Tale 6 - My Own Definition in Teaching

129 5 7
                                    

April 22, 2012

Tale 6 - My Own Definition in Teaching

Ang pagtuturo para iyang pagsunod sa traffic lights. Bago mo pasukin ang mundo nito, dapat tingnan mo muna ang kulay pulang ilaw. Huminto ka muna. Bigyang panahon ang iyong sarili na makapag-isip-isip. Huwag kang padalos-dalos. Kung sa tingin mo ay kaya mong magpatuloy, tumingin ka lang sa kulay dilaw na ilaw. Ihanda mo ang iyong sarili sa daang iyong tatahakin. Huwag kang aandar na lang bigla dahil delikado baka maaksidente ka. Kung sa tingin mo handa ka na naman, saka mo hintayin na magkulay berde iyong ilaw. Magpatuloy ka dahil alam mo sa sarili mo na pinaghandaan mo ang bagay na iyon. Alam mo ang mga bagay na kakaharapin mo at matapang kang ipagpapatuloy ang iyong paglalakbay. Pag nasunod mo iyan, sigurado ako na maganda ang iyong patutunguhan at ligtas kang makakarating dito.

Sana lang, huwag kayong tumulad sa’kin na dalawa lang ang kulay na ginamit sa pagsunod sa traffic lights. I followed the green lights first. I didn’t even notice the red and yellow lights. Heto agad ako! Nagturo kahit alam ko sa sarili ko na hindi pa ko handa. Go lang nang go. Nakaramdam ng sobrang pressure at stress tapos hindi pa malaman kung papaano iha-handle ang mga ito kaya naman napagdesisyunan kong sundin ang pulang kulay, ang huminto! I didn’t say that I will not continue my teaching career, I just only wanted to stop. For now, I just want to be on my own where no one will interfere me and no one will decide for myself but just be ME. Hanep! Ngayon lang ako nagdesisyon para sa sarili ko na hindi ko hinayaang may tumutol man sa’kin kahit gustuhin man nila. Just for now, let me be. I want to do what I wanted to do. Kumbaga sa pag-aasawa, ayoko munang matali sa propesyon ko. I want to have some experiences in other fields. How can I do that? It’s hard. Really hard! And I really don’t know how. Diskarte na lang ang maaasahan ko. Haha. I choose it so let me suffer for it. I hope that my decision has a better outcome for me but if it’s not, it would be such the hardest thing for me to accept that I chose the wrong one.

I guarantee to myself that I’ll return into the teaching field once that I’m ready. I assure that when I get back, I will follow the traffic lights properly.

Sa kabila ng naranasan ko sa loob ng dalawang taon kong pagtuturo, masasabi kong baon ko ay isang magandang alaala na magsisilbing gabay sa’kin sa hinaharap. Naks!

So paano mga bata? Maraming salamat sa inyong pagbabasa! Sana may natutunan kayo kay Tr. Aizhey. Tandaan: Huwag gayahin kung anuman ang mga naging pagkukulang at pagkakamali ko.

Learn from your experiences and let your experiences teach you!

Hanggang sa muli! (^__^)v

Teacher's Tale (Based on True to Life Experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon