11-20

23 0 0
                                    

"Ilang araw pagkatapos niyong bumisita dito, lumipat na sila ng bahay.." pahayag ni Yna kay Cyan sabay lingon niya sa anak na nasa sala. Muling binalikan ni Cyan ang tahanan nila Yna upang tanungin ulit kung may naririnig pa silang kakaibang ingay.

"Ano? lumipat na sila na bahay?!" gulat at nanghihinayang na tanong ni Cyan.  "Tungkol sa kakaibang ingay, may naririnig pa rin ba kayong boses o tunog na nanggagaling sa bata?" dagdag ni Cyan.

"Wala na, simula nung umalis sila.." sagot ni Yna kay Cyan..

"Maraming salamat po ulit." pahayag ni Cyan. 

Muli binalikan ni Cyan at Mark  ang bahay kung saan nila nakita at narinig ang pinanggagalingan ng kakaibang ingay na narecord nila. Pinasok nila ito upang i-check kung wala na nga ang babaeng nakausap nila doon. Habang nasa loob ng bakuran, nakita ni Cyan na may mga papel at sulat na nakakalat lang sa sahig. Dinampot ito ni Cyan at binasa ang mga nakasulat roon.

"Ah, Jina Reyes pala ang pangalan niya.." habang hawak-hawak ang isa sa mga sulat. Muling naglakad si Cyan sa kabilang parte ng bakuran ng bahay. Makikita doon ang mga lantang halaman na mukhang ilang araw ng hindi nadidiligan. Nagkalat rin ang mga basura gaya ng papel, bote, tuyong dahon at marami pang klase ng dumi. Tumungo sa may bandang likuran si Cyan dahil nagbabakasali siya na may makita pa silang bagay na makakapag turo ng pagkakakilanlan ni Jina.

"Mark!! halika dito, bilis!!" sigaw ni Cyan habang nakatingin at may itinuturi sa lupa. Agad namang tumakbo papalapit si Mark sa lugar ni Cyan. Nakita nila ang mga maraming ibon na wala ng buhay sa lupa. 

Makalipas ang limang araw..

"Cyan, may sasabihin ako sayo," pahayag ni Mark habang hawak-hawak at nakatingin sa dyaryo.

"Ano yon?" habang may binabasa sa computer.

"Patay na si Ms. Yna at ang kanyang anak.." malungkot na saad nito.

"Ano?!! Panong nangyari yon?" gulat na gulat na saad ni Cyan.

"Nawalan ng control si Ms. Yna habang nagmamaneho. Sumalpok sa poste ng traffic light yung sasakyan na minamaneho niya, kasama ang kanyang anak.." 




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG SUMPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon