Chapter 4

59 2 0
                                    

Hazel's POV

Kiskis. Mga kiskis ng chalk ang naririnig ko habang nagdidiscuss si Sir Simon. English teacher siya. Matipuno, malalim boses, mukhang fresh graduate, at strict. One time nga eh, nagsusulat ako ng notes sa notebook ko tas bigla siyang nagtanong.

"Class, who is the one who wrote the poem 'The Pledge'?" sabi niya nung nakatalikod siya samin.

"Anyone?" humarap na siya ngayon at kinuha ang class record namin.

"Miss Garcia?"

"Uh, yes, sir?"

"Who wrote 'The Pledge'?"

Gumilid ako ng kaunti para tumingin sa mga kaklase ko at may isang bumulong ng 'Gloria Socrates-San Agustin.' Binigyan ko siya ng thumbs-up at humarap kay Sir Simon na nakataas ang isang kilay.

"Gloria Socrates-San Agustin, sir." sabi ko with matching confident smile.

"Okay, good. We're going to discuss more about this poem that she wrote and next week we'll be discussing a short story called 'Dead Stars' by Paz Marquez Benitez. Please get your notebooks and write down 'The Pledge'." Humarap na siya sa board at nagsimula na magsulat.

Ngayon, ididiscuss na namin ang kabuoan ng poem ni Gloria.

Pledge
Gloria Socrates - San Agustin

You fear
that all my vows
to love no one
but you,
may pass;

Or that
the sunshine
I had pledged to keep
for you
may fade
with falling rain;

That ere the sight
of you is gone,
your kiss
should freeze
upon my lips.

But most of all -
you too might fear
that should forever come at last,
then every joy must cease -
we two must part...

Take heart, dear one,
and be assured -
The day after forever,
shall find my vows renewed.

"What do you think of the poem, class?" nag-smirk si Sir Simon. (shet ang hot)

Maraming nagtaas ng kamay, isa na dun si... John. Ugh. Parang gusto ko mawala na lang dito kesa makita ko pa siya.

"Mister Cruz?"

"Sir, I think of the poem as a promise. A promise that had been made to their loved one." confident na confident na pagkasabi ni John.

Napahinto saglit si Sir Simon at nung mga panahon na iyon iniisip ko na mali sinabi niya kaya napangiti ako ng konti.

"Wow, Mister Cruz, you're right! Everybody please clap for Sir John Cruz!"

Napanganga ako. Tama siya!? Hindi 'to pwede! HINDEEE!

"Psst, hoy!" may nangalabit sakin sa balikat ko. Lalaki.

"Bakit ba?" sabi ko habang naka-cross arms.

"Mukhang galit na galit ka, ah?"

"Ay, halata ba? Sorry ah. Pft."

"Ganyan talaga si John, pasikat. Pero isa yan sa mga top. Di ko nga alam kung saan nanggagaling talino niya eh. Ang ligalig, sobra."

"Oo nga eh." matipid kong sagot.

"Ako nga pala si Judah. Buong pangalan ko Edward Judah Cembrano. Pero kilala ako bilang EJ or Edward sa iba. Mga ka-close ko lang ang pinapatawag ko ng Judah sakin. Nice to meet you." tumingin ako sa kanya at nakangiti siya sakin.

May hitsura siya. Moreno. Maganda katawan. Mahaba buhok kaya naka-man bun. May nakita rin ako patagong kulay black na hikaw sa tenga niya.

"Ah, matagal ka na siguro dito. Transferee lang kasi ako eh. Ako nga pala si Hazel. Hazel Marie soon-to-be Cembrano--ay este Garcia." Nadulas pa tuloy ako! Cute niya kasi eh. Hihi.

Tumawa na lang si Judah at bumalik na sa pakikinig kay sir Simon. Ako rin, napatingin na lang sa kay sir.

"Poetry uses figurative language, imagery, and how you look at things in a different perspective. Ang poem ni Gloria Socrates-San Agustin ay isang form ng poetry na tinatawag na Lyric Poetry. It means that it's a poem that expresses deep feelings and emotions."

Hm, ma-try nga magsulat ng lyric poetry minsan.

"The poem 'The Pledge' is kind of a promise that they had made for their loved ones or someone special in their life, kagaya ng sinabi ni Mister Cruz." napabuntong hininga na lang ako nung nakita ko si John na nakangiti sa upuan niya.

"Ang sinasabi ng writer ng poem na natatakot ang minamahal niya na baka sakaling makahanap siya ng iba at ang lahat ng pinromise niya ay hindi niya tutuparin o sisirain kasi every relationship has an end, diba? May parang time limit or date na magkakahiwalay kayo. Yung mga times na nasobrahan na ang pag-aaway niyo, natatakot ka na hiwalayan ka na niya the next day. Pero dito sa poem na ito, ang sabi na pagkatapos ng araw ng forever nila, ay i-rerenew niya ang mga promises o vows na sinabi niya sa kanyang minamahal. In short, hindi papakawalan ng writer ang minamahal niya at isinisigurado niya yun."

Marami akong narinig na mga nag-'oooh', 'aaah', 'sweet!' at yung ibang mga bitter jan, 'walang forever!'

Napatawa na lang ako sa sarili ko sa mga sinasabi nila. Basta para sakin, ang ganda ng poem. Kaya mahilig ako sa subject na English eh, andami mong matututonan.

*KRIIIIIIIING*

Nagring na yung bell at may pahabol pang sinabi si Sir Simon.

"Oh, class! Don't forget to read 'Dead Stars' by Paz Marquez Benitez. Para naman may magawa kayong productive this weekend." Ngumiti siya at nakita ko ang mga pearly whites niya. Grabe. Ang gwapo talaga ni Sir.

"Note taken, sir!" Sabi ko na nakangiti rin at kinuha ko na ang mga gamit ko.

-----

"Hazel! Saglit lang, sabay tayo." tawag sakin ni Judah.

"O sige." Umupo muna ako sa bench na inupuan ko nung lumabas ako sa classroom namin.

Pinagmasdan ko muna yung mga estudyante na nagsisilabasan sa mga classroom nila. Maraming nagtatawanan, nag-aasaran, at nagkwekwentuhan. Mamimiss ko 'to. Yung pagiging high school. Minsan hindi ko pa rin tanggap na maggagraduate na ako next year. Magiging matanda na pala ako. Nakakatawa lang, parang nung araw, nagkukulay lang kami sa bond paper at naghihirap magsulat ng mga letra sa blackboard. Ngayon, marami na akong memorize na formulas at mga dates, nagdadrawing pa rin ng shapes pero hindi na ganun ka-simple. May mga angles at letters na ang math. Mahirap pa rin. Pero hindi naman ako makakaabot hanggang dito kung wala ang mga kaibigan ko. Hindi ako nangongopya, ah? (pero nangongopya talaga ako) Ang pag-aaral kasi hindi masaya kung wala kang mga kaibigan, mga kasama sa pantitrip, sa mga kalokohan, sa mga gala, at group studies. HAHAHA! Napangiti na naman ako sa sarili ko nung may biglang pumalakpak sa harap ng mukha ko.

"Hoy! Anong ningingiti-ngiti mo jan? Halika na!" Sabi ni Judah na naka-smirk. Gusto ko siyang sapakin, sa totoo lang.

"Psh. Oo na." Tumayo na ako at kinuha yung bag ko.

"Galit ka na naman!"

"Ay, halata ba? Sorry ah. Pft."

Nung sinabi ko yun, parehas kaming tumawa. Patuloy na kaming pumunta sa Auditorium para sa mga iba pang announcements ng school. Sana ganito kasaya palagi ang Sherriddy High.

----

HELLO ITS ME!

HAHAHAHA! hiii. trixie here, again! eto na po ang pinakainintay niyong update! sorry for the delay. hinabaan ko 'tong chapter na 'to for you :D try ko talagang ipagpatuloy ang storyang ito!

salamat sa mga patuloy na sumusuporta! sana nandito kayo hanggang sa huli.

much love, trixie

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon