"Inaamoy ang walang ligo"
A post that made me smile bitterly. Sabi nga sa post, inaamoy niya yung girlfriend niya sa picture. Oh, I'm sure they stayed the night together. Napailing nalang ako. Maybe.. I'm really used of being hurt. Sanay na sanay na ako. I turned my phone off bago nagbasa muli. But I was stopped, when I heard thunder. Napangiti ako ng malapad. Ohh God, I just loved rain so, so much. Agad akong lumabas with an umbrella in my hand at naglakad-lakad.
It was past six PM nang makarating ako sa apartment ko. I grabbed my notebook and start writing when someone knocks. Tumayo agad ako. Inihanda ko yung pampabayad ko this month bago binuksan.
"Allen."
Agad akong nanlumo.
"What the fuck are you doing here, fucker?" naiinis na tanong ko.
"God. Watch your mouth nga! Ke-babae mong tao." he said. And get in.
"I'm not expecting a visitor!"
"Look. I only need you for five minutes-"
"Two" I cut him.
"Four."
"No. One-"
"What the heck. Ba't ba ang suplada mo?"
"57.. 56.."
"Lola found out about Aya." simula nito. Lalo akong nawalan ng gana kausap siya.
"40.. 39.. 35.. 30-"
"Allen nangiging immature ka na naman!" he shouted.
I just looked at him.
"Boring ka kausap eh." I turned my back and went to the door para buksan ito. "Please leave." I smiled.
"Alam ni Lola na may girlfriend na ako. Tulungan mo ako. Please."
"Naggi-girlfriend ka tapos ngayong may nagka-leche leche ka na. Sakin ka hihingi ng tulong? You should know na hindi ako tutulong sayu bago ka naghanap ng girlfriend!"
"Tangina naman! Kailangang-kailangan kita, Allen eh. Dati naman tinutulungan mo ako, why not this time na sobrang kailangan na talaga kita?" He said. Namumula na ang mga mata nito.
Aww. What a lucky bitch. Iniiyakan ng taong mahal ko. Bwesit. Desperadong-desperado ang gago.
"Homework yun Chanlie. Di kasama dun ang pagsisinungalingan ang Lola at si Tita!"
He kneeled in front of me.
"I can't lose Aya. Ayaw kong pilitin kami ni Mama na paghiwalayin kami. Please Allen. Ito na ang huling hiling ko sayu. I swear I won't ask anything pagkatapos nito." He was holding my hand real tight.
Kasabay nun, ang pagsikip ng dibdib ko. There goes the man I love, begging me to help him with his girlfriend para hindi sila magkakahiwalay. A tear escape from my eyes. Nakakainis kasi minsan, di niya ako naisip. Minsan kaya, naiisip niya na pwede akong mawala? Na pwede akong magtampo. Na pwedeng masaktan.
"Promise me, di ka na hihingi ng pabor sakin pagkatapos nito. You won't ask anything from me again." madiing sabi ko.