Chap 1

27 2 1
                                    

Yurica's POV

"Yas! Takte naman oh! Pinaglihi ka ba talaga sa pagong?!" Sigaw ni Izel.

"Grabe naman to, nagaayos pa ako ng gamit oh! at saka uwian naman ah? Sino ba hinihintay mo?" Tanong ko with matching sarcasm. Alam ko naman na may date sila ng bf niya ngayon, at talagang iniinis ko siya by being slow.

"Bahala ka diyan Yas, mamaya iwan ka niyan ni Izel." ani ni Estella.

"Eto na chill"

Kasama ko ngayon ang baliw kong tropa ngayon. Oo, si Izel Dane Perez at si Estella Eunique Clarkson. Well, let me introduce myself, I'm Yurica Anne Santiaguel or YAS for short. My motto in life is that don't expect too much. Simple but strong right? Kaya ganyan ang arte ko sa buhay ay dahil kahit isang beses lang ako nainlove, nasaktan ako ng sobra. Tao lang tayong lahat no!

"P*tcha nemen ehhh!" pag-iinarte ni Izel.

Habang naglalakad kami papuntang parking lot, nagkasalubong kami ng longtime enemy ko na si Brent Xavier Folkson. Sosyalin yung name nuh? Pero pag yan kasama ko, kung umasta yan eh parang kulang pa ang salitang AROGANTE.

"Emery! Here!" pagtawag ni Izel. Yup, yun yung bf niya. Ka-tropa ni. AROGANTE.

"Uy ngetpa! Mas lalo kang pumanget!" pangiinsulto sa akin ni Brent. Well, I just gave him the finger. Gusto niyo siguro malaman ang storya namin ni Brent kung bakit ganito ang sitwaston namin no? Ganito kasi yun...

Nasa classroom kami nun, 13 years old kami. Magkababata kami kaya bestfriends kami since birth. Kaya nga lang, may isang pangyayari na hinding hindi ko makakalimutan na tumapos sa pag kakaibigan namin sa ilang saglit.

Alalang alala ko pa yung eksaktong sinabi niya. Sinabi niya na ang tanga ko daw dahil si Josh yung minahal ko. Di ko raw alam na ginagamit ako ni Josh para makaganti sa ex niya. Nabulag daw ako. At nasampal ko siya nun. Sinabi ko na sinisiraan niya lang si Josh dahil magkaaway sila. Sabi ko sa kanya na simula noong araw na iyon, strangers na ulit kami.

"Earth to Yas! Nu ba bhie? lutang lang ang peg?" tanong ni Estella with matching snapping of fingers.

"You're spacing out." sabi ni Angelo with matching concerned face. Aheheeee, kilig na ba ake? Luh? sinabi ko ba yun? erase erase erase.

"Paano lulutang utak niyan eh wala nga yan utak. Hahahahaha!" pang iinis ni Brent. Juice ko Lord, bigyan niyo po ako ng sandamakmak na pasensya, kundi masasapak ko na talaga to.

"Eh gusto mo internal organs mo palutangin ko diyan sa ere, ha?!"

"Tsk. PIKON!"

"Edi Garcia!"

"Buwaka ng ina mo!"

"Anak ka ng ina mo!"

"Letse, Ano ba! ang iingay nento! pagbuhulin ko kayo eh!" galit na sigaw ni Izel. Paano ba naman di magagalit, nag lo-lovey dovey sila ng bf niya sa isang sulok tapos nagaaway kami dito. Musta naman sila.

•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•

A/N

Hi guys!
So paalala lang po, every Sunday ako mag uupdate. Wag masyadong demanding k? luvluv!

-Clarity ❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fell in Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon