Teacher's Tale (Based on True to Life Experience)

1.9K 17 0
                                    

Written on: October 4, 2011

Dedicated to Students, Parents, and especially for Teachers =)

 

            Ako si Aizhey at ito ang kwento ko.

            Naisipan kong gumawa ng isang akda na gaya nito (kung akda nga ba itong matatawag) sa kadahilanang ako’y NABABADTRIP! NABABANAS! NAIINIS! NAYAYAMOT! at… NAGAGALIT! Grrrr!

            Bakit nga ba? Malalaman nyo lang ang mga dahilan ko kung patuloy ninyong tutuklasin at aalamin sa bawat mga salitang binibitiwan ko.

            Let me share to you my true to life experiences…but not most of it! Syempre! I need some privacies also. =)

            Let’s start…

Bakit ganyan ang title - Teacher’s Tale (Based on True to Life Experience)?

            I’m a teacher. I want to share what lies beyond the word “TEACHER”. Oo! Alam ko at alam ninyo kung ano ang “teacher” na aking tinutukoy. Pero alam nyo ba talaga kung…

            …ANO ang guro?

… ILAN ang guro?

…MAGKANO ang guro?

…KANINO ang guro?

…KAILAN may guro?

…SAAN may guro?

…BAKIT may guro?

…PAANO nagkaguro?

            …at SINO nga ba ang tinatawag nating guro?

            Kung literal kang magbasa, malamang di tayo magkakaunawaan sa mga katanungang aking ibinigay. May malalim na kahulugan ang bawat mga katanungang aking binitiwan at malalaman nyo ‘yan sa mga susunod ko pang kwento. Isa pa lamang itong pagpapakilala at introduksyon.

            Kung naguguluhan kayo sa mga sinasabi ko, ngayon pa lang huwag nyo nang ituloy ang pagbabasa dahil ako mismo, inaamin ko, ako ay magulong magsalaysay. Kung anong mga ideya ang pumasok sa aking isipan ay sya ko lang tinitipa sa keyboard. Ang kailangan ko lang ay ang inyong MALAWAK NA PANG-UNAWA! Salamat!

Bakit ko iniaalay sa kanila ang akdang ito?

(Dedicated to Students, Parents, and especially for Teachers)

 

            Una, sila ang TARGET READERS ko! Hopefully, mabasa nga nila ito kahit alam ko naman na imposibleng mangyari ‘yun lalo na sa part ng mga teachers at parents.

            Ikalawa, may kinalaman sa kanila ang akdang ito.

            Ikatlo at higit sa lahat, gusto kong IPABATID, IPAUNAWA at IPAINTINDI sa mga taong ito ang kahalagahan ng tinatawag na EDUKASYON na sila MISMO ay may MALAKING IMPLUWENSYA upang MAPAGBUTI o MAPASAMA ito.

Sabihin na nating…

…napakamakata ko dahil sa mga salitang aking binibitawan.

…masyado akong pormal na magsulat (actually, parang hindi rin naman eh)

…desperada sa mga salitang sinusulat.

…nagmamagaling.

Pero ang layunin ko lamang po ay sana…

            …MAUNAWAAN ninyo ang MISMONG kahulugan ng salitang “teacher”!

Bago nyo man lang sana sila isumpa kasi pinapahirapan nila kayo sa tuwing papasok kayo sa klase eh MAUNAWAAN nyo na may SAPAT silang dahilan kung bakit nila ginagawa ang mga bagay na ‘yun.

Dahil ang “teacher” ay isang TAO din lang na kagaya ninyo na tumatawa, umiiyak, nagagalit, natatakot, nagkakamali at higit sa lahat NASASAKTAN!

I would like to greet all the teachers out there a "HAPPY TEACHER'S DAY!” I know that these words aren’t enough, sa laki ng sakripisyo na ginawa nyo para sa amin, KULANG pa ito! MARAMING SALAMAT PO AT PASENSYA NA PO SA MGA NAGAWA NAMING PASAKIT SA INYO!

I would like to dedicate this song for you, here on the right side ------->

Teacher's Tale (Based on True to Life Experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon