Chapter 1

180 4 0
                                    

*Kesha's POV*

"Kesha, i love you so much." Ang boses na yan, narinig ko na yan. Bakit di ko makita ang mukha niya. Sino ba siya?

"Handa akong mamatay para sayo aking prinsesa." Teka lang, bakit hindi ako makapagsalita? Palapit ng palapit ang mukha niya sa'kin. Hahalikan niya ako. Ehmeyged! Kuya, wag po. (T.T) First kiss ko 'to. I don't even know him.

╮(╯3╰)╭ siya.

(⊙o⊙)?Ako.

Uwaaahh!

*Boogsh!*

"Aray! Ang sakit ng likod ko." ~T_T~

"Oh? Anyare?" Tanong ni lola.

"Nalaglag po ako sa sahig." Sagot ko sa kanya habang dahan dahang tumatayo at nakahawak sa likod ko.

"Ang likot mo naman kasi matulog eh. Nanaginip ka na naman siguro noh?" Pagtatanong ni lola.

"Naku 'la hindi po." ∩__∩ Nahiya akong ikwento sa kanya eh.

"Oh sige. Doon na 'ko sa kitchen. Ihahanda ko lang breakfast natin." Paalam ni lola.

"Sige po. Susunod na lang po ako." Sagot ko.

"Ok." Sabay sarado ng pinto.

Napaupo ako sa gilid ng bed ko, tumingin ako sa alarm clock ko 6am palang. Naalala ko may pupuntahan pala kami ngayon ng bestfriend ko. Saturday ngayon kaya wala akong trabaho. Nagpray muna ako.

"Thank you papa God, akala ko talaga totoo na yun. Buti nalang panaginip lang. I love you po. Napanaginipan ko na naman ang lalaking 'yun pero bakit po kaya di ko makita ang mukha niya? Ay naku, nakakapraning na po. Siya po ba ang soulmate ko? Kung sya po 'yun, sana po makilala ko na siya. Amen." Pagkatapos ay inayos ko na bed ko, pumunta sa CR at inayos ang sarili. Then nagtungo sa kitchen.

"Good morning miss beautiful." Sabay kindat sa'kin ni Hans.

"Good morning handsome." Sagot ko naman. At naupo ako sa tabi nya.

"Uyy ang sweet nitong mga batang 'to." Panunukso ni lola.

"Lola Mercy naman, hindi ka pa nasanay sa'min. Alam niyo namang mahal na mahal ko itong apo niyo." Sabat naman ni Hans.

"Asus. Gusto mo lang kumain ng breakfast dito eh. Haha Inaway mo ba si Manang Tina kaya hindi ka ipinagluto?" At inakbayan ko sya.

"Umuwi kasi si Manang Tina sa kanila kasi may sakit daw ang isang anak niya. Kaya pwede bang dito ako kumain?" Pagpapaliwanag nya tapos nagpacute.

"Sige na nga. Kung di lang kita mahal best eh." sagot ko.

"Tama na nga 'yang lambingan at lalamig na itong pagkain." Ani lola.

Umayos ako ng upo at nagsimula na kaming kumain. Ang sarap talagang magluto ng lola ko. Pagkatapos ay nagpaalam na akong maliligo muna dahil nagpresenta naman si Hans na siya na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Ang bait nya talaga. Naisip ko tuloy, swerte ang soulmate nya. At naiwan silang dalawa ni lola sa kusina dahil pumasok na ako sa CR ng room ko.

*Hans's POV*

Heto ako ngayon at naghuhugas ng pinagkainan namin. Si lola Mercy naman ay nagbabasa ng newspaper.

"Iho, saan kayo pupunta ni Kesha ngayon?" Tanong ni lola Mercy sa'kin.

"Ipapasyal ko lang ho sya." Sabi ko habang nilalagay ang mga plato sa lalagyan.

"Wag mo syang pababayaan ha?" Bilin nya sa'kin.

"Opo. Wag po kayong mag-alala. Iingatan ko sya." Sagot ko sa kanya.

"Protektahan mo sya. Dahil sya ang taong nakatadhana sayo. Ngayong nasa tamang edad na sya ay maaaring unti-unti nya ng malalaman ang kanyang tunay na pagkatao na maari rin nyang ikapahamak." Halata ang pag-aalala sa mukha nya.

"Naiintindihan ko po. Gagawin ko po ang lahat. Kapalit man ay ang buhay ko." Sagot ko.

Noon pa man ay alam ko na si Kesha talaga ang nakatadhana para sa akin pero hindi pa nya pwedeng malaman dahil hindi pa ito ang tamang panahon. Marami pa akong dapat gawin para sa kaligtasan nya. Maaaring kamuhian nya ako pero kailangan ko munang ilihim sa kanya ang lahat. Pati na ang tunay kong pagkatao.

"Ready na 'ko." *^▁^* Sabi ni Kesha habang palapit sa'min ni lola Mercy. Nakasuot sya ng t-shirt na white w/ minions on its center, nakadenim pants at rubber shoes na kulay blue. Nakalugay ang dark straight nyang buhok.

(⊙_⊙) ako. Hindi ako agad nakapagsalita. Simple lang ang suot nya pero ang ganda ganda nya pa rin.

"Best, ok ka lang? Tulaley ka dyan." Sabi nya habang nakangiti.

"Ha? Ah oo. Ok lang ako. May iniisip lang." Sa totoo lang sya talaga ang iniisip ko.

"Babae yan noh? Haha" Panunukso nya sa'kin.

"Hindi ah." Sagot ko sabay tingin kay lola Mercy na para bang humihingi ako ng tulong dahil baka masabi ko kay Kesha lahat ng wala sa oras.

"Naku Kesha, wag mo ng kulitin si Hans. Sige na umalis na kayo. 7:30am na oh." Buti nalang at naintindihan ni lola Mercy ang ibig kong sabihin.

"Sige na nga." Pagsang-ayon naman ni Kesha. Nagpout pa na parang bata.

"Lola Mercy, alis na po kami." Pagpapaalam ko kay lola Mercy. Sabay hila kay Kesha papunta sa labas ng bahay nila kung saan nakapark ang montero ko na kulay black. Nakasunod naman sa'min si lola Mercy.

"Pasok ka na." Sabi ko kay Kesha pagkatapos kong buksan ang pinto ng kotse.

"Wag kayong masyadong magpagabi." Sabi ni lola Mercy habang isinasara ang gate.

"Opo.Bye po lola." Sabay naming sagot at umalis na nga kami.

***

A/N: Guys, pagpasensyahan nyo itong story ko. Y(^_^)Y First time ko lang gumawa eh. Nainspired lang dun sa book na binasa ko. Hehe Vote and comment/suggest nalang kayo.

My Soulmate Is A Vampire ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon