Prologue: The White Hare

44 2 1
                                    


Alice In Wonderland: Must Kill The Rabbit.

"At nabuhay silang maligaya habang buhay. Wakas" sabi niya at sinarado ang librong hawak niya. Kinuha ko sa kanya ang libro at binuklat sa huling page.

"Bakit puro 'nabuhay silang maligaya'? Wala bang storyang hindi nagtatapos sa ' Nabuhay silang maligaya habang buhay'?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa larawan na nasa libro. Hinalikan ng prinsipe ang kanyang prinsesa.

"Bakit mo naman naitanong?" tanong niya. Hindi na lang ako sumagot at umupo sa pagkakahiga ko sa hita niya. Hindi ko din kasi alam.

"Ikaw Alice,gusto mo bang magkaroon ng masayang wakas?" napalingon naman ako sa sinabi niya. Ano? Happy ending? Ako? Hindi ko alam. Siguro?

Tiningnan ko siya. Napaka ganda niya. Ang  ng isang Dyosa. Ang maputi at makinis na balat, mahabang kulay brown na medyo kulot na buhok, maamong mukha, at ang mga mata niyang... ahhhmmm. Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba sa mga mata niya. Something so mysterious and beautiful at the same time.

Hindi ako sigurado kung makakaroon ako ng happy ending katulad ng sa libro pero alam kong si Ellie ay magkakaroon. Sino bang lalake ang hihindian si Ellie. Napaka perpekto niyang babae.

Humiga ako sa damuhan at pumikit. Iba't-ibang klaseng Happy Endings ang nai-imagine ko sa utak ko. Happy Endings mula sa mga librong binabasa ni Ellie sa akin. Magkakaroon kaya ako ng sarili kong happy ending? Nakakatawa ka Alice. Umaasa ka sa bagay na walang kasiguraduhan. Madami pang mga bagay na umiikot sa isipan ko. Naririnig ko ang boses ni Ellie pero hindi ko siya maintindihan hanggang sa naramdaman ko nang hinehele ako ng masarap na simoy ang hangin hanggang makatulog ako.

"Hey! Gising!" Hhhmmm!

"Wake up! It's already time!" Sino yun?

"Hey! We're gonna be late!" ha? late saan? At sino na to? And before I could think of an answer naramdaman ko na lang na umaalog na ako.

My head hurts because of the shaking kaya iretable kong binuksan ang mga mata ko to found a... handsome bunny? HA? Naka white suite siya at white na sapatos na tumerno sa tenga niyang puti. How did this happened?

"Sino ka?" tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin ako ay tiningnan niya lang ang pocket watch niya na gold. What a rude guy.

"No time to explain. We're already out of time! This is getting out of my schedule" sabi niya at hinatak ako patayo. At ang kaunting hilo ko kanina ay nadagdagan na naman. Ano ba ang problema niya.

"Hindi ako sasama sayo!" madiin kong sabi sa kanya at binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"Aish!" frustrated na sabi niya at ginulo ang kulay itim niyang buhok.

I crossed my arm at tumalikod na sa kanya. I started walking palayo sa kanya but before I could go far naramdaman kong may humawak sa bewang ko at bigla na lang akong lumutang sa lupa.

"Waaaahhh! Put me down!" sigaw ko aa kanya at pinalo ang likod niya. Binuhat niya ako na parang sako kaya lalo lang akong nahilo sa ginawa niya. Aaarrggghhh

"Tumahimik ka nga muna!" he said with a dangerous tone kaya tumahimik na lang ako. Hindi ko siya kilala kaya baka kung ano pa ang gawin niya sa akin.

Naglakad siya habang ako ay tahimik na nagpaplano sa gagawin kong pagtakas sa kanya. Paano nga ba ako makakatakas sa Konehong to?

Bigla na labg huminto ang koneho o tao o koneho o Ah! basta! Huminto siya sa isang lugar. Sa tingin ko ay nasa Hardin pa din naman kami dahil hindi nagtagal ang paglakad niya. Titingnan ko na sana ang paligid nang bigla na lang siyang sumigaw.

"Geronimo!!"

At pagkatapos nun ay naramdaman ko na lang na nahuhulog ako. Wait. Nahuhulog na nga ako!!!

"Waaahhhh!"

"Don't worry. I'll catch you" Someone whispered and everything went complete black


Alice In Wonderland: Must kill the RabbitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon