BF5♥Bestfriend nga ba?

17 3 0
                                    


Janina's POV

One week na simula nung natapos yung Foundation namin.

Andito ako sa room namin and nakikinig sa kalokohan ng sir blue eyes namin.

Ewan ko ba, wala ako sa mood para  makinig kahit pa next week na ang finals at cover to cover ang exam.

Anyways Friday ngayon and absent ang bespren ko dahil nagpatuyo ng pawis nung naglaro ng basketball kaya ayun nagkalagnat at dahil Saturday bukas, bukas ko na lang sya bibisitahin.

Yun nga, wala ako sa mood makinig at di ko na namalayan na recess na pala.

Wala akong ibang kaibigan dito bukod kay Lance kase kanya kanya yung buhay ng classmates ko e.

Minsan nga natatawa ako sa iniisip ko na baka nasa mental ako, e kase naman, yung iba talkative, may nagsasalita mag-isa, nagwa-wattpad na bigla iiyak at tatawa na parang bipolar, may bigla sisigaw, nag-aaway, natutulog, sumasayaw, at tawa ng tawa. Diba? Parang mental hospital. Try nyo isipin yan sa room nyo, kayo magmumukhang tanga sa kakatawa.

Pumunta na lang ako mag-isa sa canteen kase yung schoolmates ko na girl ayaw ako maging friend kase daw mas maganda ako--chos!
Kase inggit sila na kasama ko idol slash crush slash Campus Prince sa school namin.

Habang naglalakad papunta canteen, nadaanan ko yung 'Garden of Lovers' sa school namin. Sus, daming ka-echos-an ng director sa school na 'to e. May nalalaman pang Heart shape na halaman, puno na may dove, yung ibon hindi sabon, ha?

Sus, may forever nga sabi ko sa inyo pero magbbreak din sila sa tamang panahon kung di sila ang para sa isa't-isa.
Konsensya:May maling panahon?

Manahimik ka konsensya kung ayaw mong ipatapon kita sa Manila Bay.

Pumila na ako at nag-order ng kakainin.

Pumunta na ako sa isang table na round, siguro pang four peoples ito.

Pagkalapag ko ng food ko, may umupo bigla na tatlong clown at nagsalita ulit yung pinakachaka nilang leader. I wonder kung pinaglihi ba sya kay Chaka Doll.

"Nauna kami dito Janina, so please find another table dun sa malayo. Pwede ka lang makisama sa amin kung kasama mo si bebe Lance. At dahil wala sya dito, SHOOO!" Grrr. Kakagigil tong oh-so-kapal-ng-make-up-sa-mukha-na-chakang-clown! Hmp! Makapag-conyo nga, feel ko lang maging kontrabida ngayon.

"For your information chakang mahilig maglagay ng paint sa face, you have no rights to make me paalis here because wala namang nakalagay na name ditong 'Chaka' .
And I would really like to say na your so malandi, I know kaya ayaw mo akong paupuin dito because I'm more prettier than you chakabel. And I like to inform you na 'Ang tunay na maganda, pulbo lang sapat na hindi yung ginagawang coloring book ang mukha', and stop calling MY bestfriend sa endearment mong cheap na bebe, like eww. Feel ko maging kontrabida ngayon because my blood is really kumukulo whenever I see your oh-so-chaka-face, its so nakakadistract and nakakasira ng view so if you mind, I will have a breaktime so stand up there and SHOO!" Wooo, grabe ako na nagspeech, madami na din nakatingin sa amin and guess what, she's crying infront of me, tch. She's so paawa. And because she's wearing a cheap eyeliner, pag tumutulo yung made in china nya na luha, may black. Pwede na sya isama sa FHM. Filipino Horror Movies!

Palaban pala si Janina?

Grabe, ang sama nya pala

Di naman

Pinaglalaban nya lang sarili nya

Tch. Cry baby yung clown

Yan yung iba na narinig ko. tch. Ako pa yung nagmukhang masama.

Bestfriends[Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon