Grade 10
Magsisimula na ang first subject namin na English tiningnan ko ang babaeng nasa gilid ko. Siya ang so called "bestfriend ko" I stared at her face, her long silky hair and wished she was mine. Pero sino ba naman ako para mapansin niya at mahalin niya, oo nga pala ako lang naman ang bestfriend niya na lagi siyang tinutulungan sa lahat ng assignments at projects niya hanggang dun lang ako at hindi na hihigit pa..Masasabi ko rin sayo ang nararamdaman ko para sayo...
Grade 11
My phone rang it was her calling "Zavier kailangan ko ng bestfriend na mapagkukwentuhan ko ng problema ko. Please I need you now."sabi niya habang umiiyak. At ako naman ito pumayag mapagaan lang ang loob niya wala eh mahal ko anong magagawa ko..
Nagbreak na pala sila ng boyfriend niya kaya siya umiiyak I stayed with her, nanood kami ng movie para mabawasan ang kalungkutan na nararamdaman niya, kumain kami at kinuwento niya ang nangyari sa kanila ng boyfriend niya ay mali pala ex boyfriend na pala niya ito..Masasabi ko rin sayo ang nararamdaman ko para sayo..
Grade 12
Patuloy parin ako sa pagiging bestfriend niya.. Sinusuportahan ko siya sa mga bagay na gusto niya.. Pati nga sa pagsagot niya sa boyfriend niya nandun din ako para suportahan siya kahit na masakit sakin ang nakikita ko. Okay lang basta masaya siya masaya narin ako. She's my happiness after all..Hayaan mo masasabi ko rin sayo ang nararamdaman ko para sayo..
Graduation
After 3 years graduate na kami.. Ang ganda niya ngayon aakuat na siya sa stage para makuha ang diploma niya kasama ang mama niya masayang masaya siya makikita mo ang matamis niyang ngiti sa mukha..
Tapos na ang graduation ceremony patakbong lumalapit siya papunta saakin binigyan ko siya ng mga ngiti habang palapit saakin pero mali pala ako linagpasan niya lang ako yun pala papunta siya sa boyfriend niya nag assume ako masyado..
Tiningnan ko lang sila na papaalis na..Bakit ba ang hirap sabihin sakanya ang nararamdaman ko para sa kanya..
College
Lumipas ang panahon at mas tumitibay ang relasyon nila ng boyfriend niya minsan nagkakaroon sila ng problema at ako ang pinupuntahan niya...Mahal kita mga salitang gusto kong sabihin pero hindi ko magawa..
Wedding Day
Ikakasal na siya masaya ako para sa kanila..Nandito ako sa kasal nila ng boyfriend niya tama kayo hanggang kasalan sila at hindi na naghiwalay pa bestman ako dahil bestfriend niya ako..
Masakit makita ang taong mahal mo na ikakasal dahil hindi ikaw ang pakakasalan niya..Funeral
Years past at nandito ako sa harap ng kabaong niya tinitingnan siya sa huling pagkakataon. Ang babaeng so called bestfriend ko ay tinitingnan ko na sa huling pagkakataon dahil hindi ko na siya makikita pa..
Sa funeral nandito karamihan ang mga nagiging kaklase namin nung highschool at college. Binasa ng kanyang asawa ang isa sa mga sulat niya sa kanyang highschool diary..
"Dear Diary,
Masaya akong may nakilala akong especial na tao sa buhay ko at yun ay ang bestfriend kong si Zavier nandyan siya sa tabi ko kung kailangan ko siya at hindi mo matatanggi sa akin na magkaroon ng pagkagusto sa kanya..
Ang kanyang napakaamong mukha at pagiging maalagain ang siyang nagbigay saakin ng pagkagusto sa kanya..Sa araw araw na kasama ko siya minamahal ko siya kaso hindi ko masabi dahil takot akong mareject kaya tinago ko na lang sa kanya at hindi ko sasabihin sa kanya..Hinihiling ko rin sana na sabihin niya rin ang nararamdamn niya para sakin kaso nahihiya ako..Love,
CaxandraPagkatapos kong marinig ang mga salitang yun ay hindi ako makapaniwala mahal niya rin pala ako at ang masasabi ko lang sakanya
"Mahal rin kita sana sinabi ko sayo.."Huwag mong hintayin na mahuli ang lahat para masabi mo ang salitang I LOVE YOU O MAHAL KITA dahil pag hindi mo yan nasabi ng mas maaga pagsisisihan mo lang yan sa huli...