Buong buhay ko, ang turing ko sa sarili ko ay isang average na tao lamang. Walang kakaiba, walang kakahangaan. Kumbaga sa isang contest, ako yung contestant na walang wow factor. Ako yung "katulad din nila."Tanggap at masaya naman ako kahit ganun. Para sakin kasi, hindi ko kailangan maging kakaiba. Ayoko ng napapansin. Ayoko ng atensyon.
Pero ang hindi ko alam na darating ang araw na ako lang ang magiging importante. Hindi ko alam na mararanasan ko pa lang kakaiba ako sa iba. Buong buhay ko magbabago.
Malalaman ko na hindi pala kailangan ng atensyon ng maraming tao para masabi mong mahalaga ka. Na hindi mo kailangan na maraming mata na nakatingin sayo para lang masabing espesyal ka.
Sapat na ang isang pares ng mata para malaman mong nag iisa ka sa marami. Sapat na ang isang tao para lang mapadama sayo ng espesyal ka.
At naranasan ko yun sa kanya. Kahit ang paraan niya ng pagpapakita nito ay kakaiba.
BINABASA MO ANG
Parum Mirum
Acak(Rated PG. Mystery/Thriller. Romance) Sapat na ang isang pares ng mata para malaman mong nag iisa ka sa marami. Sapat na ang isang tao para lang mapadama sayo ng espesyal ka. At naranasan ko yun sa kanya. Kahit ang paraan niya ng pagpapakita nito ay...