Simula
"Naina! Alisin mo nga iyang nakapatong sa ulo mo!" Nagising ako sa reyalidad nang may sumigaw sa aking harapan. Binigyang pansin ko si Gerwin na nakataas ag kilay habang nakapameywang sa aking harap. Umiling-iling ako at tinanggal ang tatlong librong nakapatong sa aking ulo.
"Problema mo? Sawa ka na ba sa buhay mo? Sabihin mo lang para masabihan ko na agad si Tita para huwag ka ng pag-aralin. Sayang lang ang pagpapa-aral sa'yong bugok ka." Umirap ako sa kaniya. Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa aking mukha at tumayo mula sa pagkaka indian seat. Sayang ang pagpapa-aral sa kaniya ni Tita kung sawa na siya sa buhay niya.
"Psh. Malapit na kayang mag-time. Baka gusto mong mag cutting classes at mapagalitan ni Ma'am Noche Buena?"
Ngumuwi ako dahil sa sinabi ni Gerwin, no scratch that, pananakot niya pala ang tamang term. Alam niya kasing takot ako kay Ma'am Buena kaya ayan ang kaniyang panakot sa akin para mapasunod ako. At ang lakas ng loob pa niyang magsabi na Noche Buena 'daw si Ma'am, jusko. Favorite pa naman siya ni Ma'am Buena tapos ginaganiyan niya lang.
Plastic din...
"Hoy, 'wag mo ngang ginaganiyan si Ma'am Buena! Gago 'to..." Sikmat ko at marahan siyang sinuntok sa braso. Para naman siyang timang na biglang humagalpak sa tawa. Pinapagpag ko ang aking paldang nagusot at medyo nadikitan ng damo dahil sa pagkakaupo ko at naglakad papalayo sa kaniya.
"Hintayin mo ako, Naina! Tangina neto, pagtapos kitang gisingin sa reyalidad iiwan mo ako. Wala man lang pakundangan!?" Sigaw niya dahilan upang dumagdag ang mga nagsisitinginang mga ka school mates namin.
Binilisan ko ang paglalakad ko dahil naramdaman ko ang paghabol niya sa aking likuran hanggang sa maunahan niya ako kaya tumakbo ako para maunahan din siya.
"HOY! HINTAYIN MO AKO! WALA KANG PAKUNDANGAN AH!" Sigaw ko habang tumatakbo.
Narinig ko ang paghalakhak muli ni Gerwin kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ulit. Malayo ang pagitan namin sa isa't-isa nang biglang huminto si Gerwin at humarap sa aking gawi. Malayo ang pagitan namin pero nakikita ko ang unti-unting pagngiti ni Gerwin na halos ikahulog ng puso ko sa lapag.
Tumakbo ulit ako papunta sa kaniya. Kabayo kasi si Gerwin kaya ganiyan kalayo agad ang narating niya.
"Kabayo ka talaga eh? Siguro ipinaglihi ka sa kabayo kaya ganiyan mukha mo?" Tumawa ako ng mahina at dinuro ang kaniyang mukha.
Nagbibiro lang naman ako. Actually, gwapo si Gerwin. May mga fan girls dahil sa katalinuhang taglay. He's not good when it comes to sports. Academics is where he's good at.
Samantalang ako, his bestfriend, ay simple lang, of course. Hihi. May alam pero hindi matalino. Magaling lang sa sport na badminton. Average lang kumbaga.
Six years na kaming mag-bestfriend ni Gerwin. It started when we're on our graduation. Hindi pa kami masyadong close nu'ng una. Naging close lang dahil sa kay Tita kasi kapitbahay namin sila, hanggang sa araw-araw na kaming magkasamang nagaasaran at nagmumurahan.
"Psh." Umirap siya sa akin at itinuon ang paningin sa ibang gawi. Hindi ako gumalaw sa aking posisyon at nanatili lamang na nakatingin sa kaniya.
Gerwin looked at me after glancing at his watch. Using his famous smirk, he speak, "Cutting?"
"Gusto mo?" I tilt my head.
"Kaya nga ako nagyayaya di'ba? Gusto mo bang mag-cutting?" Pumeywang ako at lumingon-lingon sa paligid. Nang makasigurado akong wala kaming kaklase ay ngumiti ako ng malaki. Mahirap kasi kapag may kaklase kami ditong umaaligid. Patay kaming dalawa kung nagkataon.
"Tara!"
Nauna akong tumakbo papalayo kay Gerwin at nagpunta sa likuran ng school. Narinig ko din ang ilang pagtawag niya sa aking pangalan dahil sa biglang pagtakbo ko. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa bigla kong pagtakbo? Pfft.
"Akyatin natin 'yan," sambit ni Gerwin nang makalapit sa akin. Nakatingin siya sa malaking pader ng school, habang ako naman ay iniimagine kung ano ang nasa likuran niyan.
Umatras ako ng kaunti at pumunta sa kaniyang likod.
"Ikaw maunang umakyat. Para kapag may ahas ikaw ang unang matutuklaw. At para ikaw din ang unang mamatay. Bayaan mo, susundan na lang kita." Suggest ko.
Nahuli ng aking mata ang pagirap ni Gerwin kaya tinulak ko siya ng marahan. Dukutin ko mata neto eh.
"Hindi pwede. Dapat sabay."
"Bakla ka 'no?" Asar ko sa kaniya.
"Dream on! Tara na kasi! Tsk. Mamaya mahuli pa tayo dito." Sagot niyang naiirita. Lumapit siya sa pader at nagsimulang umakyat kaya ganuon na din ang ginawa ko. Inakyat ko na din ang pader.
Habang umaakyat ay hindi ko mapigilan ang hindi kabahan. Hindi ito ang unang beses kong mag-cutting. Actually, pangatlo ko na ito with Gerwin. Pero everytime na gagawin namin ito ay palagi akong kinakabahan. Natatakot kasi akong baka mahuli kami. At natatakot din ako dahil baka mapagkamalan pa kaming magnanakaw na naga-akyat bahay gang. Hindi papayag ang kagandahan kong mapagbintangan ng akyat bahay gang.
Nakita kong nakaupo na si Gerwin sa tuktok habang nakatingin sa akin. Bahagya siyang tumatawa na para bang pinipigilan pang tumawa.
Saktong pagupo ko sa tuktok ay ang paglitaw ng malakas at baritonong boses. "HOY!"
"Ay puta!" Tili ko. Mabilis akong humawak sa aking mukha at tinakip iyon duon.Naramdaman ko ang pagkawala ng balanse ng aking katawan mula sa pagkakaupo kasunod ang malutong at sunod-sunod na mura ni Gerwin.
"Shit! Naina!"
Agad akong pumikit nang maramdaman ko ang masakit na pagkahulog ko mula sa mataas na pader. Parang nabasag ang dalawang mini monay ko sa sobrang sakit ng impact! Sinubukan kong tumayo, ngunit bigo dahil masakit ang monay ko. Everytime na sumusubok akong tumayo ay iyon naman ang pagsakit ng aking puwetan.
"You're doing cutting classes, lady." Asar kong inangat ang aking paningin. Bwisit naman oh! Magkaka-injury pa ako ng wala sa oras dahil sa pinesteng lalaking 'to!
Natigilan ako nang lumanding ang aking paningin sa president ng aming Student Council.
Paktay ka, Naina.
BINABASA MO ANG
25 Days Of December (COMPLETED) #Wattys2016
Storie d'amoreHave you experienced being in love? Others seem to have fallen in love multiple times in their lives while, some people seem to go on their lifetime without experiencing "true love" How 'bout you? Have you experienced it? And if you had been, what's...