Chapter II

3 2 0
                                    


Chapter II

"Ano bang klaseng mga nilalang yun? And why are they attacking me?" Tanong ko sa kanya.

"Obscure"

"Ha? Ano? Obscore?"

"Idiot. I said Obscure. They are the unknowns of this world. Sila ang mga dati nang nakarating dito sa Wonderland na hindi na muling nakabalik sa kanilang pinanggalingang lugar"

Ano? Hindi na nakabalik? Napunta dito? Ibig sabihin ba nun ay hindi na din ako makakabalik sa mundo ko? No... no... no. Hindi pwede. Magtatanong pa sana ako sa kanya ulit nang magsimula na siyang maglakad. Hinabol ko naman ang paglalakad niya at tinanong siya.

"Ganyan rin ba ang mangyayari sa akin? May makakatulong ba sakin? Please sabihin mo sakin." Nagmamaka-awa kong sabi sa kanya pero mukang di niya ako pinapakinggan. Tapos ay bigla ko na lang naalala ang sinabi ng pusang yun kanina.

"Teka! Matutulungan ba ako ng Reyna nyo? Yung Queen of Hearts nyo dito sa Wonderland!!" Napahinto naman siya at humarap sa akin.

"Who told you about the Queen?" Seryoso niyang tanong.

"Ha? Edi yung alagang pusa ng Queen" nagtataka kong sabi sa kanya. Lalo namang naging seryoso ang mukha niya

"So nakilala mo na pala ang Cheshire Cat na yun" sabi nito. Nagtaka naman ako sa kanya.

"Hindi siya alaga ng Queen. He's from another owner" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Huh? He said that the Queen ordered him na dalhin ako sa kanya" Napailing naman siya at hindi na lang ako sinagot. At tumalikod na ulit sa akin

"That foolish cat!" Naasar na sabi niya. Naglakad na ulit siya at sumunod na lang ako sa kanya.

"Pwede mo ba akong dalhin sa Reyna para malaman ko kung papaano makauwi sa amin. Baka kasi nag-aalala na ang magulang ko" paki-usap ko sa kanya.

"Sige, dadalhin kita sa kanya...bukas"

Napahinto naman ako at biglang tumakbo sa harapan niya, pero bago pa ako makalingin sa kanya ay pinigilan na niya ako.

"Wag kang lumingon kung ayaw mong atakihin ng mga Obscure" sabi nito sakin. Napanguso naman ako sa sinabi niya. Eh paano ko siya makaka-usap niyan?! Nagulat na lang ako nang bigla siya umikot at pumunta sa harap ko. Nang makabawi ako sa pagkabigla ay naalala ko na ang dapat kong sabihin sa kanya.

"Hindi pwedeng bukas pa! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?! Kailangan ko nang makabalik sa amin dahil mag-aalala ang pamilya ko! Kailangan ko na nang makita ang reyna nyo para makabalik na ako sa amin!!!" Sigaw ko sa kanya habang nangingilid na ang luha ko.

Si mama baka umiiyak na yun sa pag-aalala sa akin, si papa baka pagalitan na ako nun kasi pina-iyak ko sa pag-aalala si mama. Si ate Ellie, baka kanina pa ako nun hinahanap. Siguradong hinahanap na nila ako. At hindi ko na napigilan ang mga luha ko kaya umiyak na ako nang umiyak.

"Please!!" At pagkatapos nun ay nagdilim na ang paningin ko at hindi ko na alam ang nangyari.

Ang sakit ng ulo ko. Anong nangyari? Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, at ang unang tumambad sa akin ay ang kisame na gawa sa kahoy. Nasan ako? Dahan-dahan akong umupo at tiningnan ang buong paligid.

At ang una kong nakita ay isang sombrerong itim na nasa lamesa sa gilid ng kama. Teka parang pamilyar yun ah? San ko ba yun nakita? Iniisip ko kung saan ko yun nakita nang marealize ko na NASAN AKO?! Tumayo ako bigla kahit masakit pa ang ulo ko kaya natumba ulit ako.

"Aray!" Tiningnan ko ang siko ko at nakita kong may dugo dun. Hayaan mo na nga. Di naman ganun kasakit.

Tatayo na sana ulit ako nang biglang bumukas na lang bigla ang pintuan at pumasok ang lalaking itim, este yung lalaking sumagip sa akin mula sa mga Obscure.

"What happened?" Tanong niya. Tumayo naman ako nang tuwid.

"Nasan ako?" Pagbabaliwala ko sa tanong niya. Inirapan naman niya ako at lumapit sa mesa kung nasan ang sombrero. Ay! Oo nga pala. Kanya nga pala yun! Kaya pamilyar!

Sinuot niya ang sombrero niya at tiningnan ako mula sa paa at napahinto ang tingin niya sa siko ko. Tinago ko naman agad ito sa likod ko. Baka sabihan na naman ako nito ng idiot.

Pero lumapit siya lalo sa akin at kinuha ang braso ko na nasa likod ko. Napa-aray naman ako ng mahina sa ginawa niya.

"You're such an idiot" sabi na nga ba eh. Napayuko na lang ako at binawi ang braso ko.

"Hindi naman malaki. Gasgas lang yan" sabi ko sa kanya.

Binitawan na niya ang braso ko at lumapit ulit sa lamesa na kinalagyan ng sombrero niya kanina at binuksan ang isang drawer doon. Nang sinilip ko ang kinukuha niya ay nakita ko ang isang bote na may kumikinang na powder sa loob. Parang glitters pero parang napaka magical.

Humarap siya sakin kaya napatayo ako ng tuwid at umiwas ng tingin. Nagulat naman ako nang hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Naglagay siya nung kumikinang na powder sa kamay niya at hinipan papunta sa siko ko na may sugat. Nagulat na lang ako nang umilaw ang sugat ko at nawala na lang bigla ang sugat na nandoon.

"Woah!" Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Tsk. Let's go"

"Huh? Saan naman?" taka kong tanong sa kanya habang sinusundan siya ng tingin palabas ng kwarto

"Get ready to meet the Queen Of Hearts"


-------------------------


I dont know kung may nagbabasa pa nito hahaha.

Im gonna drop this chapter but I'll probably rewrite this kasi ilang taon na tong nakatambak nakalimutan ko lang i publish hahaha

I'm planning to rewrite my old stories so I hope I could get you to read my other stories too, Thank you!!!!!!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alice In Wonderland: Must kill the RabbitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon