Tale 4 - Teacher, Students & Parents

203 4 0
                                    

June 4, 2012

Tale 4 – Teacher, Students & Parents

For every person wishing to teach there are approximately thirty who don't want to learn much.

-          W. C. Sellar (1898 - 1951)

Bilang isang guro, tungkulin na nila ang magturo at magbahagi ng kanilang kaalaman. Sa totoo lang, masarap naman talagang magturo lalo na’t alam natin na may kahihinatnan ang bawat itinuturo natin. Ang sarap at ang gaan sa pakiramdam na matatapos ang isang buong taong pagtuturo na punung-puno ng kaalaman ng mga mag-aaral. Sana nga ganoon ang mangyari. Sa panahon ngayon, imposible na iyang sinasabi ko na punung-puno ng kaalaman ang mga mag-aaral sa buong taon ng kanilang pag-aaral. Ngayon, subukan mong tanungin ang isang mag-aaral ng mga natutunan niya sa isang asignaturang itinuro sa kanya ng guro niya sa loob ng isang taon. Magdadalawang-isip pa iyan ng isasagot niya sa’yo at bilang pa sa daliri niyan ang mga natutunan niya. Sabihin man ninyong napakamapanghusga ko pero hindi naman natin maikakaila na tama ang sinasabi ko. Hindi rin naman iyon isang panghuhusga kundi aking obserbasyon sa mga mag-aaral na nakasalamuha ko. Kahit ako man, noong nag-aaral pa ako, kung tatanungin ako ng mga napag-aralan ko, bilang din siguro sa daliri ang maisasagot sa kung sinuman ang magtatanong sa’kin.

Ano nga ba ang problema kung bakit nagkakaganito ang mga kabataan ngayon? Sila nga ba ang may problema o ang mga guro na nagtuturo sa kanila o mga taong nakapaligid sa kanila?

            Sa tingin ko, lahat ng ito ay nakakaapekto sa pag-aaral ng isang tao.

            Maraming mag-aaral ang gustong matuto. Marami ring mag-aaral ang napipilitan lang matuto.

            Maraming mag-aaral ang gustong matuto pero…

…hindi alam kung paano.

            Sila iyong mga mahihina sa klase na pursigido namang matuto pero hindi alam kung paano ang gagawin dahil hirap na hirap silang intindihin ang asignaturang kanilang pinag-aaralan.

…hindi maintindihan ang itinuturo.

            Magkaiba ito doon sa unang nabanggit. Dito, ang mga mag-aaral ang walang problema kundi ang kanilang guro mismo. May mga guro kasi na napakasimple na ng pinag-aaralan pero ginagawa pa nilang kumplikado kaya naman ang nagiging resulta ay hindi nila lalong maintindihan ang itinuturo nito. May iba pa naman na hindi “masterize” ang asignaturang itinuturo nila na minsan nagkakamali pa sila ng pagtuturo kaya pati ang mga mag-aaral mismo hindi ito madaling matutunan.

…naiimpluwensiyahan ng mga tao sa kanilang paligid.

            Sila iyong mga mag-aaral na hindi naman talaga mahina sa klase pero dahil “distracted” sa mga taong nakapaligid sa kanila ay nahihirapan silang ituon ang buong atensiyon sa pag-aaral. Nandiyan na iyong masamang impluwensiya sa kanila ng mga kabarkada’t kaibigan, problema sa pamilya at maging ang problema sa pag-ibig.

Marami ring mag-aaral ang napipilitan lang matuto.

            Sila iyong hindi hilig ang mag-aral. Kahit anong ituro ng guro, walang pumapasok sa utak nila.

            Sila iyong pumapasok lang dahil obligado silang pinapapasok ng kanilang mga magulang. Kaya naman pagdating ng bigayan ng marka, sila kadalasan ang nakakakuha ng mababang marka o bagsak.

            Sila iyong mga mag-aaral na tinatawag nating walang “self-motivation.” Mas pipiliin pang magbulakbol o kaya naman ay matulog sa klase.

Teacher's Tale (Based on True to Life Experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon