Chapter I

23 2 1
                                    


Chapter I

Wonderland

"WELCOME TO WONDERLAND!"

"What a wierd sign" mahina kong bulong habang nakatingin sa sobrang laking sign na may nakalagay na "Welcome to WONDERLAND".

Naglakad-lakad ako hanggang makakita ako ng kumpol ng mga tao. Napakadaming tao, lahat sila nagkakasiyahan, lahat nakangiti at para bang walang problema.

"Alice"

At bigla na lang akong nakaramdam ng kamay na humahawak sa akin.

"Wait!!" Sigaw ko pero mukang hindi niya ako narinig. Dinaanan lang namin ang mga taong nagkakasiyahan.

Ang wierd naman nila, sa paraang hindi ko maipaliwanag. Basta may kakaiba sa kanila na hindi normal, hindi kapani-paniwala.

Nang maka-alis na kami sa kumpol ng mga tao ay nakita ko na ang mukha niya, or rather say, ang likod niya. Meron siyang mahabang buhok na umabot sa balikat niya, ang suot naman siya ay kulay Purple na suit, at meron din siyang... teka, ano to? Bakit meron siyang... buntot ng pusa?!

Lumingon siya sa akin, at ang unang tumambad sa akin ay ang kanyang... tenga na pusa?! Ano bang klaseng tao to? Bakit siya may mala pusang tenga at buntot? Bakit niya ako hinatak na lang bigla?

"Alice"

"Kilala mo ako?" Ngumiti naman siya ng malaki at tumango.

"We've been waiting for you, matagal na" nakangiti parin niyang paliwanag.

Tiningnan ko lang siya na may malaking pagtataka sa mukha. Ano daw? Ako? Pero bago pa ako makapag-tanong ay nagsimula na ulit siyang maglakad kaya sumunod na lang din ako. Pero habang naglalakad kami ay huminto siya, kaya huminto din ako.

"Don't ask" sabi niya kaya nanahimik na lang ako.

"I've been waiting for you, matagal na"

"Oo, nasabi mo na yan sa akin kanina" nawiwirduhan kong sabi sa kanya, muli na naman siyang lumingon sa akin na may ngiti na naman sa kanyang labi.

"Ay oo nga pala noh? Pasensya ka na" sabi niya. Kahit na nakangiti siya sa akin ay di ko parin maramdaman na masaya siya o ano. Para bang hindi yun totoo. Para bang...

"Hindi pa pala kita nawewelcome dito" sabi niya, anong welcome? Pero bago pa ako makag-react ay lalo niya pang nilakihan ang ngiti niya at nagsalita,

"Alice, Welcome to WONDERLAND"

"S-salamat?" Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Natatakot ako pero para bang ang saya ko. Ano ba talagang nangyayari sa akin?

"Halika, dadalhin na kita sa Queen of Hearts, gusto ka daw niyang makita" sabi niya.

"Siya ang namamahala dito" its not a question but a statement. Tumango naman siya

"She makes the rules and regulations dito sa WONDERLAND"

"So you're the Queen's royal pet" sabi ko sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Bakit hindi ka nagtatanong? You didn't even ask for the name of the person who dragged you"Lumingon siya sa akin na nakangiti parin. Para bang hindi na pwedeng mawala ang ngiti niyang iyon, na naka-paint na yun sa kanyang mukha.

"Akala ko kasi bawal magtanong, sinabi mo kasi kanina na wag magtanong" Honest kong sagot sa kanya.

Medyo nawala ang saya sa mukha niya, "You're so trustful, Alice. Hindi yan makakatulong sa paglalakbay mo dito sa Wonderland" seryoso niyang sabi sa akin at humakbang papunta sa akin hanggang malagpasan na niya ako.

Lilingon na sana ako para tingnan ang pusang yun nang may nagsalita "Wag kang lumingon!" Pero huli na ang lahat at nakalingon na ako.

Bigla na lang akong nakarinig ng mga nakakabinging sigaw. Ang sakit sa tenga at ulo kaya tinakpan ko ang tenga ko at napa-upo na lang. Minulat ko abg mata ko at nakita ko abg sarili ko. Ano?!

"Mamamatay ka Alice!!!" Sigaw ng sarili ko?! Anong nangyayari dito? Bakit ako sinasabihan ng ganito ng sarili ko..

Susugod na dapat siya sa akin nang biglang may humarang na lalaki at nakarinig na lang ako ng putok ng baril. Napapikit ulit ako. Kasabay nun ang lalong paglakas ng ingay kanina na unti-unting nawawala.

Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang likod ng isang lalaki. Tumingala ako sa kanya at sakto namang lumingon siya sakin kaya't nakita ko ang mukha niya.

Mga napakadilim na mga mata. May mahaba siyang kulot na itim na buhok na umabot sa balikat niya at isang itim na sumbrero na pahaba na kakulay ng buhok niya. At mayroon siyang baril?!

Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang siyang tumalikod ulit sa akin.

"Tumayo ka na dyan. Wala na sila" tumayo naman ako at pinagpag ang palda ko na tingin ko at di naman nadikyikan ng miski isang alikabok. Dahil sa linis ng buong lugar na ito. Siguro ay gusto ng reyna na palaging malinis ang sinasakupan niya.

"Ano bang klaseng mga nilalang yun? And why are they attacking me?" Tanong ko sa kanya.

To be continued...

Alice In Wonderland: Must kill the RabbitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon