Chapter 6

2 1 0
                                    

Angela's POV



Angsama-sama ko! Problema kasi sa'kin nagpapadala ako agad sa emosyon ko.



Matapos umalis ni Joshua, humiga uli ako at nagtalukbong ng kumot. Gusto kong matulog! Pero sa pagpikit ko paulit-ulit ko lang naaalala yung nangyari sa daan kanina. Allen.


"Gela? Gela anak." si mama. Nramdaman kong gumalaw yung kama kaya tinaggal ko yung kumot sa mukha ko. Ekspresyon pa lang ng mukha niya alam ko na agad na nag-aalala siya. "What's with that yelling earlier? Anong nangyari sa inyo ni Josh?"


Haynako. Wala talaga akong maitatago kay mama.


"Ma," wika ko. "Ma ang sakit pa rin po pala. Akala ko nakalimutan ko na siya. Pero after all these years ma, mahal ko pa rin pala siya matapos niya akong  gaguhin. Ang tanga ko ano? Paulit ulit na niya akong sinasaktan pero sa kanya pa rin ako bumabalik. Ma, ang sakit sakit po."


Hinaplos niya yung buhok ko.


"Shh. Ako rin naman eh hindi ko alam kung paano ka niya nagawang lokohin noon kasi nakikita ko naman sa mata niya na sincere siya, pero it's been almost three years anak. Mag-move on ka na ha?"


Tumango ako. Okay na sana e, kaso biglang umepal yung kapatid ko.


"HAHAHAHA! Sinabihan na kasi kita noon na layuan mo siya, ate. Ayan tuloy! Siya, naka-tatlong girlfriend na naman, tapos ikaw? HAHAHAA! Nyeta nagmu-move on pa rin! HAHAHAHA" ang epal talaga nitong Azrakiel na 'to! Grabe ang sweet talaga e 'no?!


Lumapit si mama sa kanya at binatukan. Buti nga! "Azra! Bumaba ka ngang bata ka, kapag ikaw nawalan ng love life sabay ka naming tatawanan ng ate Gela mo."


"Ma naman! Sa gwapo kong ito mawawalan ako ng love life? HAHAHAHAHA!" tawa siya nang tawa bago umalis. Bwiset na batang 'yon!


"Ma," wika ko. "Ma, paano kung hindi na po talaga ako makaka-move on sa kanya?"


Tumaas yung kilay ni mama. "Possible ba naman 'yon? Sa gandang yan ng anak ko?"


Napangiti naman ako. 


"Ma naman eh!"


"Anak malay mo naman diba may ibang tao talagang para sayo. Malay mo hindi talaga kayo ni Allen yung para sa isa't isa. Just think positive. i-appreciate mo kasi yung mga taong laging nandyan para sayo."


Nagtaka naman ako. I asked her why, pero ngumiti lang siya at lumabas na ng kwarto ko.


Maliligo na sana ako pero biglang nag-vibrate yung cellphone ko. Unregistered number, sino 'to?


Dahil kay ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon