Chapter 2

10.3K 142 2
                                    

9 pm na ng gabi pero hanggang ngayon wala pa rin si Kyo. Medyo nagaalala na ako.

I have a boyfriend. I met him here in America. Sobra itong bait kumpara kay Adriel. I finally found someone that could take care of me and Adrienne. Kyo is a half Filipino, half Japanese, owner of a business here in a America. I met him because I worked with him as a secretary in his office.

Adrienne is the name of my daughter. Dito na siya lumaki sa America pero tinuturuan ko siya ng tagalog para hindi naman niya makalimutan kung saang bansa siya nanggaling.

Inalagaan ako ni Kyo nung buntis ako kahit pa nagtatrabaho ako sa kanya noon at ngayon napili na naming magsama sa iisang bahay dahil kapag napirmahan na ni Adriel ang annulment papers ay papakasal naman kami ni Kyo. Masaya din ako na itinuturing ni Kyo si Adrienne bilang sarili niyang anak. Alam niya kasi ang nangyari sa akin.

Mahal ko siya at panahon na rin naman siguro na maging masaya ako. At alam kong sasaya ako sa piling ni Kyo.

Maya maya pa ay may dumating na kotse sa harapan ng bahay namin. "Kyo!" Sinalubong ko si Kyo sa harapan ng pinto namin.

He hugged me tight and kissed me on my lips. "Bakit gising ka pa?" tanong niya

"kasi inaantay kita. Nagaalala kasi ako. Gabi ka na namang umuwi." Sabi ko dito at muli siyang niyapos.

He hugged my back. "honey, hindi mo naman kailangan na hintayin ako araw-araw. Maraming trabaho sa office at paniguradong gagabihin talaga ako." Paliwanag nito sa akin bago ako iniharap sa kanya.

I frowned. "Oo nga eh pero hindi kasi ako makatulog kapag wala ka, kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"I already ate dinner. Sorry sasabay sana ako sa inyo kaso gabi na tsaka nagutom na din ako."

"Hala okay lang. Oo nga pala, itinira kita ng cupcakes. Kontik na ngang maubos ni Adrienne, buti na lang at naipagtira kita" paborito kasi ni Adrienne ang mga cupcakes na binabake ko.

Napangiti ito. "That girl... oo nga pala asan nga pala si Adrienne?" tanong niya habang tinatanggal ang coat niya

"Ayon tulog na. Dapat aantayin ka niya kaso sinabi ko na gabi ka na makakauwi kaya pinatulog ko na rin siya." Dumiretso kami sa kusina at ako naman ay ipinaghahanda ko siya nung cupcakes na itinabi ko para sa kanya.

Ang totoo nan, kailan lang nung napagdesisyunan namin ni Adrienne na dito na tumira sa bahay ni Kyo. Umalis na kami sa bahay na pinahiram sa amin ni Tita Agatha, mabuti na rin iyon tsaka kaya ko na naman at nahihiya na rin ako kay Tita Agatha. Dinadalaw-dalaw na lang ako ni Nanay Sally na kasambahay ni Tita Agatha. Para na talaga kaming isang pamilya kaso kapalit nito ay ang konsensya ko dahil sa ginagawa kong ito, hindi pa kami hiwalay ni Adriel. At kapag dumating ang araw na malaman niya ang lahat, hindi ko alam kung anong magiging reaction niya.

"Honey, tulala ka na naman" pitik niya sa akin kaya napangiti na lang ako. "may problema ka ba?" tanong niya habang kinakain ang cupcake

"wala naman, may naisip lang" simpleng sagot ko sa kanya

"A penny for our thoughts?"

"Wala napaisip lang ako, yung tungkol sa cafe ko" pagsisinungaling ko. I am currently into coffee shop. I owned one here in America and I am planning to branched it out. "May problema ba sa shop mo?" Tanong niya

Umiling ako tsaka ngumiti. "Sigurado ka ha? Ayaw kitang nagaalala, kung kailangan mo ng tulong, nandito naman ako." Paninigurado niya sa akin.

Kailanman talaga, hindi ako iiwanan ni Kyo. "Alam ko..." I held his hand "Thank you"

Unfortunately, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon