Buhay pag ibig wala sa aking utak
Dahil magulang pag aaral ang siyang putak
Ngunit pusoy tila may topak
Gusto pa atang magpa sapak at tadyak
Ito kasing lalaking ito
Binihag ang aking puso
Bakit kasi ipinanganak kang gwapo?
Ng nanay at tatay mo.
Ngiti sa labi hindi mapigilan
Kung ikaw ang nasa aking isipan
Kaya ayaw kong ikay lapitan
Baka akoy mapatili sa sobrang kasiyahan
Naku! baka sa kahulihulihan
Akoy maiwan ng karamihan
Dahil nagpadala sa aking kabaliwan
Na ating tinatawag na istupidong pag iibigan
Akoy may natandaan
payo ng aking mga magulang
Na huwag seryosohin ang pag iibigan na iyan
Dahil walang magandang kahahantungan!
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>LYNDELL Y. MALUNDA>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>