Dear Future Boyfriend,
Kanina nagkaroon kami ng surprise quiz sa Math Plus. Yung score ko, ano pa nga ba? eight of twenty lang ang nakuha ko. Himala pa nga na may naitama ako eh. Kung bakit ba naman kasi surprise quiz pa. Bakit kaya nila minumultiply ang X sa Y? Hindi pa ba sila nakuntento sa numbers? Ang hilig nila magpahirap ng estudyante. Hindi ko naman gagamitin ang multiplication ng letters sa course ko. Haaayy . Sana nandito ka para turuan ako. Kasi si Sharleen tinuturuan siya ng boyfriend niya. Ayun tuloy nakakakuha siya ng twelve. Ang saya-saya niya. Magce-celebrate pa sila ng boyfriend niya mamaya. Haaayy. Naiingit akoLove,
Kathleen