CHAPTER_SIX
CHA-CHA'S POV
Akala ko hindi na aalis si Papcy. Makasabi naman kasi ng 'Hindi na ako mag-iisa dito sa bahay' wagas.
Hay, nakakalokang isipin na si Yolanda? titira kasama ko dito sa bahay? My gosh, Ewan ko lang kung magkakasundo kami.
Pero tanong ko lang, mabait kaya yun si Yolanda? Siguro Oo, kasi matagal ng kinukwento sa akin ni Papcy yun eh. I hope na sana mabait talaga sya. Hindi katulad ng mga stepmother sa fairy tales na sobrang ang sa-sama.
Ano ka ba Charina? Fairy tale lang yun. Kaya wag kang ano. Teka? anong oras na ba? OMG! 3pm na! magkikita pala kami ulit ni Kaka' sa may Plaza dahil nagpapasama pala sya.
Agad agad akong nagpalit ng damit. Biglang umilaw yung cellphone ko, tinignan ko yung screen ng phone ko at tumambad sa'kin ang 59 unread message at
11 missed calls galing kay Kaka'binasa ko lahat ng unread message at lahat ng yun ay ganto ang nakalagay.
"Hoy, Charina! kanina pa ako nandito ta plata nataan ka na ba? bilitan mo! hihintayin kita. Love yah!"
from: BFF Kaka'
My gosh, Napasarap ata' ako ng pagkaka-iglip. Pero napansin Kong may naiibang message akong nakita na ganto ang nakalagay
"Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa akin! Magbabayad ka! humanda ka ka Charina"
from: 0921263****
Sino kaya ito? number lang ang nakalagay. Pagbabayaran ko daw ? yung alin? eh kapos nga ako sa pera eh. Siguro nangtitrip lang to' O di kaya'y kasama sa PasaLoad gang.
Pero parang may kaba parin akong nararamdaman. Sino kaya ito?
Naglalakad na ako papunta sa Plaza, nang makita ko sa relo ko na 4:30 pm na ng hapon. Kaloka' kanina pa ako inaantay ni Kaka' doon.
Sa sobrang pagmamadali, hindi ko maiwasan ang tumakbo, baka kasi naiinip na iyun si Kaka'
Takbo lang ako ng takbo. Takbo ng takbo ng takbo at puro takbo hanggang sa..."Ouch! aray!" napatid ako ng malaking bato, napadapa ako sa kalsada at sumubsob sa Putikan. Hindi agad ako nakatayo dahil sa sobrang sama ng pagbagsak ko. Ilang Segundo narin akong mukhang tanga na naka dapa sa kalsada
"Tulungan na po kita ate!" nagulat ako sa sa narinig ko, boses ng batang babae. tumingala ako sa harapan ko at bumungad sa akin ang isang batang babae na negra. Inabot nya yung isang kamay nya bilang tanda ng pagtulong
"Ah-eh? s-salamat.." pagpapasalamat ko sabay kuha ng kamay ng bata para umahon.
Nakatayo na ako ng tuluyan at sabay nag-ayos ng itsura.
BINABASA MO ANG
It's Only A Fairy Tale
Teen Fiction"Cinderella? fairy godmother, magic, sapatos, nagsasalitang daga? Happily ever after?! pwede ba? hindi na ako bata. ok? It's only a fairytale!" Hindi na nga ba bata o bitter lang talaga ang ating bida? palibhasa walang love life. Meet Cha-cha' ang b...