CHAPTER 1

468 27 7
                                    

Kahit habang naglalakad papuntang eskwelahan ay patuloy pa rin sa pagrereview ng mga notes niya si Kirsten. Final exam nila ngayon, graduating na siya nghigh school.Gusto niyang gumraduate na valedictorian tulad nung elementary siya. Kahit napanatili niya na nasa honor roll siya lage (1ST honor )ayaw niya pa ring magkumpiyansa sa sarili,mahirap na.

"Tintin!Bestfriend! "Malakas na sigaw mula sa likuran niya. Malapit na siya sa may gate ng school nila.

Nilingon niya ang tumawag sa kanya,si Sharfeigh- ang best friend niya at kababata.

"Oy,ikaw pala Shang!"Yun ang tawag niya sa bestfriend niya.

'"Grabe ka,kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo,ngayon ka lang lumingon."hinihingal pang sabi nito.

"Pasensya ka na bestfriend,nakatuon kase atensyon ko dito sa nirereview ko. "

"Naku, bestfriend kahit di mo na gawin 'yan,alam ko makakasagot ka pa rin. "

Di na siya nagkomento dun sa sinabi ng bestfriend niya,nagpatuloy sila sa paglalakad patungo sa room nila.

"Best friend,"mahinang siniko siya ni Shang, "si crush mo oh,nilalandi na naman ng mga ka schoolmates nation."nguso nito sa kinaroroonan ni Philip -ang crush niya mula pa noong elementary.

Nasa may ilalim ng punong mangga sa gitna ng school ground nila si Philip,yun ang paboritong tambayan ng binata.Gwapo si Philip,matangkad, maputi at may dimple sa pisngi,pero di kakakitaan ng pagka hambog ang binata sa gitna ng taglay nitong gandang lalake. Humble ang binata,sa unang tingin ay masasabi mong playboy siya dahil maraming mga babae ang laging nakapalibot dito, pero hindi, lapitin lang talaga siya ng mga babae at dahil mabait ang binata ay di nito magawang ipagtabuyan ang mga babaeng nakapaligid dito.

Napa-iling na lang si Tintin sa kanyang nakita, kawawa naman ang binata di makapag review ng maayos.

"Tintin! "Dinig niyang tawag siya ni Philip,huminto siya sa paglakad at niligon Ito.

Patakbong lumapit sa kanya ang binata.

"Hi! "Bati sa kanya ng binata pagkalapit, "Hi Sharfeigh!"bati din nito sa kaibigan niya.

"Hello!"sabay nilang bigkas bilang pagtugon ng pagbati sa binata.

"Ah,Tin... pwede bang makahiram ng notes mo sa Physics? May kokopyahin lang ako kase sana, kase kulang yung notes ko eh."nagkasakit kase ang binata nung isang linggo at may pinakopya ang guro nila sa Physics at absent ang binata.

"Sure! "Nakangiting sagot niya, kinuha niya ang notebook niya sa bag na dala at iniabot kay Philip.

"Salamat ,balik ko din 'to sayo mamaya pagkatapos. "Nakangiti ring sabi ni Philip at litaw ang dimple nito.

"Take your time,bukas pa naman schedule ng exam natin sa Physics. "

"Thank you."

"Welcome,... sige una na kami nitong bestfriend ko. "Nagpatuloy na silang dalawang mag bestfriend na naglakad patungo sa classroom nila.

Umupo na silang dalawa sa kani-kanilang upuan pagkapasok nila sa kanilang classroom. Nasa bandang likuran ni Kirsten ang bestfriend na si Sharfeigh.

Wala pa naman ang teacher nila,dahil medyo maaga pa naman kaya walang sinayang na minuto si Kirtsen sa pagrereview.

Maya-maya ay naramdaman niyang kinakalabit siya ni Shang, nagtatakang nilingon niya ito.

" O'bakit? "

Hindi sumagot si Shang, sa halip ay may inginuso ito sa kanya sa may pintuan.

Tiningnan naman niya agad ito, at nakita niyang sabay na pumasok ng classroom nila sina Philip at si Gwyneth-ang salutatorian nila nung elementary at candidate for salutatorian nila. Kumbaga,ang sabi pa ni Shang ay ito daw ang lage niyang katunggali sa pagiging Valedictorian. Di maipagkakailang matalino din si Gwyneth, kaya ayaw magkumpiyansa ni Kirsten.Di naman sa nakikipag kompetensya siya, yun kase ang ipinangako niya sa nanay at tatay niya na sisikapin niyang siya ang tanghaling Valedictorian ng taon.

Sa munting paraan man lang ay gusto niyang itong ihandog sa mga magulang sa pagtatapos niya ng high school, gusto niya itong ihandog sa mga magulang sa bilang ganti sa paggapang nito sa kanyang pag -aaral kahit payak lamang ang kanilang pamumuhay.

Parehong magsasaka ang kaniyang magulang sa kanilang maliit na ektarya ng lupa na pamana ng lolo niya sa tatay niya.

Isa lamang siyang anak, pero kahit isa lang siyang pinapaaral ay mahirap pa rin lalo na kapag minamalas ang ani nila sa kanilang tanim. Kaya minsan ay suma-sideline ang tatay at nanay niya sa pagbebenta ng isda para kahit minalas sila sa ani ay may mapagkikitaan pa rin.

"Hoy! Wala ka nang imik dyan? "Kinalabit ulit siya ni Shang.

"Ano gusto mong gawin ko? "Pabulong niyang sabi kase dumaan sa harap niya sina Philip para pumunta sa kani-kanilang upuan na nasa bandang likuran lamang ni Shang.

Iniusog ni Shang ang kanyng upuan palapit kay Tintin.

"Di ka ba nagseselos? "

"Shang,di ko siya pag-aari. Wala akong karapatan pagselosan kung sino mang lumalapit sa kanya. "Pabulong pa rin niyang sabi.

Di na nagawang sumagot ni Shang dahil kita nilang kakapasok lang ng kanilang guro.

Tumahimik ang lahat,at sabay sabay nilang binati ang kanilang guro.

"Good morning."ganting bati ng guro nila,"bago pa man tayo magsimula, may gusto lamang akong baguhin sa seating arrangement nyo. Dahil nung nakaraang exam ay may nahuli akong nagkokopyahan ng sagot."marami ang ngbulung bulungan, at halatang di sang-ayon sa sinabi ng guro naming na si Mrs.Trinidad.

Isa na dun si Gwyneth,halata na di ito sang-ayon dahil magkatabi ang arm chair nila ni Philip.

Sinimulan ng i-rearrange ang upuan nila.

"Philip,dito ka sa tabi ni Kirsten. "Nabigla si Kirsten sa kanyang narinig. Parang bigla siyang nabingi dahil sa lakas ng tibok ng puso niya.

Palihim siyang kinalabit ni Shang, na ngayon ay iba na rin ang katabi.

Palihim siya nitong kinindatan at nginitian.

"Hi,"tiningala niya ang taong nagsalita sa harapan niya.

Si Philip!

"H-hello, "medyo nauutal pang tugon niya.

"Tabi tayo ha."aniya pa.

"Sure. "Sagot naman niya.

Umupo na si Philip sa upuan nito na katabi nga ng inuupuan niya.

Inaamin niya sa kanyang sarili na may naramdaman siyang tuwa na katabi niya ngayon ang binata.Simula elementary,mula ng maging crush niya ito ay ngayon lang sila nagkatabi sa upuan.

Dati rati ay kada bukas ng klase, ay palihim niyang pinagdarasal na sana ay ang binata ang makatabi niya sa upuan.

At ngayon nga ay natupad na! Lihim na nagbubunyi ang batang puso niya. Walang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman niya ngayon.

Dati rati ay parati lang niyang palihim na tinitingnan sa malayo ang binata, ngayon ay ang lapit lapit na niya dito. Amoy na amoy niya ang pabango ng binata.

Mas lalo siyang naging inspired sa araw na ito at sa mga susunod pa na mga araw.



ლ(⌒▽⌒ლ)ლ(⌒▽⌒ლ)ლ(⌒▽⌒ლ)

A/N:

Hello!!!!

Ano po masasabi niyo sa chapter na'to? May nagbabasa ba? Itutuloy ko ba? Hihihihihi....

Happy 39th weeksary ALDUB NATION!

Comment lang po kayo...(^.^)

Jhingtoot^^

Dear Crush  (Secret Love Song)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon