Chapter 2

25 3 0
                                    

CHAPTER_TWO

"Mama, basahan nyo po ako ng fairy tale bago ako matulog!"

"Oo naman anak, ano bang gusto mong kwento?"

"Eto po oh, yung kwento ni Cinderella.. Sabi po kasi ng classmate ko maganda daw po itong kwentong to' "

ibinigay ko kay Mama yung librong Cinderella na pinahiram sa akin ng classmate ko

Bago nya ako binasahan ng kwento ay inayos nya muna yung pagkakahiga ko, atsaka sya umupo sa tabi ko

"Oh, anak gusto mo naba malaman kung sino si Cinderella?"

"Oo naman po Ma! Exited na po ako eh. Sige na ma, basahin nyo napo"

"O sige anak," pagsangayon ni Mama na may ngiti sa kanyang labi

"Noong unang panahon mayroong isang napakagandang dalaga na nagngangalang Cinderella. Sya lamang at ang kanyang ama ang nakatira sa kanilang ...."

Patuloy lang ang pagkukwento nya sa akin hanggang sa mapapikit ako.

napansin ni Mama na nakatulog ako. Pero ang totoo hindi pa ako tulog dahil ang totoo ang panget ng pagkakwento ni mama he he

Pero nagulat ako ng bigla akong hinawakan ni Mama sa kamay. Napansin kong tinigil nya ang kanyang pagkukwento ngunit may mga mensahe syang sinasabi. Pinapakinggan ko lamang ito

"Anak? Charina? Patawirin mo ko sa desisyon ko, dahil para rin sa iyo itong gagawin ko, at para sa atin"

It's Only A Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon