Elevator

178 4 1
                                    

This one is very popular and very short.Hhehehehhe push natin toh ako magsusulat

---------------------------------.

Sa bansang Korea,ang kamay ng pasyente sa ospital ay nilalagyan ng puting wristband na naglalaman ng kanilang impormasyon ngunit pag namatay ang pasyente ay pinapalitan ito ng pulang wristband bago dalhin sa morgue.

Isang gabi isang sa isang ospital sa Korea ay nagtatrabaho ang isang batang doctor bilang isang night shift.Halos 2am na ng matapos ang huli niyang operasyon.Nasa 5th floor siya nun at kaniyang pinindot ang button para makasakay sa elevator.

Pagod na pagod na ang naturang doktor at naghihintay para sa pagtatapos ng kaniyang shift.Sa mga oras na iyon ay sobrang tahimik na ng ospital.Halos lahat ng pasyente ay tulog at ang ibang mga nurse ay umuwi na.

Pumasok na siya sa elevator pagkabukas at nakita niya ang isang tao na naroon.Nakikipagusap siya sa babae habang bumaba ang elevator.

Tumigil ang elevator sa basement at nagbukas ang pinto.Bumugad sa kanila ang lalaking nakasuot ng hospital gown na nakatayo sa harap ng pinto.Papasok na ang matandang lalaki ng biglang isara ng doktor ang pinto.

"bakit mo ginawa yun?"gulat na tanong ng babae

"marami na akong nagawang operasyon"sabi ng doktor"marami ng kamatayan ang aking nasasaksihan"

Tahimik lang ang babae.

"Yung lalaki kanina mayroon siyang suot na pulang wristband"sabi ng doktor"ibigsabihin nun ay patay na siya"

"Dok,"pagtawag ng babae sakanya"tulad nito?"sabay pakita ng pulang wristband

katatakutan ng pinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon