Chapter 4

85 10 3
                                    

Eunice PoV

Tatawagan ko sana ang mga bruha para magka sabay na lang kaming pumasok. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko agad iyon habang nag bblow dry ako ng buhok ko. Kaya lang naunahan ako ni Erika eh.

"Oh?" Bati ko agad sa kanya.

"Sabay na tayong pumasok sa school, tawagan mo na si Elyssa."
Sagot nya naman sa kabilang linya.

"Ikaw na lang kaya ang tumawag. Nag bblow dry pa ako ng buhok ko."

"Aish, ikaw na lang. Sige na mag hahanda pako. Ma late pa ako nito eh." Umikot naman ang mga mata ko. Minsan talaga di ko maintindihan ka ungasan nitong si Erika.

"Chusera ka. Tayong tatlo ang ma le-late uy! Sige na naghahanda rin ako dito. Istorbo ka." Pagkatapos nun ay pinutol ko na ang tawag.

Itong babaeng ito talaga. Nag patuloy na lang ako sa ginagawa ko. Tatawagan ko pa si Elyssa.

"O, Elyssa. Handa ka na ba? Sabay daw tayo sabi ni Erika, ako kakain pa lang." Bungad ko sakanya.

"Kakatapos ko lang maligo eh." Bumuntong hininga ako. Ang lanya talaga kumilos ng babaitang ito. Masyadong... maria clara!

"Bilisan mo na dyan. Tss."  Binaba ko na agad ang phone ko para makakain nako.

Bumaba na agad ako. As usual wala na naman si Mama. Palagi naman yung wala eh. Sanay na ako na ako na lang mag isa sa malaking bahay na ito, minsan nga gusto kong puntahan si Mama pero hindi ko naman alam kung nasaan siya.

Palagi niyang kasama yung mga bodyguards niya.

Pagkatapos kong kumain lumabas na agad ako ng bahay, wala kasi si Manang Sef ngayon umuwi kasi na ospital daw ang anak niya. Hindi ko nga alam na may anak pala siya. Hindi naman niya kasi binabanggit sakin yung anak niya.

Pagkalabas ko ng bahay nakita ko kaagad si Erika na papunta dito sa bahay. Gulatin ko kaya? Ay wag na, baka magalit na naman sa akin ito.

"Hold up ito. Huwag kang kikilos." Pinalalim ko ang boses ko at tinutok ko sa kanya ang dakawa kong daliri na parang baril sa ulo.

"Hala, kuya wag po. Wala po akong dalang pera susko!" Kitang kita sa mukha nya ang takot. Ang hirap mag pigil ng tawa. May nakakalabas sa bibig ko na mga tawa.

"Akin na iyang bag mo." Nanginginig niyang binigay sa akin ang bag niya. Pagakuha ko ng bag niya ay di ko na napigilan ang tawa ko. Tumawa na ako ng malakas. Nakita ko naman sa mukha niya ang inis. Nangungulubot na ang mukha niya dahil sa inis kaya natawa pa ako.

"Kahapon ka pang punyeta ka ah! Sabi ng ayokong ginugulat ako. Tss." Hala sya nagalit na.

"Arte mo naman!" Umikot ang mga mata ko at ibinalik ko sakanya ang bag niya.

"Pfft. Halika na nga! Puntahan na lang natin si Elyssa." Kinaladkad nya na ako.

"Tsk, oo na. Oo na." Inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa akin para naman masundo na namin si Elyssa, mainipin pa naman yun.

Nag lakad kami patungo sa mansion ni Elyssa. Tama, mayaman ito. Sobrang humble nga lang. Kaya ko siya na gustuhan, hindi lang dahil sa mayaman siya kundi dahil hindi niya ipinagsisigawan na mayaman siya. Humble na kuripot pa. Ayaw nga mag palibre eh. Ang kuripot kala mo naman mauubusan sila ng pera. Pfft.

Ako hindi naman ako ganun ka yaman. Si Mama may business na hindi ko alam, si Erika ewan ko. Hindi pa ako naka punta sa bahay niya. Ayaw mag pa punta eh.

Habang papasok kami sa bahay ni Elyssa, wala akong nakitang mga tao. Ang creepy ng feels na loob ng mansion niya.

"Elyssa?" Habang tinatawag namin si Elyssa, parang may dumaan sa likod namin kaya napa lingon kami agad. Nakatalikod na kami ngayon, wala naman akong nakita. At pakiramdam ko meron na namang dumaan. Nagsisitayuan na ang mga balahibo ko. Takot pa naman ako sa multo.

"Kang, na feel mo ba yun?" Nanginginig kong tanong sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya. Nanlalamig na ang mga kamay ko.

"Anong na feel?"

"Yung parang may dumaan sa likod nat--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may biglang lumapat na kamay sa balikat ko. Malamig at maputla.

Dahan dahan akong lumingon.

At....

"Holy mother--" tiningnan ko si Erika. Namumutla siya at parang mahihimatay na any minute now. Aba tahimik ata siyang natakot?

"Good morning." Bati ni... teka si Elyssa to ah.

"Bakit ka nanggugulat? Tingnan mo si Erika! Na mumutla!" Namutla talaga sya. Grabe naman itong si Elyssa maka gulat.

Tawa nya lang ang abot namin. "Sorry naman. Pero masyadong epic yung mga mukha niyo eh."

Sinamaan ko sya ng tingin. "Suntukin kaya kita?"

"Aish, tara na nga baka ma late pa tayo." Sabay sabay na kaming pumunta sa school.

Habang nag lalakad kami may nakita akong kumpulan. Mga studyante at mga teachers din. Ano kayang pinag kakaguluhan nila?

"Uy, ly, ano kaya yang pinagkakaguluhan nila?" Takang tanong ko.

"Aba ewan ko." Ang pilosopa talaga ng babaitang ito.

Teka nga. I think kilala ko kung sino itong pinagkakaguluhan nila.

----
A/n: some parts of this chapter ay binago ko. Enjoy this chapter.

Life Of A Mafia Boss [EDITING] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon