Tale 1 - Definition

490 9 4
                                    

Written on: October 5, 2011

Tale 1 - Definition

From Encarta Thesaurus

Teacher

is an educator, tutor, instructor, coach, lecturer, professor, governess, schoolteacher, trainer

From Encarta Dictionary

Teacher

1. somebody who teaches, especially as a profession.

            2. anything that teaches: an occurrence, idea, or object from which something may be learned.

From Wikipedia

A teacher is a person who provides education for pupils (children) and students (adults).

Attributed to H. L. Mencken (1880 - 1956)

A teacher is one who, in his youth, admired teachers.

Sa dami ng mga meanings at definitions na aking na-research (Madami na ‘yan! More than 1 eh!) sa kung saan-saang mga resources about the word “teacher”, masasabi kong ‘IT WASN’T ENOUGH!’

Yes! Kulang pa ang mga ‘yan! KULANG na KULANG!

Ang “teacher” ay hindi lamang kagaya ng sinasabi sa nilalaman ng Theasaurus.

Sila ay itinuturing nating…

pangalawang magulang na mag-aalaga, magsasaway at magtuturo ng mga kagandahang asal upang mapabuti ang kanilang anak.

ninong at ninang na handa kang bigyan palagi ng malaking regalo ng kanilang pasensya at pagtitiis sa’yo.

kaibigan na handang dumamay sa’yo sa lungkot at saya.

...aktor/aktres na handang umarte sa harapan ninyo para lang mapasaya kayo sa kabila ng mga problemang kinakaharap nila sa buhay.

nars na handang umalalay sa’yo at gamutin ka sa oras na ikaw ay masaktan o masugatan.

abogado na handa kang ipagtanggol sa oras na ikaw ay inaapi.

pari na laging nandyan para manermon sa’yo sa tuwing gagawa ka ng pagkakamali.

karpintero na handang kumpunihin ang bawat pagkakamali mo para lang maayos ka pa.

iskulptor na handang iukit sa inyong mga isipan ang tama at mali, ang mabuti sa masama at ang realidad ng buhay.

pintor na nais maiguhit ang mga ngiti sa inyong mga labi na sila ang nakakapagdulot.

arkitekto na handang idisenyo ang makabubuti para sa inyong hinaharap.

at higit sa lahat

piloto na kung saan sabay kayong lilipad upang maabot ang  mga pangarap na nais nya para sa inyo.

Ang “teacher” ay hindi lamang kagaya ng sinasabi sa nilalaman nina Dictionary at Wikipedia.

            Akala mo basta-basta na lang magtuturo? Isang malaking HINDI! Dahil kapag naging “teacher” ka, hindi ka mabubuhay sa simpleng pagtuturo lang. Wala akong kilalang GURO na bigla na lamang umusbong para magturo. Lahat ng GURO, may kanya-kanya pang mga gampanin na hindi lamang nakatuon sa pagtuturo. Anu-anong mga gampanin nila? Kababanggit ko lang sa taas. Kung hindi mo naintindihan, basahin mo ulit. Kung tinatamad ka, huwag mo nang ituloy pa.

Hindi rin lahat ng mga “teachers” na tinatawag natin ngayon ay pinangarap na maging isang ganap na guro talaga. Halos kalahati sa mga iyan, kung hindi pinilit ng magulang dahil sila ang may kagustuhan eh kapos sa buhay at iyan lang lamang ang nakayanang kuhanin na kurso.

Nakakalungkot mang isipin pero ganyan talaga ang tinatawag na kalakaran ng buhay na dapat na nakasanayan na natin.

Teacher's Tale (Based on True to Life Experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon