Chapter 1

15 2 0
                                    

Chapter one

Sinasabi ko na nga bang mali yung desisyon ko kagabi eh. Hindi dapat ako sumama sa happy happy ng mg kaibigan ko kagabi. Ayan tuloy, nagkakadapa-dapa na ako kamamadali kumilos para sa klase ko mamaya at dahil hindi pa sapat yun, my head hurts like a bitch.

Fuck. mura ko ng matapilok ako sa tsinelas ko na nakaharang sa pinto. Hinablot ko ang jacket na nakasampay sa likod ng pinto at binuksan ito.

"Erika! Gumising ka na! Aalis na ako!" sigaw ko sa isa sa mga bestfriend slash housemate ko. Lucky bitch. Pang hapon siya kaya pwede pa siyang matulog hanggang mamaya.

Hindi ko inantay na sumagot siya at lumabas na. Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa sakayan ng jeep papuntang school. Hindi ko na talaga uulitin ang uminom kapag school days. Hindi nakakahealthy sa ganda ko eh.

Nang makababa ako sa jeep ay agad kong sinilip ang relo ko habang lakad takbo ulit ako papasok ng University. 7:55. Good. May five minutes pa ako paaakyat sa room.

Buti na lang at isang jeep lang ang kailangan kong sakyan para makarating sa school. Isa iyon sa dahilan kung bakit pinili naming rentahan yung bahay. Malapit at napakaconvenient pagdating sa mga oras na ganito.

Tatlo kaming naghahati-hati sa renta ng bahay. Ako, Erika at si Rose. Nakita namin iyong bahay na iyon nung first year college pa lang kami. Naaalala ko noon na vacant namin ng two hours kaya nagpasya kaming maglibot-libot muna sa labas ng campus hanggang sa nakarating kami ng malayo. When we realized that we are that far from the University, we just shrugged then continued walking.

Pwede naman kaming magtatanong kapag babalik so anong sense ng pagpapanic hindi ba? Kaya ayun, lakad lakad hanggang sa mapadpad kami sa kinatatayuan ng bahay namin ngayon. May karatula siyang For Rent sa pinto tapos nagkatinginan na. Tutal naman pareho-pareho kaming malalayo ang bahay, nagkakayayaan na. Tapos ayun na, after two weeks magkakasama na kami sa iisang bahay. Ang bahay na iyon ang nagsilbing pundasyon ng pagkakaibigan namin. Doon naganap lahat ng tampuhan, away, at tawanan.

"Oy. Tulaley ka." Napatalon at napahawak ako sa dibdib ko sa gulat ng may magsalita sa may kanan ko.

"Ano ba naman Rose! Katok katok ka muna bago ka magsalita. Ikaw ang papatay saking letse ka eh." inis na sabi ko sa aking pangalawang bestfriend. Sa lalim ata ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa classroom namin at nakaupo na sa upuan.

Napatingin ako sa unahan. Hindi ko napigilang maglabas ng buntong hininga ng mapansin kong wala pa ang professor namin. Buti naman nakaabot ako.

Itinaas ni Rose ang kaliwa niyang kamay at sabay tapik ng tatlo sa noo ko. "Ayan. Kumatok na ko. Happy?" sarkastikong sabi niya sa akin. Aba! Kung hindi lang ako hinihingal kakalakad takbo ay papatulan ko ito eh. Speaking of late. Napatingin ako sa katabi ko at binatukan siya.

"Aray! Para saan naman yun?!" bulyaw niya sa akin.

"Ina ka. Bakit hindi mo ko ginising kanina bruha ka?! Muntik na akong malate! Halos madapa dapa na ako kakamadali!"

"Chill!" sabay taas ng dalawang kamay nito sa harapan ako. "Ginising kaya kita pero sinipa mo lang ako. Sa susunod kasi wag kang magpapakalasing." sermon nito sa akin.

"Baka nakakalimutan mong ikaw yung nagyaya kagabi. Pabrokenbroken hearted ka pa kasing nalalaman." usal ko.

Oo, siya nagyaya sa aming dalawa ni Erika uminom kasi daw broken hearted siya. Yung crush daw niya kasi may girlfriend na kaya damayan daw namin siya. ("Parang dinudurog ang puso ko, girls." Her exact words last night.) Abno lang hindi ba?

Magsasalita pa sana siya pero natigil ito dahil pumasok na ang professor namin. Sa halip ay tinignan na lang niya ako ng masama at umayos na ng upo. Natawa na lang ako. Baliw talaga ang kaibigan ko.

We are studying criminological psychology. Pinag-aaralan naman dito iyung mga paraan, mga iniisip, at behaviour ng isang kriminal.

"Okay class. Good morning." bati sa samin ng professor. "Ngayong araw ay isang sikat na kriminal ang topic ng klase natin ngayon. Naging napakabig deal niya dahil isang daan halos na katao ang napatay niya at dahil na rin sa paraan ng pagpatay niya sa mga ito. Nakilala rin siya sa dahilang lahat ng pinapatay niya ay may nakaukit na salita sa katawan. Hanggang ngayon ay hindi pa na aaidentify ang mga katagang iyon. Hindi alam ng mga propesyunal kung bakit walang makabasa basa ng nakasulat sa katawan ng mga bangkay." paliwanag ng aming professor.

Isang daan? Hindi ko makapaniwalang tanong sa isip ko. Wala na atang kunsensya ang taong iyon. At ano naman kaya ang nakasulat na iyon?

Lumapit sa projector at laptop na nakaready na sa lamesa ang professor namin. Pagkaclick niya sa laptop ay isang imahe ng lalaki ang lumabas sa projector.

I don't know why but looking at the picture gave me a bad feeling. The kind of feeling you feel when you know that you are in danger and you don't have any chance to survive.

The man in the picture is definition of perfect. Hindi ako bulag para hindi makita iyon. Red lips, pointed nose, cheek bones and his beautiful eyes. Beautiful but cold eyes. There is no emotion in his eyes and that alone scared me. Parang wala siyang nakikita pero bilang mag aaral ng kurso ko, alam kong alam na alam niya ang nangyayari sa palagid niya. Alam ko rin na kung pupwede lang, kayang kaya niya pumatay gamit lang ang nga mata niya.

Wala pang isang minuto kong pagtitig sa mga mata niya ay nagsimula nang magsitayo ang mga balahibo ko sa katawan at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Doon na ako umiwas ng tingin.

"..... Dimitri Lopez." ang tanging narinig ko sa sinasabe ng aming professor. Muli akong nakaramdam ng kakaiba pagkarinig ko sa pangalan niya.

Dimitri Lopez. Last week lang ay napanuod ko ang balitang nahuli na siya. Ang sabi ng mga pulis ay naabutan daw nila itong nakatayo lamang sa tabi ng bangkay na pinatay niya. Ni hindi man lang daw ito naglaban.

Ngunit sa halip na ikulong ito ay inilagay nila ito sa Pasay Secure Mental Hospital. Isang high security psychiatric hospital sa Pasay. Dito nilalagay ang lahat ng kriminal pa sa kriminal na katulad ni Dimitri. Iyong mga taong hindi na makatao ang mga pinagagawa.

Sa pagkakarinig ko ay wala daw sa katinuan si Dimitri nang hinuhusgahan sa korte. Hindi daw ito nagsasalita at parang hindi daw nito alam ang mga nangyayari kaya pinasyahan ng korte na ilagay ito sa mental imbes na ikulong.

"Ipapanuod ko ang isang confidential video sa inyo na nakuha sa araw ng paghuli kay Lopez." muling sambit ng aming professor. Muling pumindot ang aming professor at lumabas ang isang video.

Sa una ay hindi mo maaaninag masyado dahil magulo. Mukhang ang nagvideo nito ay isa sa mga tsismosang tao. Pagkalipas ng ilang segundo ay makikita na ang mga pulis na nakapalagid sa isang imaheng nakatayo sa hindi kalayuan at ang bangkay na nasa tabi nito. Mukhang hindi pa na kuntento ang kumukuha ng video dahil medyo lumapit pa ito ang zinoom ang camera.

Gasps in all direction surrounded our room. "Oh my god." bulong ni Rose sa tabi ko. Kahit ako ay hindi napigilang mapalunok dahil nang zinoom ang camera, kitang kita ang lagay ng bangkay.

Tapyas ang leeg nito at konti na lang ay maghihiwalay na ang ulo at leeg nito. Wala rin itong mga daliri sa kamay at paa. Wala na rin itong mga mata. Ang dugo nito ay kalat na kalat sa paligid niya.

Parang may sariling buhay ang mga mata ko nang kisa itong lumipat sa taong may gawa ng karumal dumal na krimen na ito.

Namutla at napuno ng takot ang katawan ko nang makitang diretso ang tingin ni Dimitri sa camera. Tanging ang mga kamay lamang niya ang may bahid ng dugo. Halatang fresh na fresh pa ang mga dugo dahil tumutulo pa ito sa sahig.

At ang mga mata niya, Walang emosyon ang mga ito pero nakapagbigay pa rin ng takot sa buo kong katawan. Parang nababasa niya ang kaluluwa ko sa tingin niyang iyon. Sa dating ng mga mata niya ay parang alam niyang mapapanuod namin itong video.

Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman kong atensyon ko ang gusto niyang makuha. At dahil parang alam niya na napukaw na niya ito ay unti-unting lumingon siya sa bangkay at ibinaba ang tingin sa dibdib nitong may nakasulat na naging dahilan para manginig ang mga kamay ko sa takot,

"Parum Mirum."


Parum MirumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon