Nakakaramdam

20 1 0
                                    

https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/<------- story not mine its from the link

Nakakita ako dati ng mga multo nung bata pa lang ako. Nandyan iyong nagtataguan kami ng kapatid ko sa sala at hahanapin ko siya sa madilim na kwarto na located lang din sa may sala. May biglang dudungaw sa bintana ng kwarto na figure ng babaeng mahaba ang buhok. May pagkakataong makikita akong shadow lang na mabilis na tumatakbo. Pulang mata sa indian mango tree. Puting lalaki sa bahay ng pinsan ko at doppelganger ng tita ko. Pagsitsit at pagtawa ng demonyo. Nakikita ko sila dati pero may pangyayari talaga na ginusto ko na sanang huwag na at matapos na lahat. Nagkatotoo nga dahil sa isang panaginip.

Tatlo beses kong napapanaginipan ang maliit na pigura ng lalaki. Minsan parang totoo na. Kukunin niya raw ako. One time, sa panaginip ko na akala ko talaga totoo ay nakatayo siya. Nandoon si Mama at ako. Brownout pero kitang-kita ko siya nang biglang may lumabas na mga pakpak sa likod niya. Ewan, bigla ring lumiwanag. Ang gwapo niya promise pero iyong ngiti niya nakakaloko. Sinakal niya ako bigla at binitawan niya agad ako. Sinabi niya pa na ""Babalikan at kukunin kita. Ako si Lucifer."" May hawak siyang mansanas habang lumilipad noon pataas. Doon natapos ang panaginip ko. Takot na takot ako noon. Sa sobrang takot ko ayaw ko na silang makita, sa tuwing mararamdaman ko sila, iniisip ko na hindi sila nag-e-exist at umepekto. Hindi ko na talaga sila nakikita hanggang sa naghigh school ako pero, nararamdaman ko sila. Hindi ko na lang pinapansin.

Hanggang sa may dumalaw ulit sa panaginip ko. Bata siya, mga five years old. Hawak-hawak ko raw siya at umiyak siya bigla. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Sabi niya kasi hindi na raw siya binibisita ng pamilya niya. Tinanong ko kung sino ang pamilya niya pero nagigising agad ako. Paulit-ulit ang panaginip na iyon, siguro dahil naku-curious ako. May mga times na gusto ko ulit makita ""sila"". Gusto kong tulungan ang bata pero naisip ko, kapag tinulungan ko siya baka siya tahimik na sa kabilang buhay, buhay ko naman ang maging magulo. Ayoko na. Natatakot talaga ako na baka kapag bumukas ulit third eye ko, baka kunin ako ng taong nagngangalang Lucifer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

katatakutan ng pinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon