Chapter 3

169 15 5
                                    

Unang araw ng burol...

Walang tigil sa pag-iyak si Tintin na akap-akap ang kabaong ng kanyang magulang.Ang kanyang matalik na kaibigan naman ay nakaalalay at pilit siyang inaalo.

Mahirap pa rin sa kanya na tanggapin ang katotohonan na wala na ang kanyang mga magulang.Kahapon lang ay kausap pa niya ang kanyang nanay bago pumasok sa eskwela.Nagawa pa nilang magbiruan ng nanay niya kahapon ng umaga, pero ang tatay niya ay di na. Ni hindi man lang niya ito nayakap sa huling araw nito, ni hindi niya man lang nasabi na mahal na mahal niya ang kanyang tatay.

Biglaan ang lahat, hindi man lang siya nakapaghanda sa ganitong pangyayare. Kung kailan malapit na ang graduation nila,ang araw na pinaka aasam niya,nila ng mga magulang niya. Kung saan ang matatanggap niyang medalya ay ihahandog niya sa kanyang magulang. Pero wala na sila.

"Nay, 'Tay...ang daya po ninyo, basta na lang po ninyo ako iniwan. Sabi ko naman po kase sa inyo na wag na kayong maglako ng isda, kung pupwede namang kumuha ng pwesto sa palengke. Sana...sana di kayo madidisgrasya. (Huhuhuhu).Okay lang naman po sakin kahit di na kayo maghanda sa graduation ko, basta importante po kasama ko kayo. Yun naman po ang mahalaga sa akin eh."napahagulgol na naman siya ng malakas.

"Best, tama na 'yan. "Alo ni Shang sa kanya, at iginiya siya para maupo sa unang hilera ng mga upuan sa unahan.

Nagpaubaya naman siya,patuloy pa rin siya sa malakas na pag-iyak.

Niyakap siya ng kanyang Tiya Nimfa,na umiiyak ding tulad niya.

"Tiya, bakit sila pa?... bakit?"umiyak siya sa balikat nito habang ang bestfriend niya ay panay ang hagod sa likod niya,"di ko kaya, di ako sanay na wala sila sa tabi ko."

"Ssssshhhh...kaya mo 'yan. Nandito lang ako, kami ng pamilya ko. Bukas ang bahay namin para sa'yo Tintin. "

"At nandito din ako best, di kita iiwan.Friends forever tayo. "

Maghapong di kumain si Tintin, kahit anong pilit ng bestfriend niya at ng kanyang tiya ay ayaw niya. Di siya nakakaramdam ng gutom pati pagka uhaw,dahil isa lang ang nararamdaman niya ngayon. Tinakasan siya ng mga iyon at ang natitira na lang ay sakit.Sakit. Masakit. Sobrang sakit.

Dumating ang kanilang guro at ang buong kaklase niya.Lahat ay bumati at nag abot ng pakikiramay sa kanya. Pero nanatiling siyang nakaupo ,nakatingin lang sa kabaong ng kanyang mga magulang habang patuloy sa mahinang at tahimik na  pag-iyak.

"Condolence,Tintin. "Isang boses na nagmumula sa kanyang likuran.

Nilingon niya ito.

Ang makitang magkasama sina Gwyneth at Philip ay parang kinurot ang kanyang puso.

Pero wala pa ring kasing-sakit ito sa nararamdaman niya ngayon, sa pagkawala ng magulang niya.

Isang tipid na ngiti ang naging tugon niya sa pagbating pakikiramay ni Philip.
"Salamat. "

"Nakikiramay ako, Tintin. "Ani naman ni Gwyneth.

"Salamat "iniwas niya agad ang tingin sa dalawa.

Ibinalik ang paningin sa burol ng kanyang mga magulang.

Walang saysay ang buhay ko kung wala kayo, Nay...Tay.

~

Ilang araw din ang itinagal ang lamay para sa kanyang mga magulang. At ilang araw na din si Tintin na tulala at laging umiiyak. Walang ganang kumain. Ni ayaw matulog.Ang gusto ay lagi siyang nasa tabi ng kanyang magulang, nakabantay.

Umaalis lamang ito sa tabi  nila kapag nagbibihis o kaya naman ay magbabanyo.

Nababahala na si Shang sa kanyang kaibigan maging ang tiyahin. Ilang araw pa lang ang lumipas ay malaki na inihulog ng katawan nito. Parang tumanda ng ilang taon gayong high school pa lang si Tintin.

Mugto ang mga mata at nangingitim dulot ng kawalan ng tulog. Namumutla at tuyo ang labi na para na tuloy  siyang maysakit.

~

Araw ng libing...

Nilalabas pa lang sa kanilang maliit na bakuran ang mga kabaong ng kanyang mga magulang ay di na maawat awat ang malakas na pag-iyak ni Tintin.

Di na humiwalay sa kanyang tabi ang kaibigang si Shang at ang tiyahin niya. Natatakot silang baka bumigay ang katawan nito.

Awang-awa ang lahat ng nandoon kay Tintin. Alam ng lahat kung gaano nito kamahal ang mga magulang. Maging ang iba ay di na rin napigilan ang di maiyak sa nakikita.

Ng makarating sila sa sementeryo at dahan dahan ng tinatabunan ng lupa ang labi ng kanyang mga magulang ay kapansın pansin ang pananahimik ni Angeline. Nakatingin lamang ito sa labi ng mga magulang , tahimik itong umiiyak.

Ang buong akala ng lahat ay medyo okay na si Tintin.Ang pananahimik nito ay símbolo na unti - unti ay tanggap na nito ang lahat.  Pero nabigla silang lahat ng bigla na lang itong natumba sa kanyang kinatatayuan.

"Tintin! "sigaw ng tiyahin.

"Best!"malakas na sigaw din ng kaibigan.

Mabilis ang pangyayari kaya walang ni isa sa kanila ang nakasalo sa dalaga.

Marahil ay di na nito kinaya ang lahat.Dagdag pa na wala itong kain at tulog. Kaya sumuko ang katawan nito.



=================================

A very short update..piniga ko na talaga utak ko para lang ma update ko ang storyang 'to. Matagal na rin akong di nadalaw dito.

AlDub you guys....

Jhingtoot ^ ^

Dear Crush  (Secret Love Song)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon