CHAPTER_FOUR
CHA-CHA'S POV
Naglalakad ako papunta sa University namin para pumasok. Walking distance lang kasi ito sa amin kaya maglalakad nalang ako kaysa magtrycycle sayang din kasi yung pamasahe eh.
Magaalas-dyis na ng umalis ako sa bahay, habang si Papcy naman ay abala sa inaasikaso nyang mga papeles para sa pagaabroad nya.
Nakakainis talaga tuwing papasok ako, lagi nalang ako nahahagard. My Gosh, sayang naman ang beauty at uniform ko no? ay mali wala pala akong beauty, uniform lang. atska Ba't naman akong manghihinayang sa gantong face di'ba?
Jusko ang aga-aga, andaming sasakyan. Nauusukan tuloy ako wow arte ha?.
Patuloy akong naglalakad papunta sa school ng may parang may kakaiba akong nararamdaman, parang may sunod ng sunod sa akin. taray may i-stalker, Ganda. choss!babaeng negrang nakasuot ng pink na jacket ang sunod ng sunod sa akin, tuwing tutumitigil ako titigil din sya. Tumingin ako sa likod ko at pagtingin ko sa kanya ay binigyan nya ako ng napakalaking ngiti habang nakatitig sa akin.
bumalik ang tingin ko sa linalakaran ko
"Jusko' baliw ba ito?" bulong ko sa sarili ko. mukhang hindi naman siguro. Patuloy lang sya sa pagsunod sa akin. Pero ba't nya ko sinusundan?napatigil ako at
lumingon ako muli sa likuran ko at nakita ko syang nakangiti ulet sa akin habang naka Peace sign pa sya. Mukhang totoo ngang baliw ito! kaloka! habulin pala ako ng baliw?"My gosh, baliw nga!" bulong ko sa sarili ko na may halong kaba sa dibdib
Binilisan ko ang paglakad para hindi nya ako maabutan. Nakapunta na ako sa kabilang kanto na papunta na sa school. Muli akong lumingon sa likod pero wala na sya, Sinilipsilip ko sya sa mga gilid ng nakaparadang sasakyan para hanapin. Pero wala na akong nakitang baliw na nakapink na jacket.
Pagharap ko ay nagulat ako sa nakita ko. "Aaaaaaahhhhh!!!" malakas kong sigaw. Pagharap ko ay nakita ko yung baliw sa harap ko na naka fuck you na sa akin. Nang napansin nya yung daliri nya na naka bad finger agad nya itong pinalitan ng peace sign saka ngumiti. Kaloka talaga.
"Pwede ba layuan mo'ko!!"
sigaw ko sa kanya. Agad naman syang tumalikod at tumakbo palayo. Taray ng jacket naka backless pala Haha."Charina!" nagtaka ako ng may tumawag sa likod ko.
"Aaaaahhhh!!!" Nagulat ako sa nakita ko. Ang panget ko ring best friend. "Oh. Charina? ako rang toh, Ti Kaka! ba't ka naman Tumitigaw?" tanong sakin ni Kaka' ang best friend kong bulol sa letter S at letter L.
"Eh akala ko kasi isa karing baliw na humahabol sakin eh. Sorna!" pagpapaliwanag ko sa kanya. "Grabe ka takin Charina ah! porke ba panget ako ganyan na tingin mo taken?" sabi nya ng nakanguso. My gosh itim ng lips parang nakalipstick ng uling.
"Hindi naman sa ganun Kaka', nagulat lang talaga ako. Eh, kasi bago mo'ko tawagin may negrang babaeng baliw na naka-backless na jacket ang sunod ng sunod sa akin kanina." pagsasalita ko habang naglalakad kami papunta sa University.
"Ay, taray Charina ah! haburin ka ng Tomboy na bariw!" pangaasar nya sa akin
"Oy, Hindi ah.. atska mukhang hindi naman tomboy yon.Parang ang weird." sabi ko"Charina, Charina!" bulong sa akin ni Kaka'
"Oh Baket?" tanong ko sa kanya
"Nakikita mo ba yung nakikita ko?" nakakiller smile pa ang gagita"Malamang OO! may mata rin ako no!" sabay irap sa kanya
"Hindi, Hindi I mean nakikita mo ba ngayon yung tinitignan ko?" sabi nya ulit habang nakakiller smile. Agad naman ako napatingin sa tinitignan nya.
"O-M-G!" nagulat ako sa nakita ko
"Si Prince of my Stomach ko!" pagpapatutuloy ko."oh, diba Charina. Ti print of my t-tomach mo." pagmamalaki nya.
"Oo nga, tama ka Kaka sya nga! Si Steve Harold, Ang mahal na mahal ko" pagsasalita ko sakanya habang titig na titig Kay Steve Harold habang naglalakad sya kasama ang kanyang dalawang poging kasama papasok sa gate ng school. My gosh ang gwapo gwapo talaga ni Steve!Si Steve Harold lang talaga ang dream husband ko, Kahit saang anggulo ang gwapo gwapo nya. Singkit na mga mata, matangos na ilong, At kissable pink lips pa! kaya ang dami daming girls ang nagkakandarapa sa kanya no'
"Oy, oy! tignan nyo ang magkambal na panget magkasama!"
Pumintig ang mga tenga ko sa narinig ko mula sa likuran namin ni Kaka'. Nagkatinginan kami tska lumingon sa likuran. Nakita namin si Justine na kaklase namin na akala mo High school kung mangbully.
"Yes! lumingon pa sila! Hahaha natamaan ang dalawang barakuda! Hahaha!" Saka sya bumulalas ng tawa. Natigilan kami sa paglalakad ni Kaka'. Marami narin ang nagtitinginan sa amin, Bwiset talaga na Justine toh' pati ba naman dito sa labas nakayanang pang mang-eskandalo. Walang araw na hindi ako linalait nito ni Justine. For your information Justine Lumalaban ako. Kwes, scandalo pala ang gusto mo ah.
"Hoy, Tukmol kung Hindi ka titigil dyan sa panglalait mo. Isusungalngal ko sayo tong kamao ko!" pagmamatapang ko sa kanya, marami ng nagtitinginan sa amin.
"Yan ang gusto ko sayo Pang-----Ouch!! ba't mo ginawa yon!" pagrereklamo nya habang hinihimas himas yung labi nyang dumudugo dahil bago palang matapos ang sasabihin nya nasuntok ko na yung bibig nya
"Bakit ko ginawa? tanong mo sa kamay ko. Damuho ka!" sabay hatak Kay Kaka' papasok sa School. "Tara na nga Kaka' nakakapanginit ng ulo yang Justine na yan!"My Gosh, nabahiran na ng bulok na labi tong kamao ko kadiri!
"Oy, Charina. Ang garing mo ah! linabanan mo talaga ti Jut-tine ta harap ng maraming tao" nakangiti nyang sabi"Ganun talaga ang pagkakaibigan Kaka' lalaban at lalaban ka talaga wag lang masaktan ang bawat isa. Kaya Simula ngayon kung sino man ang manlait satin at manakit sa atin gagantihan ko."
"Wow, Charina bilib talaga ako tayo eh, para kitang ate!"
"Naman. Para na tayong magkapatid!"
Nagkangitian kami ni Kaka' atsaka nagsimulang pumasok sa Room. Bwiset kasing Justine yun. Hindi ko naman dapat gagawin sa kanya yun Eh, kung makapanglait kasi akala mo naman Hindi mukhang adik. Yan tuloy natikman mo tuloy 'tong Kamao ko. Leche ka kasi.
_______________________________Nagsimula na ang lecture namin with prof. Montu. Ramdam ko ang pagkabagot ko pag sya yung nagLelesson. Nakakaantok. Pero ayaw kong gumaya sa iba na wala ng pake sa pag-aaral nila. Mas pipiliin ko parin ang mag-aral ng mabuti dahil sayang ang pinagpapaguran ni Papcy kung hindi ako magsusukli ng tagumpay sa pagaaral ko.
Habang nakikinig sa lesson, napalinga ako sa kaliwang banda at nakita ko si Justine sa dulo na nakatingin sa akin ng masama habang hinihimas nya yung labi nyang pumutok. Inirapan ko sya ng dalawa ikot ng eyeballs para mas maganda
Hmmm. Mukhang may binabalak si Tukmol ha?
____________________________
Ano kaya ang binabalak ni Justine A.K.A tukmol?
Hi guys, magandang buhay!
Comment lang guys kung may gusto kayong i-clarify sa kwento o sa characters. Love yah!
BINABASA MO ANG
It's Only A Fairy Tale
Teen Fiction"Cinderella? fairy godmother, magic, sapatos, nagsasalitang daga? Happily ever after?! pwede ba? hindi na ako bata. ok? It's only a fairytale!" Hindi na nga ba bata o bitter lang talaga ang ating bida? palibhasa walang love life. Meet Cha-cha' ang b...