*Kesha's POV*
"Kesha? Is that you?" Emeyged! Is this real? Gising ba talaga ako? Nasa harap ko nga ba talaga sya?
"Kenzo? (⊙o⊙)?" I thought I'd never see him again.
"Yeah, it's me. How are you Sha?" 'Sha', yan ang tawag nya sa'kin.
"Ok lang ako. Kailan ka pa umuwi?" Ok. This is awkward. ≧﹏≦
"Last week lang, bf mo?" Si Hans ang tinutukoy nya. Jusme! Bakit ba pinagkakamalan kaming magbf/gf? Hindi ako ang type nyan eh. Sabi ni best ang gusto nya 'yung matangkad with curly hair. In short, hindi ako 'yun. o∩_∩o
"She's mine." Hala, anong pinagsasabi nitong si best? Bakit parang ang init ng dugo nya kay Kenzo?
"Ah hehe Ibig nyang sabihin, I'm his bestfriend." Parang ewan lang.
"Kenzo Sy, bro." Extending his arm to Hans for a hand shake.
"Hans Jimenez." His face is like (╯▂╰). (╰_╯) Tinignan ko sya ng ganyan. Ayaw kasi makipagshakehands eh. Tinatamad ata. Buti nalang at takot ang isang 'to sa'kin. Kaya napilitan. Haha
"Saan ka na pala nakatira?" Tanong ni Kenzo.
"Doon sa Heaven's village. Malapit lang sa Sunshine village." Doon kami dati nakatira. We're neighbors. His my childhood friend and crush. It's been 10 years since the last time I saw him.
"Ah doon pa rin kami sa bahay nagstay ngayon, akala ko nga nandun pa rin kayo ni lola Mercy. Pagdating namin, pumunta agad kami ni Kaye dun, sabi ng may-ari lumipat na daw kayo pero hindi niya alam kung saan. Akala ko hindi na tayo magkikita." Si Kaye 'yung younger sister nya, silang dalawa lang kasi nakikipaglaro sa'kin dati kasi ayaw ng ibang bata. Freak daw kasi ako.
"Asan si Kaye?" Namiss ko na rin sya eh.
"May binili lang, mamaya nandito na 'yun. Sabi ko kasi dito lang ako sa bookstore. So, you still love reading books about vampires and werewolves." Hindi nya pa rin pala nakakalimutan. Actually, sya ang dahilan kung bakit ako nahilig sa ganitong uri ng book. Nung nasa elementary kasi kami binigyan nya 'ko ng isang book, 'Dead Until Dark' ang title nung book na 'yun. Nakarelate ako dun kasi 'yung main character ay may ability rin kagaya ko. Dun ako nagstart na mahilig sa mga ganitong uri ng libro.
"Oo. Kasalanan mo kasi. Haha Sige, babayaran ko na 'tong mga books." Nagtawanan lang kaming dalawa at si best? Ito tahimik lang.
"Tara sabay na tayo." Alok naman ni Kenzo. May dalawa syang book na bibilhin.
"Hintayin nalang kita sa labas." Wala ata sa mood si best. Sinundan ko nalang sya ng tingin habang palabas sa bookstore.
"You first." Sabi ni Kenzo. Habang pumipila kami sa counter. Parang walang nagbago sa kanya, maliban nalang sa napansin kong mas tumangkad sya. 5'9" siguro height nya, dati magkasingtangkad lang kami. Mas matured na rin syang tingnan, he's one year older than me.
Pagkatapos naming magbayad. Lumabas na kami sa bookstore. Nakita ko si Hans na nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng jeans nya. Seryosong nakatingin kay Kenzo, kakaiba ang tingin nyang 'yun. Ngayon ko lang ulit nakita ang ganyang tingin nya. Naalala ko nung nasa 1st year high school pa kami.
9 Years Ago...
Palabas na ako ng gate nun. Wala ng ibang tao sa paligid maliban dun sa security guard ng school na naglilibot sa bawat room. Pauwi na ako sa amin nang bigla akong hinarang ng kaklase ko, si Aira.
"Hoy babaeng freak! Pwede bang wag mo akong tingnan ng ganyan?! Ha?! Paano mo nalaman na ako ang kumuha ng answers key ng periodical test sa English?! Dahil sayo muntikan na 'kong ma-expelled! Ngayon lang ako nahuli! Bwesit kang babae ka!" Ipinikit ko nalang ang mga mata ko ng mga sandaling 'yun at hinintay na dumapo sa pisngi ko ang palad ni Aira. Pero lumipas na ang ilang segundo ay wala akong naramdaman. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
My Soulmate Is A Vampire ♡
RandomI'm Kesha Chui, 21 years old. I work as a pre-school teacher. Half-chinese and half-filipina. Simple lang, tahimik, chinita, morena at may mahabang straight na buhok na kakulay ng super dark eyes ko. Weird nga eh. Hindi ako mahilig makipag-usap sa k...