Chapter 2

252 16 10
                                    


Sa Canteen ...

Kasalukuyang kumakain ng snack ang mag best friend, pumuwesto sila sa pinakadulo at sa sulok ng canteen. Maingay kase yung ibang students habang kumakain.

At si Kirsten ay di makapag concentrate sa pag rereview ng notes niya para sa susunod na subject na i-exam nila.

"Uy,best kumusta? "Siko ni Sharfeigh sa kanya matapos nilang umupo.

"Okay lang ako, nasagot ko naman yung mga questions kanina. Ikaw ba? "Sagot niya habang nginunguya ang kakasubo pa lang na spaghetti. Yun ang binili niyang snack.

"Hindi yun ang kinukumusta ko. Yung crush mo,na katabi mo na ngayon sa upuan. Aminin mo kinikilig ka. Uyyyyy..."

"Shang!... "nagpalinga linga siya baka may nakarinig sa sinabi ng best friend niya, tanging siya at si Shang lang ang nakakaalam na matagal na niyang crush si Philip,"hinaan mo nga boses mo, baka may makarinig sayo. "Pabulong na sabi niya at pinanlakihan pa ng mata ang kausap.

"Oo na, hihinaan na, pero ano nga, kinikilig ka ano? "Sabi ni Shang sa mahinang boses.

"Konti. "Tipid na sagot niya,pero may ngiti sa mga labi.

"Konti daw, weh?ayan oh,may pangiti ngiti ka pa dyan, oh!"

"Ang ingay mo. Oo na kinikilig na. Satisfied? "Sabay irap sa kaibigan.

"Hi! "

"Ay tao! "Sigaw niya dahil sa gulat, dahil bigla na lang nagsalita sa likuran niya ang taong pinag-uusapan nila ni Shang.

Narinig kaya niya? Kanina pa ba siya dyan?

"Sorry ,nagulat pa ata kita. "Hinging paumanhin ni Philip.

Nilingon niya ang binat at kita niyang nakatayo ito sa may likuran niya at nakangiti sa kanya na nagpalitaw sa malalim nitong dimple.

"O-okay lang.Kanina ka pa dyan?"

"No, kararating ko lang. Bakit? "

"Wala naman."napatingin siya kay Shang na ngayon ay ngingiti ngiti. Palihim niya itong pinandilatan ng mata.

"Syanga pala,"sabay abot sa kanya ng binata ng notebook niya na hiniram lang kanina, "thank you dito."inabot niya yung notebook niya at di sinasadyang nasagi niya ang dulo ng mga daliri ng binata na nakahawak sa notebook.

Para siyang nakuryente at napaigtad pa siya ng bahagya.

"Welcome, "ngumiti siya sa binata.

" Sige,Tintin, salamat ulit ha,"umalis na ang binata, at inihatid na lamang niya ng tingin ang binata hanggang sa makaupo ito sa isang mesa sa di kalayuan.

"♪Pasulyap-sulyap ka kunwari, patingin tingin sa kanya,di maintindihan ang ibig mong sabihin.Kung mayroong pag-ibig ay ipagtapat mo na sa kanya, agad naman ka niyang sasagutin. ♪"nanunuksong kanta ni Shang sa kanya.

"Uy! Uy! Tikom mo nga yang bibig mo."

"Hay naku bestfriend hanggang kelan mo siya titingnan sa malayo? Hanggang kailan mo siya mamahalin ng malayo? "

"A-anong mahal ang pinagsasabi mo diyan. Crush ko lang yung tao no!"mariing sabi niya.

"Crush nga lang ba? Eh,tagal mo ng crush yung tao, nung elementary pa tayo hanggang ngayon crush pa rin?Iba na tawag diyan girl, uy! Mahal mo na siya!Ganoin! "

"Okay, sabihin na nating ganun nga,and so? "

"Anong and so?!...Best, gising tingnan mo oh, "tinuro ni Shang sa kanya, ang dako kung saan nakaupo si Philip with Gwyneth.

Dear Crush  (Secret Love Song)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon