Chapter Two

16 1 0
                                    


"Tol galit na galit na naman si Janine. Inano mo ba yun?", tanong sken ni Dave.

"Pare wag kang bastos hindi ko inaano yun.. Hahahaha.", tatawa tawa kong sagot.

"Lintik ka pare, kami na naman napagdiskitahan eh.. pinagmumura kami alam mo naman yung babaeng yun napaka-tapang.", sumbong naman ni Arcie.

"Anong hitsura pare? Muka na naman bang mangangain?", natatawa kong tanong.

Wahahaha. Naiimagine ko na naman yung pagmumuka nya sarap talagang asarin. Nakaganti na naman ako. Gusto niyo bang malaman kung anong ginawa ko? Napaka simple lang naman kasi ng ginawa ko eh. Nilagyan ko ng glue yung upuan nya. Clear glue yun kaya di masyadong pansin. Pero ang tanga naman nya di man lang nya tiningnan yung uupuan niya? Pambihirang babaeng yun. May pagka-bobo din talaga. Hay nakakatawa talaga. Panalo na naman ako! One point for Jed!

"HOY! NATHANIEL JEDDIESON MONTENEGRO!!!", nabingi ako sa sigaw ng isang babae. Takte! Buong buo pa talaga yung pangalan ko ha. Tengene!

"Ano na naman ba ANASTASIA JANIELYN PALOMAR!??", sigaw ko din.

"TANGINA JED! ANONG KABALBALAN AT NILAGYAN MO NG GLUE UNG INUUPUAN KO!???", singhal niya. Takte! Nasira yung eardrums ko!

"Pwede bang hinaan mo yung boses mo? Para kang biik jan.. Lumayas ka nga sa harapan ko.. Nabubwisit ako sa pagmumukha mo Janine!" sagot ko naman. Nakakairita talaga tong babaeng toh. Walang ka-poise poise sa katawan.

"Mas lalo naman ako! Hindi ka pa pinapanganak sukdulan na ang pagkairita ko sayong impakto ka!", hindi nya naman papatalong sagot. WOW!

"Wow ha.. ganyan ba talaga kalakas ang genes ko at di pa ako ginagawa ng nanay at tatay ko eh naramdaman mo agad ang presensya ko? Wow ha. Thank you! Hahaha.", sagot ko din. Minsan talaga ang sarap lalong patulan nitong impaktang babaeng toh.

"Sige lang.. libreng mangarap! Bwisit!", sabay walk-out nya. So paano ba yan? Panalo na naman ako. Ehem! Tumalikod na sya sken pero biglaang tumigil... "Oops! Nakalimutan ko... yung glue mo oh..." tangina ibinato sken ung sandamakmak na glue na nasa papel. "...sayang eh baka kelangan mo pa.", sabay wink nya sabay takbo. Taragis! Shit! Shit! Shit! Ang lagkit!

"Tangina pare! Sige! Pagtawanan niyo ako!", singhal ko kina Arcie na pigil pigil ang pagtawa. Nakakabadtrip!

"Tol sabi ko naman sayo tigilan mo na kasi si Janine.. hindi din naman yun magpapatalo sayo eh. Alam mo namang napaka sadista nun. Hindi ka dun mananalo.", sagot naman ni Dave.

"Huh! Ulol! Hindi din ako papatalo sa kanya. Lalo lang nya akong pino-provoke sa ginagawa niya. Tulungan niu na lang kaya akong gumanti ano?", sagot ko naman habang pinupunasan yung uniform kong natapunan ng glue. Badtrip talaga oh...napakalagkit!

"Pare ikaw na lang... tamang moral support na lang kami. Takot lang namin kay Janine...tapang nun eh.", iling na iling na sagot ni Dave. Bakit kasi sila natatakot sa babaeng yun. Sus!

"Pare yung totoo? Bakit ba ayaw mong tigilan si Janine? Pare baka naman...ehem.", biglang tanong naman ni Arcie at binigyan ako ng mapanlokong tingin.

"Baka naman ano?!", kunot noong tanong ko.

"Baka naman alam mo na... type mo ba si Janine?", tanong nya.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Ulol! Hindi ko yun type ano... type asarin oo. Pero ako? Magkakagusto dun? Pweh! Nakakasuka!", sagot ko. Hindi talaga! Hinding-hindi. Kahit siya pa ang matirang babae sa mundo hindi talaga ako magkakagusto dun.

"Sus! Wag kang magsalita ng tapos pare.. dyan nagsimula ang lolo't lola ko. HAhahaha", panloloko naman ni Dave.

"Pare sabi nga... the more you hate, the more you love.. ayiiehh...", dagdag naman ni Arcie.

"Lintik pare! Panahon pa ni Balagtas yang linyang yan! Para kayong mga bading! Gagu!",

"Ano bang ayaw mo kay Janine? Maganda naman sya ah.."

"Saang parte?"

"Sus! Saang parte ka jan... Baka lamunin mo yang sinasabi mo. Hahahaha.", pang-aalaska naman ni Dave.

"Tigilan niyo ako at mag-iisip pa ako ng igaganti sa kanya."

"Sus! Tulak ng bibig kabig ng dibdib!"

"Mga gagu!"

Hindi naman talaga. Ang goal ko ngayon ay gantihan siya sa ginawa niya sken.

Hindi na niya siguro natatandaan kung ano yung ginawa nya sken 4 years ago. Schedule ng entrance exam nun, weekday nun eh. Syempre hindi naman ako familiar sa University na papasukan ko at syempre solo lang ako ayun sa minalas-malas ko naman sa kanya pa ako nakapagtanong. Naka-uniform kasi sya at naka-ID na sa tantya ko ay 4th year high school, red kasi yung lace ng ID nya eh. Student din sya sa university na toh.

So inassume ko na alam niya yung Building. Tinanong ko sya kung san yung Dr. Jose Rizal Building, designated building para sa venue ng pag-eexam-an ko. Itinuro nya ako sa maling direction. 9:00AM start ng exam, 9:40AM na ako nakarating. Oo! Nagpaikot ikot na ako sa buong campus. Ayun ang resulta hindi ko natapos yung exam. Ang laking panghihinayang ko nun dahil target ko ang mag Top 1 sa entrance exam para makuha ko yung full-scholarhip, pero dahil nalate ako. Top 2 lang ako. Nakakaiyak! Oo na! So gay di ba? Pero ang laki talaga ng panghihinayang ko.

Gusto ko kasi talagang makuha yung full-scholarship para hindi ko na hihingin kina Mama at Papa yung itu-tuition ko sana. Ako kasi yung tipo na hangga't kaya ko, hindi ako hihingi ng tulong sa kanila. Ang laki na rin kasi ng pagod ni Papa eh, gusto kong tumulong. Pero dahil sa bwisit na babaeng yun! Nawala ung chance! Tangina di ba? Kaya pala nung pagtalikod ko eh nagtawanan yung mga kasama niya. Napaka salbahe niya! Ang sama nya!

But it's really a small world. Akalain mong Engineering din pala ang course niya. Parehas kaming ECE kaya naman magka-block section kami. At isa pang nakakaasar! Sya yung Top 1 sa entrance exam. Bwiset! Ako dapat yun eh. Hindi naman sa nakikipag kumpetensya ako sa kanya ang sa akin lang sana patas yung laban di ba? Unfair lang kasi. Nakakabwisit talaga.

Sa tinagal-tagal na kaeskwela ko sya ganito ko sya idedescribe. Matakaw. Magulo lagi ang buhok na palaging nakapusod ng mataas. Naka-flat shoes palagi. Naka-bag pack at naka-eye glasses. Yan. Sa apat na taong nakakasama ko sya hindi na nagbago yung hitsura nyang ganyan. In short, wala syang pakialam sa hitsura niya. Hindi man lang magawang ayusin ang sarili niya. Sus! Pustahan wala pang nagtatangkang manligaw dun!

At ano daw? Ako? Magkakagusto dun? Sus! Malabo. Baka siya pa. Haha. Sa gwapo kong ito? Gwapo. Walang pores. Walang blackheads. Makinis at ehem hot and yummy. BWahahaha! Yan ang tinatawag na fighting spirit! Pero syempre joke ko lang yun. Katamtaman lang naman ang hitsurang binigay sakin ng mahabaging langit. Tae nga may hitsura eh, ako pa ba?

***

Despising the Despicable OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon