INTRODAKSYON
Bakit pa kasi ako pumayag na mag-abroad at umalis dito si Papcy sa bahay. Nalulungkot tuloy ako sa tuwing naalala Kong wala sya sa tabi ko
Si Papcy lang kasi nakasama ko habang nagda-dalaga ako, sya lang din ang bumubuhay sa'kin. Hindi na kasi muling nagpakita si Mama simula noong umalis sya nung eight years old lang ako. Kaya yun nalulungkot ako ng bonggang bongga
Pero yung Lungkot na aking nararamdaman napalitan ng INIS (naka-capslock pa para enjoy). Simula kasi ng umalis si Papcy dito sa bahay ay pina-tira nya dito yung Barakuda nyang kabit. At 'take note' nagsama pa ng dalawang asungot. Hayy nakaka-bwiset!
Eh, kaka-alis palang ni Papcy, nagsulong na agad ng "No Uglies Allowed" dito sa bahay. Kaloka di'ba! Hindi naman ako panget ah? Syempre echoss lang no' tanggap Kong panget ako.
Simula daw ngayon ay pagsisilbihan ko sila at hindi na ako matutulog sa kwarto ko, kundi sa budega na. Para lang daw may matulugan yung dalawang damuho 'kong Stepsisters. OMG, sleeping with Rats? Oy, kahit panget ako no' malinis parin ako sa katawan. Hindi lang halata choss!
Kung makaasta tong si Yolanda parang sa kanya itong pamamahay na'to. Nasisira tuloy yung beautiful face ko sa super inis.
Balang araw gaganda at sesexy rin ako. Syempre Joke lang, pero kung papalarin GO LANG! choosy pa ba? Ok, back to reality. panget at walang korte talaga ang body ko. Kahit nga Retoke o Kulam hindi parin uubra. Hayssst.
Pumasok ako sa school at for the first nakasalubong ko si Steve Harold. Ang PRINCE OF MY STOMACH KO! Aaaaahhh! Oh my gosh. Kahit di na ako kumain solve at busog na'ko. Syempre echoss lang no' ayaw ko kayang mamatay sa gutom. Buti sana kung papatayin ako ni Steve gamit ang pagmamahal nya sa akin. choss'
Teka? mamaya na pala yung Valentines ball namin. Nakaka-gigil kasi itong Yolandang toh' hindi ako pinapasama sa party. Hindi daw ako bagay doon, kaya maglinis na lang daw ako ng bahay. Ugh! Pero, kahit naman makasama ako sa ball na'yun wala rin akong susuutin.
Di na'ko aasang maganda at presentable ako sa ball na yun."Gusto mo bang gumanda?" nagulat ako sa narinig ko, Eh Alam kong ako lang naman ang tao dito sa budega este kwarto ko. Sino kaya ito? naku mukhang iniengkanto na ata' ako. 'Jusko
"S-sino ka?"
"Secret! walang clue!" bwiset ha? Hindi ako nakikipag biruan.
"Leche ka, humanda ka sa'kin pag nakita kita"
"Eto naman di mabiro. Andito lang ako sa harap mo!"
Tinignan ko ng mabuti yung harap ko. Ay, punyemas nandyan lang pala sya. Taray ng babaeng toh' camouflage sa dilim, Pabibhasa negra.
Biglang may umusok ng color pink ng bonggang bongga. Nakita ko ang babaeng black beauty na may hawak na mahiwagang sandok at nakasuot ng pink na fairy costume. ayy, taray bumabagets! nakasuot din sya ng bagong rubber shoes na Nike. at may tagprice pa ha?
"S-sino ka? anong ginagawa mo dito!? magnanakaw ka noh? Sino Ka---um um!" agad nyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kanyang amoy taeng kamay
"Wag kang maingay! baka may makarinig sa atin" paliwanag nya sabay tanggal ng kamay nya sa bibig ko "Ako ay isang dyosa, at ako si Lulu ang fairy Godmother mo" pagpapatuloy nya
Ano daw? fary god ano? eh sa mga fairy tales ko lang Yan nababasa eh. Pero di'ba pag fairy mapuputi? sa bagay ako nga bida eh, pero ang panget panget ko
Hindi totoo to' Panaginip lang to Charina, panaginip lang. Try ko kayang iumpog ulo ko dito sa pader baka magising ako
"Ouch! aray ansakit!" bulong ko sa sarili ko habang hinihimas yung ulo ko.
Hindi to' panaginip totoo to'"gusto mo bang gumanda?"
"Ako? gaganda? nagpapatawa ka ata eh."
"Hindi ako nagpapatawa Charina. kaya kitang pagandahin!"
"eh, paano?" pagtatanong ko habang kamot ulo
"sa pamamagitan ng super duper ultra mega powers ko!" winagayway nya pa yung sandok na magic wand nya
"Taray, super duper ultra mega powers talaga?"
"syempre no? baka hindi tumalab yung simpleng magic lang. mukhang makunat kasi yang pagmumukha mo eh"
Grabe itong engkatong to ah' makapanglait wagas? akala naman nya maganda sya
"Eh, anong gagawin ko? may sasabihin ba ako, or what? ano?"
"Simple lang, huminga ka ng malalim at ipikit mo ang mga mata mo"
Syempre ginawa ko yung sinabi nya. Choosy pa ba ako?
"Adnamug ak tengap!"
Hindi ko alam itong pinagsasabi nya, parang datkilab ba yun? kaloka ha? tatlong beses nyang sinabi yung mga salitang yun.
Sa huling pagsabi nya, nakaramdam ako ng lamig at pamamanhid ng katawan. Mayroon ding napakalakas na ilaw na kahit nakapikit ako tumatagos!
"Pwede ka ng dumilat!" sabi ng diwata
"talaga?" panigarado ko
"Hindi. Mamaya pa mga 9 pm! syempre joke lang, pwede ka ng dumilat"
Pagdilat ko ng aking mga mata nakaramdam ako ng paninibago.
Gumanda na kaya ako? makatingin nga sa salaminPagtingin ko sa salamin nagulat ako sa nakita ko
"OMG! ako ba talaga ito!?"
Ako nga pala si Charina "Cha-cha" Chakanis. At samahan nyo ko sa mala-cinderella Kong story!
Full of surprises to' kaya basahin nyo na! :D
_____________________________
'IT'S ONLY A FAIRY TALE'
Written by KYLEfinity
All rights reserved ©2016
BINABASA MO ANG
It's Only A Fairy Tale
Teen Fiction"Cinderella? fairy godmother, magic, sapatos, nagsasalitang daga? Happily ever after?! pwede ba? hindi na ako bata. ok? It's only a fairytale!" Hindi na nga ba bata o bitter lang talaga ang ating bida? palibhasa walang love life. Meet Cha-cha' ang b...