Janina's POV
Sunday ngayon. Di pa din ako maka-move on kahapon e.
Ang weird kase ni Lance, siguro nga ganun lang talaga kase may lagnat sya.
Pero bakit utal sya kung magsalita?
Tapos para syang namumula....dala din ba yun ng lagnat nya?Tapos umiiwas sya ng tingin. Galit ba sya sakin?
Tapos nung hinawakan ko yung noo nya para i-check yung temperature, umiiwas sya sa akin.
Problema nun?
Dati nga kahit may sakit yun na mas malala pa sa lagnat, jolly pa din sya, pero ngayon iba na.
Sana gumaling na si bes kase naguguluhan ako, matanong ko nga yun pag pumasok na sya bukas.
Di ko na sya binisita ngayon kase mukha ngang may problema sya.
Di ako makapali sa higaan ko sa kakaisip kung ano bang problema ni Lance kaya tinext ko sya.
To: bes Lance
Bes, ayos ka na ba?From: bes Lance
Oo.Di na 'ko nagreply kase parang ang cold ng reply nya sa akin.
May problema nga sya. At dahil sa bestfriend ko sya at curious at makulit ako, tinawagan ko sya.
Umayos ako ng upo at ki-nontact ko yung number nya.
Calling bes Lance....
Akala ko di nya sasagutin, pero sinagot nya naman.
"Bes!Galit ka ba sa akin?" tanong ko kase parang galit talaga sya sa akin eh.
"A-ah, h-hindi ah, d-di a-ako g-galit sa-sayo, masakit lang ta-talaga u-ulo ko" utal nanaman.
"Ok. So, ayos ka na?, may problema ka ba?" tanong ko. Curious talaga ako eh.
"W-wala noh!" pilit nyang pinasigla yung boses nya pero halata pa din yung lungkot dun eh.
"Gusto mo puntahan kita dyan?" parang may problema talaga eh.
"Si-sige--I mean, wa-wag na..
...he-he, okay na ako. Wag ka mag-alala, ayos na talaga ako. Papasok na nga ako bukas kase s-sigurado ako miss na ng fangirls ko ang Campus Prince nila!" weird."Sus, leche ka, asa ka naman noh!" makipag-biruan na lang sa kanya. Alam ko talaga may problema 'to kaya pipilitin ko sya na aminin nya yun bukas.
"Hahahaha.*ehem* grabe ka naman" yun, medyo okay na salita nya pero kailangan ko parin na tanungin sya bukas.
"Lance, umamin ka nga, do you have any problem?, sabihin mo na grabe, para namang di tayo bestfriends. Diba walang taguan ng sekreto?, Pretty please" pinipilit ko na talaga sya ngayon. Ang kulit kase ng utak at konsensya ko.
"Ah......J-Janina, kase.....Ma-mahal--este, mahal yung sapatos na gusto ko. Ahehe, tama, yun!, hehe, ang mahal kaya d-di ko ma-mabili hehe" palusot nya nanaman. Siguro sa babae 'tong problema ni bes kase sabi nya mahal, alangan naman lalaki gusto nya, edi naloka fangirls nya!
"O......kay?, yun na yung problema mo?" tanong ko kase nga!!!
"Wala akong problema, gusto ko lang talaga yun pero sabi ni mama di daw pwede"
"Sure ka ha?" paninigurado ko.
"Oo nga"
"okay, pasok ka bukas ha?"
![](https://img.wattpad.com/cover/57238661-288-k721780.jpg)
BINABASA MO ANG
Bestfriends[Editing]
Ficção AdolescenteWe're childhood friends Habang tumatagal, naging bestfriends na kami I love him, as a bestfriend Pero di ko inakala yung pinagtapat nya sakin -Janina- We're childhood friends Habang tumatagal, naging bestfriends na kami I love her, not as a bestfrie...