Untitled Part 14

4 0 0
                                    


Chapter Thirteen

-Jed's POV-

"I'm only one call away, I'll be there to save the day. Superman got nothing on me, I'm only one call away."

Wow ha. Nakakadalawa na silang kanta. Hindi pa ba sila uupo? Tsk. Enjoy na enjoy lang? Hindi ako galit. At hindi rin ako nagseselos ha. Concern lang ako sa mga sapatos nila. Maawa naman sila sa mga sapatos nila di ba?

Ay shet! Lumingon si Bubwit. Nahuli niya ata akong nakatingin sa kanya. Asar naman oh. Bakit ba sya lumingon dito? Asar naman oh. Baka isipin na talaga niya na type ko siya. Eh hindi naman. Ang sarap tadyakan sa mukha ni Paa, ang lawak ng ngiti. Eh di siya na. Siya na ang very close kay Bubwit. Nakakainis naman oh. Nasaan ba ang fuse dito nang mawalan ng kuryente. At magsiuwian na kaming lahat.

"Hi. Ikaw yung 1st place sa Engineering Quiz Bee kanina di ba?", tanong sken ng isang babaeng biglang sumulpot sa harapan ko.

"Ah yes. Ako na nga.", nakangiting sagot ko.

"Nathaniel Jeddieson right?", tanong nya uli.

"Jed na lang.", I answered.

"Hi. My name is Kaye." Sabi niya.

Maganda sana pero halatang malandi ang isang ito. Kita naman sa kilos at pananamit. Oo at party ito. Pero tama bang magsuot ng super iksing damit na pag umupo ay halos makitaan na?

"Nice meeting you Kaye.", pakikisakay ko na lang.

"Let's dance Jed.", at bago pa ako makatanggi ay hinawakan na niya yung kamay ko hinigit na ako patungo sa dance floor.

Nilingkis agad ako nung Higad. Grabe naman makapulupot itong babaeng ito. Kulang na lang talian ako. Nakaka-turn off. Ganito na ba ang mga babae sa mundo? Susku. Nawala na talaga ang lahi ni Maria Clara. Parang lahi na lang ni Maria Ozawa ang nanatili.

"You know what Jed I have whjhucandfmajxhegcndhr...", hindi ko na maintindihan yung sinasabi niya kasi nakatingin lang ako sa magkasayaw pa din na Bubwit at Paa.

Kung hindi nga lang kabastusan ang bitawan toh kanina ko pa toh tinadyakan palayo sken. Hindi ko na maintindihan yung sinasabi niya kasi nakatingin lang ako sa magkasayaw pa din na Bubwit at Paa. Nagtatawanan at nagngingitian sila. Naiinis na naman ako. Ano ba bakit ba ganun?

"Bakit nakakunot ang noo mo Jed?", tanong sken ni Kaye. Ay napansin niya.

"Ha? Nakakunot ba?", sa palagay ko din nga.

"Sino ba kanina mo pa tinitingnan?"¸ Tanong nya ulit. Ang usisera naman nitong babaeng toh. Di na lang manahimik.

"Ah wala. Tinitingnan ko lang kung may insekto."

"Insekto?", takang tanong niya. Bobo. Di nya magets na nagjojoke ako. Bopols.

HInawakan ni paa yung chin ni Bubwit tapos iniharap niya sa kanya. Eye to eye contact? Ganun? Sige maglandian kayo dyan. Sige lang. Ayoko na. Bakit ba kasi kanina pa ako nakamasid sa kanila. Parang tanga lang. This is horseshit!

Matatapos na ang kanta hindi pa ba sila matatapos? O may balak silang tapusin ang gabi na silang dalawa lang ang magkasayaw talaga? Nag-iinit ang dugo ko.

"Tol..", hindi ko namalayan halos katabi na namin sila. "Exchange partners?", nakangiting sabi niya. Oo. Ni Paa.

"Ha?", hindi ko masyado narinig. Exchange ano daw?

Despising the Despicable OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon