako dito sa kwarto
Naalala ko nanaman yung nangyari noong isang araw, niyaya niya akong kumain ng street foods and it's very delicious, after nun nagpaluto na ako kaya manang Lilya ng street foods, katulong namin siya. Favorite ko ma ngayon yung orange ball na tinatawag nilang kwek-kwek
Dahil naiinitan na ako, I take a bath at nung natapos ako tinawag naman ako ni Manang Lilya
"Joeshua! Joeshua! May bisita"
"Who po?" Sagot ko habang nagbibihis
"Ayaw ipasabi ang pangalan basta bumaba ka nalang" sabi ni Manang so hindi na ako nagdamit, baka si Ledric lang iyon, yung new friend ko sa school
Nung nakababa na ako sa sala nainis ako sa nakita ko kung sinong bisita ko daw
"What are you doing here? Pati ba naman dito sa bahay susundan mo ako?"
"WhatTheFuckingGagoShit Dengel na may abs, pwede bang magdamit ka muna kasi baka mamaya niyan irape kita sa sobrang hot mo. Marupok pa naman ako sa mga hot, ikaw Kengkoy ah sineseduce mo ako ah!"
Baliw na talaga ito
"Ano ngang ginagawa mo dito?" Iritang sabi ko na saknya at isinuot ko na ang damit ko
"Ahm! Gusto kitang ayain sa labas mamamasyal" sabi niya na ngiting-ngiti
"No! Never! Ayokong lumabas kasama ka baka mamaya sabihin pa nilang dinedate kita"
"Ehh! Bakit ba hayaan mo sila" sabi tsaka kapit sa balikat ko habang nagpapacute
"Bitiwan mo nga ako, ayoko, maghanap ka nalang ng kasama mo wag ako" at iniwan ko na siya sa baba at umakyat na sa kwarto ko
Kaso inaasar ata ako mg baliw na ito at sumama pa sa loob ng kwarto ko
"The Hell! Lumabas ka nga dito, wala kang karapatan na pumasok dito kasi hindi kita pinapapasok at take note wala pang ibang nakapasok dito kundi ako lang at mga kamag-anak ko" inis na sabi ko pero hindi niya ako pinansin at nahiga pa sa kama ko
"Grabe ang lambot naman ng higaan mo, ang lamig pa rito, jusko naman. Alam mo kapag sa bahay ka namin matutulog, walang ganito, banig lang. Alam mo kung ano yung banig? Kung hindi mo alam itapon mo na yang utak mo, napakawalang kwenta hindi pa alam kung ano ang banig. Teka nga bakit ang lamig dito sa kwarto mo, ano ito? Bakit ang lamig ng hangin na lumalabas dito?" Tanong niya habang inuusisa yung aircon
BINABASA MO ANG
My Ghetto Princess
RandomSi Chammile Reyes ay isang babaeng laki sa squatter, babaeng walang manners, poise at isang low quality kung tawagin. Ngunit lingid sa kanilang pagkakaalam, muntikan na rin pala itong namatay dahil sa isang aksidente, ngunit may isang lalaking nagli...