I WANT THE TRUTH
"No matter how terrifying.. i want the truth.."
by: Cyan Aguillar
November 12, 2002
"Yung nakakakilabot na boses na narinig mo,anong klaseng boses siya?" tanong ni Cyan sa mag-ina habang nakaupo sila sa dining table.
"Parang boses sya ng sanggol.." sagot ni Yna, isang simpleng may bahay. Mga nasa edad 30.
"Kelan to nagsimula?" tanong ulit ni Cyan habang tahimik nyang pinagmamasdan ang bahay. Simple lamang ang loob ng bahay. Sa kaliwang bahagi ni Cyan naka pwesto ang lababo, katabi nito ang lutuan. Nakahanay rin ang lagayan ng mga plato at baso. Sa kabilang bahagi naman makikita ang medium size na refrigerator. Kung susumain, normal lang ang lebel ng kanilang pamumuhay.
"Mga two months ago na siguro" sagot naman ni Yna.
"Pwede ko bang puntahan ung lugar kung saan niyo mismo narinig yung boses?" tanong ni Cyan kay Yna.
Tumayo si Yna at tinungo nya ang kwarto ng kanyang 8 taong gulang anak na si Ysabel. Kasunod naman nito si Cyan at ang kanyang cameraman.
Hindi kalakihan ang kwarto ni Ysabel. Pagpasok mo ng pinto, makikita mo agad ang bookshelf na nakasandig sa di kalakihang bintana. Kulay puti ang pintura nito at sa kaliwang dingding naman ay may nakadikit na sticker doon ng isang bear na nasa hardin. Sa kanang bahagi ay ang single size bed na nababalutan ng Hello Kitty na bed sheet, pillow case at blanket. Sa paanan nito ay ang built-in-cabinet na lagayan ng mga damit ng bata.
"Doon nanggagaling yung boses ng sanggol na naririnig namin". naka pwesto si Yna sa may bintana sabay bukas nito ng kulay pink na kurtina. Nilapitan ni Cyan ang bintana at tumingin sa katabing bahay.
"Sinong nakatira dyan?" sabay tanong niya habang pinagmamasdan ang kabilang bintana ng bahay.
"Isang matandang babae, mga edad 40 na siya, kasama nya yung batang lalaki. Mga nasa 6-9 na taong gulang yung bata." sagot naman ni Yna habang buhat buhat nya si Ysabel. "Dalawa lang ata sila jan" pahabol pa niyang sagot kay Cyan.
"Magsi six months na ata sila mula nung lumipat sila dyan. Yun yung first time na nakita ko yung bata, after non hindi ko sya napagkikita. Pag lumalabas yung babae, sya lang mag-isa, di nya kasama yung bata,hindi nya nga rin ako pinapansin eh", salaysay ni Yna na makikitaan ng pagtataka ang kanyang mukha.
"Medyo natatakot ako, ayaw kong madamay si Ysabella.." dagdag pa niya na mababakas ang pag-aalala.
Nagpasalamat si Cyan sa mag-ina at napagdesisyunan nya na lumabas at puntahan ang nasabing bahay.
"Tara Mark", aya nya sa kanyang cameraman.
Nagmamadali syang lumabas at tinungo nya ang bahay na tinutukoy ng mag-ina. Di naman masyadong kalayuan ang bahay. Nang makarating sya sa gate, napansin niya na burado na ang numero ng bahay. Kung titignan, parang walang taong nakatira roon. Para itong abandonado.
"Tao po!! Tao po!!" hiyaw ni Cyan habang pinagmamasdan ang loob nito. Mababa lang ang gate ng bahay. Hanggang kili-kili lamang nya ito. Nang walang sumasagot sa tawag nya, napagpasyahan nya na pumasok sa loob nito.
"Tara, pasukin na natin" sabi nya kay Mark na patuloy naman sa pagrecord ng video. Pag pasok nila roon, nagulantang sila sa itsura ng bakuran.
"Ang dumi naman dito!" reklamo ni Cyan. Sa loob ng gate, makikita ang mga basag na plato, halo-halong basura at kung ano-ano pang uri ng kalat. Para silang nasa smokey mountain.
"Hello, may tao ba sa loob?" sigaw ni Cyan habang kinakatok ang pinto. Bubuksan na sana niya ang pinto ng bigla itong bumukas. Tumambad sa kanila ang isang babaeng maputla, mahaba ang itim na itim na buhok. Mga nasa edad 40 anyos na ang babae. Medyo nangingitim ang pang ibabang bahagi ng mata nito. Matalim kung tumingin ang babae. Nakakatakot ang mga bilugan at itim nitong mga mata.
"Nasa kabilang bahay ho ako malapit dito, at nagkataon po na may niri-research kami-" hindi na natapos ni Cyan ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita ang babae.
"Anong pakialam ko sa pinagsasasabi mo!" pasigaw nitong sabi. Tanging mukha lamang nya ang nakalitaw sa pintuan. Hindi niya masyadong binuksan ang pinto ng kanyang bahay. Nakatitig lamang ito sa mga mata ni Cyan.
"Ang lakas naman ng loob mo na sabihin sakin ang mga ganyang bagay!" patuloy pa rin nitong sabi na hindi nawawala ang galit sa kanyang mukha.
"Pe-pwede ko ho ba kayo makausap kahit saglit?" tanong ni Cyan sa matanda. Hindi niyamapigilang hindi manginig ang kanyang boses. Halatang medyo natatakot rin siya sa itsura nito.
"Ang kapal ng.. " pasigaw na sambit ng babae, hindi na nito tinapos ang kanyang sasabihin. Halatang galit na galit ito dahil nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Ako nga ho pala si Cyan ng-" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang binalibag ng matanda ang pinto.
Nagkatinginan na lang si Cyan at ang kanyang cameraman na si Mark. Umiiling habang naglalakad papalayo ang dalawa. Paalis na sana sila ng biglang napadaan sila may bintanang bahagi na nasa gilid ng bahay ng matandang babae. Medyo nakabukas ng konti ang salamin nito.
Napahinto si Cyan ng may mapansin siya sa bintana.
Nagulat siya sa kanyang nakita..
**************
comment niyo naman po kung anong reaction niyo..
thanks po :)