CHAPTER TWO

93 2 0
                                    

Biglang kinilabutan si Cyan sa kanyang nakita. Isang mata ang nakasilip sa salaming bahagya lamang na nakabukas. Tinawag nya si Mark na abalang tinitignan ang video camera na dala-dala nito.

"Mark, videohan mo yung bintana, dali!" pagmamadaling sabi niya kay Mark.

Bigla namang tinutukan ni Mark ang bintanang itinuro ni Cyan. I-zinoom niya ng maigi ang videocam dito. Pagka zoom niya dito, bigla na lang sinara ng taong nakasilip dito ang bintana.

LABORATORY

"Pwede na ho ba tayong magsimula? Can you tell us what the Sonic Analysis revealed?" tanong ni Cyan kay Mr. Santos,isang batikang analysis na kung saan nag-aaral ng mga kakaibang tunog na nasasagap ng isang device. Pagkatapos kasi nilang pumunta sa nasabing bahay ay pinanood nila ang video na nirecord ni Mark habang ginagawa nila ang interview. Nagkataong habang pinapanood nila ito ay may narinig silang kakaibang ingay sa video kaya napagpasyahan nilang ipasa ito kay Mr. Santos para malaman nila kung ano nga ba ito.

"Habang nagsasagawa ho kasi kami ng research, may na record kasi na tunog dito. Gusto ho sana naming malaman kung ano at saan nanggaling yung tunog na yon?" dagdag pa ni Cyan.

"Sige" sagot ni Mr. Santos sabay harap sa kanyang computer. "Meron tayong tinatawag na Spectographic Analysis of the Sound", habang binuksan nito ang sinasabing application. Pinakita niya ito kay Cyan at kay Mark.

"Kung mapapansin niyo, it has a band of noise all the way through it", patuloy pa nito habang ang isang daliri ay nakaturo sa monitor ng computer. "Pero ito ay may unique signal. Ipi-play ko yung sound na narecord niyo para maikumpara natin sila." dagdag pa ni Mr. Santos.

Tinignan ni Cyan ang monitor ng computer kung saan makikita ang isang application na nag-a analize ng mga tunog. 

Plinay ni Mr. Santos ang tunog na kung saan hindi pa ito na-process, ibig sabihin, ang orihinal na tunog na nakuha sa video. Pinakinggan naman itong mabuti ni Cyan. Wala siyang naintindihan.

"Ito namang isa ay nabawasan na yung ingay doon sa original na tunog na narecord niyo," sabi ni Mr. Santos, sabay play ng sounds. Walang reaksiyon na nakikinig lang si Cyan at ang kanyang cameraman na si Mark.

"Kung pakikinggan niyo, ang tunog ay parang nanggagaling sa isang hayop." sabi niya habang nakatingin sa dalawa. "Pero, kung ie-enhance natin ang tunog.." paliwanag niya sabay play ulit sa dito. "Parang nanggagaling ito sa isang pusa".

Medyo nadismaya ang mukha ni Cyan sa paliwanag nito. "Akala ko pa naman may kakaiba na sa tunog na yon", naisip niya. Parang mawawalan na siya ng gana ng bigla ulit nagsalita si Mr. Santos.

"But, the sounds isn't like that", sabay harap ulit sa monitor. "What interesting about this sound is, hindi ito umuulit na parang ginagawa ng isang pusa, at kung pakikinggang mabuti, sa huling bahagi nito ay para itong huminga". sabay tingin kay Cyan na parang nababahala.

Tinignan niya muna si Cyan at patuloy na nagsalita. "Yung tunog na narinig natin ay isa sa mga characteristics ng isang human baby voice".

Medyo nanlaki ang mga mata ni Cyan at kinilabutan siya sa explanation nito. Hindi niya alam kung matatakot o matutuwa siya sa narinig dahil kung totoo nga ang sinasabi nito na ang tunog ay galing sa isang bata, pag natapos niya ang documentary nato, malamang papatok ito. Akala niya tapos na ang pag-aaral ni Mr. Santos dito ng bigla ulit itong humarap sa monitor.

"Ang nakakapagtaka pa sa sounds na ito, hindi lamang sa iisang bata nanggagaling ang

tunog, kung susumain, nanggaling ito sa mahigit 5 bata".. huling sabi ni Mr. Santos.

ANG SUMPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon