Ding dong! Ding dong! Ding dong!
Anubayan. Inaantok pa ako.
"RIA! Ikaw na!" Sigaw ko sa kanya. Nasa tapat ko lang ang higaan niya.
"Asbdhdhbnhmmm." Takte. Tulog mantika. Tumingin ako sa kabila ko at nandun naman si Beth natutulog.
"BETH! IKAW NA MAGBUKAS!" sigaw ko naman sa kanya.
Walang sagot. Puro tulog mantika. Anubayan! Bumangon na ako at tiningnan ang oras. 6:30am! Holy cow. Sino ba naman yang hayop na yan! 9:00am pa bukas namin ah! Grabi talaga.
Bumaba na ako sa 1st floor without washing my face and brushing my teeth. Nakakatamad eh. Tapos galit ako. Ginising ba naman ako. Am not a morning person. geez.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ay isang babaeng umiiyak. Kalat na lahat ng make-up niya sa mukha.
"I'm very sorry to disturb you but I really want your help." She said, almost crying. Customer equals money. *__*
"Tuloy ka. Walang problema. Ano ka ba. Hehe." Sabi ko with a smile. Nakakawala ng beast mode ang costumer. Pera na naman kasi eh haha. Stupid me.
Umupo siya sa sofa at iyak pa rin ng iyak.
"You want some coffee? 3 in 1 gusto mo?" I asked her at pumunta sa mini kitchen namin.
"Hindi, yung stick to one." She answered, sadness is evident in her face. Grabi kung mka hugot tong babae to.
"Ah wala kami nyan eh. Iba nalang?." Tanong ko naman sa kanya kahit na nakokornihan na ako sa kanya. Customer eh dapat mabait.
"Yung DECAF nlang, yung DECAFapalitan." Sagot na naman niya. Tengene tong babae to. Mabibilaukan ako sa ininom kong caramel coffee ng wala sa oras.
"Okay. Damihan ko?" tanong ko naman sa kanya. I act normal parin. Nasasaktan kasi yung tao.
"Oo damihan mo para maging matapang ako, yung kaya ko nang labanan ang katangahan ko." O-kaay. Grabi tong babae to kung mka hugot. Inaasikaso ko na ang coffee niya at inilapag ko sa harapan nya. Umupo ako sa tapat niya at ask her.
"Ano bang problema?." She explained everything to me. Nakita daw niya ang boyfriend niya na may kasamang babae. Nagho-holding hands daw sila habang nag jojogging, sakto naman bumili siya nang tinapay sa kanto. Kaya sya napunta dito sa building namin ngayon para mkig break sa boyfriend niya. She wants our help.
Tumayo na siya at nagbigay ng profile sa boyfriend niya.
"Salamat anna ha? I won't be long. My flight is 9am. Bye." Sabi niya at nagpaalam na.
"Bye catherine." At isinarado ko na ang pinto. 7am palang. Inilapag ko na ang coffee mugs sa sink at babalik na sana sa kwarto ko nang bumaba na ang dalawang bruha! -.- Balik beast na ako.
"Anong meyron anna?" Tanong ni Beth with her so oh bedroom voice. Inirapan ko lang sila at umakyat sa kwarto ko at matulog. I need this beauty rest para mamaya. Bahala na silang Beth at Ria magbukas. Kaya na nila yun. Yaaawn.
----
A/N: credits to owner ang hugot lines especially kay lvl_jagi. Basahin niyo story niya. Astig. :)
BINABASA MO ANG
The BREAK-UP Guardians
Humor"Break-up is NOT a hard thing to do. 'Coz the break-up guardians will be helping you."-Anna